Ikalimang Kabanata

298 23 11
                                    



Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa tabi ng anak ko. Naramdaman ko nalang na tinutusok niya iyong pisngi ko kaya ako nagising. Pagmulat ng mga mata ko iyong nakangiting mukha agad ni Andy ang sumalubong sa akin.

"Daddy, umiiyak ka po," malumanay niyang sabi. At oo nga, umiiyak ako. Pinunasan niya iyong pisngi ko at nginitian ako ng malungkot. "Bakit po? Napapagod na po ba kayo kasi makulit po ako? Promise po hindi na po ako magpapasaway! Hindi na rin po ako magsusumbong kila hyung kapag inaaway mo ako! Hindi na rin po kita ilalaglag kila hyung! Hindiㅡ" Naputol iyong monologue niya nang bigla ko siyang hinatak para mayakap. "ㅡDaddy. . ."

"Andy magagalit ka ba kay Daddy kapag may tinago akong secret sayo?" Pumikit ako. Hindi dahil napuwing ako, kundi dahil natatakot ako sa isasagot ni Andy.

"Hindi po," napabitiw ako ng yakap at gulat siyang tinignan. "Kasi ikaw po ang Daddy ko. Alam ko pong kaya mo nagawa iyon ay para rin sa akin. At saka hindi ko po ata magagawang magalit sa inyo kahit lagi niyo akong pinapaiyak. Kasi nga po Daddy kita. Ikaw si Sehun at ako si Sehun liit."

Napangiti ako at ginulo ko iyong buhok niya, naupo naman ako at sumandal sa headboard ng kama niya. Tinapik ko pa iyong hita ko at mabilis pa sa alas kwatro na naupo si Andy doon. "Sino nagturo sayo niyan?"

Ngumisi siya at yumakap sa akin. "Si Chen hyung po!" Akalain mong may mabuti ring tinuturo si Chen hyung sa anak ko? "Pero Daddy ano po ba iyong mommy?"

Mahigpit kong hinawakan iyong magkabilang kamay ni Andy. Ang liit-liit kumpara sa akin. "Anak ang mommy ay babaeng version ng daddy."

"Huh? Hindi ko po gets," napakamot siya ng ulo. "Hehe. Sorry po."

"Paano ko ba sasabihin sayo? Uhm. Ang mommy siya iyong katulong ng daddy para magawa ka," hayop Sehun! Anong klaseng explanation ba ito? "Ay, basta anak! Ang mommy ay asawa ng daddy!"

Namilog naman ang bibig niya sa pagkamangha. "Whoa! Talaga po? Eh nasaan po ang Mommy ko?"

"Wala kang mommy. . ."

"Huh? Edi paano po ako nagawa? Sino pong katulong niyo? Si Luhan hyung?" Clueless niyang tanong.

Napasapo nalang ako ng palad sa mukha. "Unang-una sa lahat anak, hindi babae si Luhan hyung okay? Lalaki iyon!" Ngumisi siya sa akin. "Pangalawa, sinong nagturo sayo niyan ha?!"

"Si Chen hyung po! Sabi niya kasi. . ." Napatigil siya saglit na parang may inaalalang salita. "Ano ba iyong word na iyon? OPT? PTO?"

"OTP," pagtatama ko.

"Opo! Iyon nga po! OTP daw po kasi kayo ni Luhan hyung noong may EXO pa!" Napairap ako. Binabawi ko na iyong sinabi kong may magandang naituturo si Chen hyung kay Andy.

"Anak minsan 'wag kang magpapaniwala kay Chen hyung ha? Sumbong mo kay Suho hyung kapag may tinuturo sayong kalokohan," pagsusulsol ko.

"Hala! Mabait naman po si Chen hyung ah!"

"Wala naman akong sinabi na hindi mabait si hyung," hinagkan ko si Andy at napawi lahat ng pag-aalala ko nang yakapin niya ako pabalik. "Back to the topic, wala kang mommy kasi. . ." Napahinto ako. Ayokong masaktan si Andy pero ano ba ang tamang salitang dapat gamitin? "Iniwan ka niya."

Napabitiw siya sa pagkakayakap sa akin at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo. Takang-taka niya akong tinignan, hindi talaga ako magiging handa sa reaksiyon ni Andy. Pero nandito na. "Iniwan po ako?" Naluluha niyang tanong. "Bakit po? Hindi po ba ako love ng Mommy ko?"

Umiling ako. "Halika nga. Dito ka lang sa tabi ko," at bumalik siya sa pagkakaupo sa hita ko. Hindi ko mapigilang masaktan ng isa-isang tumulo iyong mga luha sa mata ni Andy. "Anak, hindi sa hindi ka love ng Mommy mo. Ganito kasi iyan: hindi ka kayang buhayin ng Mommy mo."

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon