Ika-anim na Kabanata

304 22 15
                                    



Linggo ngayon at maaga akong nagising. Hindi ko naman ugaling bumangon ng ala-sais ng umaga pero hindi na talaga ako makatulog kaya naghilamos na ako at nagdiretso sa kusina. Agad kong naamoy ang mabangong sinangag na niluluto ni Kyungsoo hyung.

"Oh? Aga mo ata?" Tanong niya. Dumiretso ako sa refrigerator para kunin iyong fresh milk at nilagay iyon sa paborito kong baso. "Ang aga-aga malamig agad ang iinumin mo. Baka sumakit sikmura mo."

Umiling ako. Sanay na naman ako. "Hindi na kasi ako makatulog. Ewan. Nakakatamad pa naman ngayong araw."

Tumango siya at inilagay iyong bagong lutong sinangag sa lalagyan. "Anong oras na umuwi sina Chanyeol kagabi? Halos madaling araw na ata noong narinig kong nagkakalabugan sa kwarto nila ni Baekhyun at sa kwarto ng anak mo," magkakatabi kasi ang kwarto namin nila Chanyeol at Baekhyun hyung, Andy, at ni Kyungsoo hyung.

"Hindi ko rin alam. Baka kaya maaga akong nagising dahil naalimpungatan ako. Hindi ko kasi nakita si Andy buong araw kahapon," totoo naman. Umalis silang tatlo nila Chanyeol at Baekhyun hyung ng sobrang aga tapos umuwi sila kung kaylan tulog na ako. Namiss ko si Sehun liit!

"Kaya tahimik ang bahay kahapon, eh. Wala iyong tatlong baliw," napatawa ako. Hindi ba't Beagle Line ang tawag namin kay Chanyeol, Chen, at Baekhyun hyung? Pero noong dumating si Andy sa buhay namin, nagkaroon ng bagong tawag si Kyungsoo hyung sa kanila: Apat na Baliw. Iyong anak ko kasi nahahawa na sa kalokohan ng Beagle Line kaya pinalitan na ni Kyungsoo hyung iyong tawag sa kanila.

"Hayaan na natin. Magiging busy na rin naman si Andy simula bukas," oo papasok na sa school ang anak ko. Mamaya pupunta kaming mall para mamili ng gamit niya at mag-bonding na rin. Every Sunday kasi ay may father and son bonding kaming dalawa.

Napangiti si Kyungsoo hyung. Halata mong proud. "Oo nga pala. Bilhan mo ng baunan si Andy, ipagluluto ko siya araw-araw ng baon. Tapos bilhan mo na rin ng vitamins, sandwich spread, at tinapay para may snack siyang baon kapag hindi ako makakapagluto."

Kung si Suho hyung ang tumatayong tatay namin sa pamilya dahil siguro kinasanayan niya na, si Kyungsoo hyung naman ang tumatayong nanay namin. Siya ang palaging maaga gumising dahil ayaw na ayaw niyang kakain kami sa mga fast food restaurant. Hindi raw kasi healthy iyong mga pagkain doon kaya kung kaya naman naming iwasang huwag kumain, gawin namin. Pero minsan ayos lang din. Lalo na't kapag naiisipan naming kumain ng mga pizza, donut, burgers, at fries tuwing Linggo ng gabi.

"Nanay na nanay ang dating natin Kyungsoo hyung, ah?" Pumasok ang bagong gising na si Kai sa kusina at nakiinom sa gatas ko.

"Aga mo rin ata? Hindi ako sanay na maaga kayong nagigising ni Sehun!"

"Dapat ba kaming maoffend niyan, hyung?" Natatawang tanong ko.

Umiiling siyang nakangisi sa amin at nagsimula ng magluto ng ulam. "Hindi lang ako sanay na maaga kayong magising. Maknaes kayo, eh. Natural lang na palagi kayong late magising. Lalo na si Kai, hindi pa rin nagiging responsable sa paggising ng maaga."

Napanguso si Kai at nagpacute na naman. Kadiri! "Hindi kasi ako morning person, hyung. Nga pala, anong almusal? Maaga kasi akong aalis ngayon."

"Kaya naman pala maaga gumising, eh. May lakad," mahina kong bulong.

"Magsisimba ako!" Depensa niya.

"Sino kasama mo? 'Wag ako Jongin. Hindi ka taong simbahan."

"Hyung si Sehun, oh!" Pagsusumbong niya kay Kyungsoo hyung pero parang hindi na niya kami naririnig dahil nakafocus na siya sa kawali sa harapan niya. "Si Soojung kasi nagyayang mag-ski sa Japan. Doon sa pinuntahan nila Kasper at Chanyeol hyung dati?"

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon