Ikasampung Kabanata

234 13 6
                                    



"Dy. . ." Maikling tawag sa akin ni Andy.

Hindi na Daddy iyong tawag niya sa akin ngayon. Ewan ko rin kung bakit biglang nagbago. Nagsimula ito kagabi noong tabi silang natulog ni Jiyoon sa kwarto niya. At ang tawag naman niya kay Jiyoon ay My.

"Ano po?" Tanong ko habang busy sa pagbabasa ng financial report ng bubble tea shop ko. Nasa bahay lang ako ngayon dahil tinatamad akong bumisita sa shop. Sabi naman sa akin ni Jessa na maraming tao doon ngayon kaya mas nakakabuting hindi muna ako pumunta.

"Nasaan po si My? Bakit hindi pa po siya bumabalik?" Napatingin ako kay Andy na nakasilip sa bintana ng kwarto ko, halatang hinihintay ang pagbabalik ni Jiyoon.

Kanina kasi habang kumakain kami ng almusal ay nagpaalam si Jiyoon na uuwi muna siya sa apartment niya para kunin iyong mga gamit niya. Sabi niya babalik nalang daw siya kapag natapos siya. Nagpumilit namang sumama si Andy pero hindi ko siya pinayagan. Hindi pa rin ako gano'n kakumbinsido na walang balak na masama si Jiyoon sa anak namin.

"Atat, Andy? Ilang oras palang na nakakaalis Mommy mo oh," pagtingin ko sa orasan alas-onse palang. Alas-diyes umalis si Jiyoon ng bahay. Hinatid pa namin siya ni Andy sa sakayan ng bus dahil nagmamaktol itong anak ko dahil sa hindi ko pagpayag na sumama siya sa ina niya.

"Bakit po kasi hindi niyo ako pinayagang sumama kay My?" Nakanguso niyang sabi habang nagpapacute sa akin. Kala mo naman totoong iiyak, ni hindi nga nangingilid iyong luha niya.

Napabuntong-hininga ako. Tutal naman nahihilo na ako sa pagbabasa nitong financial report na ibinigay sa akin, nagpasiya akong tawagan si Jiyoon para tanungin iyong address niya. Susunduin nalang namin siya ni Andy para iwas hassle sa part niya at sa part ko dahil wala ako sa mood mag-alaga ng isang tinotopak na batang lalaki.

Kinuha ko iyong susi ng Montero ko at dinala ang wallet at cellphone ko. Nakatingin lang sa akin si Andy na may halong pagtataka. Inirapan ko siya. "Ano? Sasama ka ba?"

"Saan po?" Pinunasan niya iyong pisngi niyang wala namang luha.

"Sa Mommy mo, susunduin ko," maikling sagot ko at naglakad na pababa ng kwarto.

"Hala! Wait lang po, Dy! Magdadamit lang po ako!" Narinig kong sigaw niya. Nakashorts lang kasi si Andy dahil naiinitan siya kahit nakabukas naman iyong aircon sa kwarto ko at sa buong bahay.

Saglit akong naghintay sa baba ng hagdanan nang biglang dumaan si Baekhyun hyung sa harapan ko. "Hyung. . ."

"Bakit?" Nakangiti nitong sabi habang hawak iyong lesson plan niyang kulay pink.

"Happy birthday," nakangiti kong sabi. Si Baekhyun hyung ang isa sa mga paborito kong hyung kaya hinding-hindi ko makakalimutan na ito ang pinakamasaya niyang araw. "Anong gusto mong regalo?"

Ginulo ni Baekhyun hyung iyong buhok ko at ibinaba iyong lesson plan niya. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at mataman akong tinignan. "Salamat. Pero wala naman na akong mahihiling pa para sa birthday ko. Siguro ang wish ko nalang ay magkaroon ng magandang pamilya si Andy at maging masigla tayong magkakaibigan. Syempre, sana tumagal kami ni Chanyeol. Hehehe."

"Hyung naman. . ." Napakamot ako ng batok. "Seryoso? Wala kang gustong birthday gift? Lalabas din kasi kami ni Andy."

Umiling ito bilang tugon. "Saan punta niyo?"

"Susunduin namin si Jiyoon. Si Andy kasi tinotopak na sa kwarto ko. Ang tagal daw dumating ng Mommy niya," napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog at isang mensahe mula kay Jiyoon ang dumating.

Jiyoon: Seryoso ka ba, Sehun? Ayos lang ako. Malapit na rin naman akong matapos sa pag-aayos at maliligo na rin ako tapos didiretso na ako diyan. No need to fetch me.

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon