Ikapitong Kabanata

263 20 6
                                    



"Andy gising na," niyugyog ko ng mahina ang katawan ng anak ko pero hindi siya kumilos. Alam ko namang gising na siya eh. Hindi naman kasi tulog mantika itong anak ko. "Pinapatawag ka na ni Kyungsoo hyung sa baba. Nakahanda na iyong breakfast mo."

"Daddy. . ." Humarap siya sa akin at bumungad ang namumula niyang mukha. Agad naman akong naupo sa gilid ng kama niya at mabilis na pinunasan iyong basa niyang pisngi. "Daddy, natatakot po ako."

First day kasi ni Andy ngayon sa school. Kahapon sobrang excited niya sa National Bookstore habang namimili kami ng mga school supply na inilista ni Baekhyun hyung. Sa sobrang enthusiastic niya, saglit lang namin binili iyong mga dapat bilhin kahit na sobrang haba ng listahan namin. Kagabi nga pinagmamayabang niya pa sa mga hyung namin iyong mga gamit niya tapos ngayon tinatamad siyang bumangon.

Ngumiti ako sa kanya at binuhat siya paalis sa higaan niya. "Hindi kita iiwan. Doon lang ako sa tapat ng pintuan ng room niyo. Hihintayin kita doon."

"Talaga po?" Nakanguso niyang tanong. "Baka naman po sinasabi niyo lang iyan pero bigla kayong mawawala sa labas, Daddy!" Pagmamaktol niya.

Umiling ako. "Hindi. Promise ito. At saka hindi naman ako gano'n kabusy ngayong araw," pinunasan ko iyong natuyong panis na laway niya sa gilid ng bibig. "Babantayan ka ni Daddy, okay?"

"Promise po?" At inoffer niya iyong pinky finger niya sa akin. Natatawa akong pinagdikit iyong mga daliri namin habang si Andy naman ay patuloy parin na hindi maipinta ang mukha. "Saglit lang naman po diba?"

Tumango ako. "Four hours lang naman. Pero dapat sanayin mo ang sarili mo na mag-isa nalang doon, ha? Kasi busy din naman kami nila hyung. Hindi ka namin kayang bantayan. Pero babalikan ka naman namin kapag uwian na," pagpapaliwanag ko.

"Pero Daddy, hindi ba ikaw iyong may-ari ng business mo?" Tumango ako at nagsimula nang lumabas ng kwarto ni Sehun liit. "Dapat pwede ka pong umabsent kahit kaylan! Ikaw naman po may-ari eh."

Ginulo ko iyong buhok niya sa sobrang tuwa ko dahil sa sinabi niya. Napakapilyo talaga. "Hindi pwede iyon, anak."

"Bakit naman po?" Ayan. Humahaba na naman nguso niya.

Napairap nalang ako. Ang dami na namang tanong nitong bulilit na ito. Pagkababa namin ng hagdanan, agad kaming sinalubong ni Xiumin hyung at kinuha niya si Andy sa mga bisig ko. At bakit nga ba hindi pa ako nagulat sa mga salitang lumalabas sa bibig ng anak ko? Manang-mana sa akin eh.

"Umin hyung. . ." Panimula niya. Medyo hirap din si Andy sabihin ang letrang X kaya Umin ang tawag niya kay Xiumin hyung. "Kaylangan po ba talagang pumasok sa school ng mga baby na katulad ko?"

Napairap nalang ako samantalang nagpipigil naman ng tawa si Xiumin hyung. Palagi niyang sinasabi sa amin nila hyung na big boy na raw siya kaya hindi na nararapat na tawagin siyang baby pero nitong mga nakaraang araw ay palagi niyang sinasabi sa amin na baby pa raw siya. Nagsimula iyan noong dinala namin siya ni Kai sa school na papasukan niya. Tsk.

"Syempre, para magkaroon ka ng magandang future. At saka hindi naman kami habangbuhay na malakas. Darating ang araw, manghihina kami nila hyung at ni Daddy mo. Paano tayo kakain?" Napasapo nalang ako ng noo. Really hyung? Really?

Napasinghap naman si Andy. Uto-uto talaga eh. "Hala! Hindi ko po kayo kayang tustusan, hyung! Kay Chanyeol hyung palang po! Marami po kayong kumain lahat eh!"

Ginulo ni Xiumin hyung iyong buhok ni Andy na magulo na talaga. Nakalimutan kong suklayan hehe. "Syempre, okay lang iyon. Para sayo rin naman itong ginagawa namin kaya ka namin ipapasok sa school. Para na rin matuto kang magsalita ng English."

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon