"Daddy, uuwi na raw po si Aioffe," bandang alas onse na ng umaga nang mapagpasiyahan ni Aioffe na umuwi. At itong anak ko naman nakabusangot na naman ang mukha. "Daddy. . .""Ano?" Tugon ko habang abala sa paghahanap online ng school na pwedeng pasukan ni Andy.
"Uuwi na po si Aioffe," pag-ulit niya.
"Narinig ko nga. Teka," isinara ko iyong iPad at akmang tatayo na nang biglang pinalo ni Andy iyong pwetan ko. "Andy!"
"Daddy naman kasi!" At nagsimula na siyang magpapadiyak ng paa.
"Andy, ano na naman ba?" Minsan nauubusan na rin ako ng pasensya sa anak ko pero wala eh, kaylangang pahabain pa dahil makulit talaga itong bulilit na ito.
"Hatid po natin si Aioffe!"
"Anak naman, may ginagawa ako. Pasama ka nalang kay Chen hyung tutal naman partners in crime kayo diba?" At biglang nagliwanag ang mga mata niya. "Pero 'wag makulit, ha? Baka makabasag ka sa bahay nila."
"Opo, Daddy! Yehey!" At nagtatakbo siya sa pabalik sa sala kung saan niya iniwan si Aioffe. Narinig ko pang sumigaw si Andy galing doon para tawagin lang si Chen hyung. Tsk. Bossy ng anak ko.
Napabalik ang aking atensyon sa iPad nang biglang tumunog iyon. Dali-dali ko itong binuksan at bumungad sa akin ang mensahe ng isa sa mga taong pinakakaingatan ko.
Oh, bakit ka napamessage ng wala sa oras?
Wala lang, hyung. Bored lang. Kamusta ka? Balita ko uuwi ka raw dito, ah.
Ah, oo. Pero hindi ko pa alam kung kailan. May shooting kasi ako next month.
Hyung. . .
Ano? Sabi na nga ba hindi ka naman talaga bored, eh. May iba ka pang rason bakit ka nag-message bigla. Haha.
Bothered lang ako. Alam mo naman na isa tayo sa mga OTP dati noong member ka pa ng EXO diba?
Oo. Medyo awkward nga, eh. Bakit?
Ngayon nararamdaman ko na iyong nararamdaman ng mga fans natin kapag nakikita nila tayo. . . Nakikita ko iyong sarili ko sa kanila kapag nandito sa harap ko sina Chanyeol at Baekhyun hyung.
Hahaha. Hindi pa rin ba umaamin?
Hindi, eh. Pero pasimple na silang nagbibigay ng motibo para magduda kami. Nakakatuwa. Kasi iyong delusion ng mga fans dati malapit ng mangyari. At least panatag ang loob ko na nasa maayos na kamay silang dalawa dahil parehas ko naman silang kilala.
Grabe! Nag-matured ka na talaga! Tama nga iyong sinabi ni Suho sa akin noong huli kaming nag-usap.
Hyung naman. . .
Totoo naman at gusto ko lang malaman mo na proud ako sayo. Proud ako kung paano mo pinapalaki iyong anak mo. Proud kaming lahat sa kung ano ka man ngayon.
Hyung. . . Drama mo naman, eh. Buti sana kung umuuwi ka rito.
Balang araw Sehun uuwi ako. Hintayin mo lang.
Si Luhan hyung na walang ginawa kundi maging mabuting hyung sa akin kahit hindi na siya member ng EXO. Si Luhan hyung na laging nandiyan para ipagtanggol ako noong mga panahong hindi pa ako marunong lumaban sa mga biro ni Baekhyun at Chanyeol hyung. Si Luhan hyung na palaging may pasalubong sa akin kapag may schedule siya at nakatengga lang ako sa dorm.
"Boo!" Nalaglag iyong iPad sa lapag dahil sa pagkabigla ko. "Hala! Nabasag ba?"
"Chanyeol hyung naman, eh. . ." Umiling ako dahil hindi naman nabasag. Nagkaroon lang ng crack iyong tempered glass. "Wala ka bang gagawin? Tulungan mo naman akong maghanap ng school para kay Andy."
BINABASA MO ANG
[ON-GOING] Tatay Na Si Oh Sehun
FanfictionAnong gagawin mo kung isang araw pag-gising mo, tatay ka na pala? March 27, 2017 to ㅡㅡㅡㅡ Copyrights: Cherryxsehun | AFIRESELU OH All Rights Reserved: 2017