Ikalabing-limang Kabanata

179 9 3
                                    



"Chen hyung, bakit niyo po ba ako pinipigilan na makita si Dy? Miss na miss ko na po siya. Hindi ko po siya nakita kahapon!"

"Mamaya mo na lang siya kausapin, Andy. Hintayin mo nalang na lumabas ng kwarto si Sehun."

"Pero, hyung! Dati naman po kahit dumiretso ako sa kwarto ni Dy hindi niyo ako pinapagbawalan. Bakit po ba?"

"Andy naman. . ."

"Andy, siguro sundin mo nalang si Uncle Chen. Baka busy si Uncle Sehun."

"Pero Denise noona!"

Nagtalukbong na lang ulit ako ng kumot sa inis. Miss na miss ko na rin si Sehun liit pero tama si Chen hyung, mas mabuti nang hindi ko muna kausapin si Andy dahil nitong mga nakaraang araw talaga ay ginugulo ako masyado ng Mommy niya! Hindi na ako natutuwa.

"Chen hyung naman, eh! Bakit ayaw niyo po ipakita sakin Dy ko? Nakakainis kayo!"

Narinig ko mula sa kama ko iyong mga hikbi ni Andy. Oo, alam kong iyakin iyong anak ko at malakas iyong topak pero iba itong iyak niya ngayonㅡiyong iyak na may halong frustrationㅡat ito ang unang beses na umiyak ng ganito si Andy.

Hindi man halata pero winawasak ang puso ko sa tuwing nakikita kong malungkot o umiiyak ang anak ko. Kahit hindi ako ang nagsilang sa kanya, pakiramdam ko sobrang magkadikit ang mga bituka namin na kapag nakaramdam siya ng sakit ay awtomatiko ko rin iyong mararamdaman.

"Andy. . ."

Napakagat ako ng labi at lumabas sa makeshift shell kong kumot. Hinilamos ko muna ang mga palad ko sa mukha ko bago ako tumayo at binuksan ang pintuan ng kwarto kong naka-lock. Mukhang nabigla pa silang tatlo sa walang pasabi kong pagbubukas ng pintuan.

"Sehun. . ."

"Uncle Sehun. . ."

Napatingin ako kay Andy at pakiramdam ko sobrang pinipiga iyong puso ko dahil sa itsura niya ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, kakasimula lang nitong umiyak pero basang-basa na ang pisngi niya at umabot na ang pagtulo ng luha niya sa collar ng uniform niya. Alas-singko na ng hapon pero hindi pa rin siya nagbibihis.

"Sige na. Ako na ang bahala kay Andy, hyung at Denise. Salamat."

Tinanguan na lang nila akong dalawa at inalalayan ni Chen hyung si Denise pababa ng grand staircase samantalang umupo naman ako para makapantay itong anak kong humihikbi pa rin.

"Bakit umiiyak ang gwapo?"

Nginisihan niya muna ako bago tumakbo sa mga bisig ko at mahigpit akong niyakap. Nagsimula na naman siyang umiyak kaya hinaplos ko iyong likod niya.

"Dy! M-miss na po kita. H-hindi na po tayo nagbo-bonding," he said in between his sobs.

Maingat kong kinarga si Andy papunta sa kwarto nila ni Jiyoon. Dati naman neutral lang ang nararamdaman ko kapag pumapasok ako dito pero simula noong nakaramdam ako ng something weird patungkol kay Jiyoon, palagi nalang akong kinakabahan na baka datnan niya kami rito. Pakiramdam ko tatakasan ako ng bait kaya hangga't maaari, ayaw kong makulong sa isang kwarto kasama siya.

Ilalapag ko sana si Andy sa kama nila ng Mommy niya para kumuha ng pamalit na damit pero mas humigpit ang yakap niya sa batok ko at ibinaon niya pa iyong mukha niya sa leeg ko. Koala Bear mode: on.

"Bitiw na muna saglit. Magbihis ka na. Anong oras na, oh. Hindi ka man lang ba naisipang palitan ni Chen hyung ng damit?"

Umiling si Andy at nagsimula nang tanggalin sa pagkakabutones iyong butones ng uniporme niya. "Kakauwi ko lang po."

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon