Naglalakad ako palabas ng bahay nang biglang kumakaripas ng takbo si Kai pababa ng hagdan. Paano ko nalaman? Rinig na rinig ko kasi iyong mga hakbang niya."Sehun! Sehun!"
"Ano?" Tanong ko habang nilalagay sa shotgun seat iyong mga dala kong papeles.
"Saan ka pupunta? Sama ako!"
Sinamaan ko siya ng tingin at sinarado iyong pintuan ng sasakyan ko. "Anong trip mo sa buhay Kai? Wala ka bang trabaho ngayon?"
Umiling siya. Ah. Friday pala ngayon. Day off niya kapag ganitong araw. "So, saan ka nga pupunta? Sama ako!"
"Dito lang sa loob ng village. 'Wag ka na sumama."
Napasimangot siya. "Dito lang? Bakit ka pa magdadala ng sasakyan? Nagsasayang ka lang ng gasolina!"
Inirapan ko siya. "Pera mo ba?" Napanguso na lang siya. Bahagya ko siyang tinabig dahil nakaharang siya sa dadaanan ko. Tumingin muna ako sa orasan ko bago inis na sumigaw pabalik sa bahay. "Andy! Tara na!"
"Ayaw ko po, Daddy!" Napabuga nalang ako sa hangin at nagmamadaling umakyat sa kwarto ni Andy. Nadatnan ko siya doong nakahiga at mahigpit na nakahawak sa unan niya.
"Andy Oh. . ."
"Daddy! Ayaw ko po magpunta sa school!"
Tumawag na kasi ako doon sa school na papasukan ni Andy, sabi nila dalhin ko raw siya doon at pati na rin iyong mga papeles na kaylangan nila. Itong anak ko naman, male-late na kami sa appointment namin sa school nag-iinarte pa.
"Anak hindi ka naman nila kakainin doon! May interview ka lang saglit tapos wala na!" Hinila ko siya mula sa higaan niya pero mahigpit talaga ang kapit niya doon kaya hindi ko na ipinagpilitan. Baka mapilayan pa. "Anak, tara na. Ililibre kita sa arcade mamaya."
"Ako nalang, Sehun!" Napairap ako nang biglang sumulpot si Kai sa loob ng kwarto ni Andy. "Oh. Bakit halos hindi na humiwalay si Andy boy sa higaan niya?"
"Hyung! Si Daddy po kasi! Dadalhin ako sa school!" Aba't nagsumbong pa. "Sabihin niyo nga po ayaw ko pa pong mag-aral! Tinatanggalan niya po ako ng freedom!"
"Arte mo, Andy. Kapag hindi ka tumayo diyan papaluin kita."
"Ayaw! Daddy naman kasi! Hindi niyo man lang po ako tinanong kung gusto ko na po bang mag-aral!" Narinig ko ang mahinang tawa ni Kai kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo po talaga ako mahal ano?!"
"Tigilan mo ako. Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Aayusin ko lang mga gamit mo, kapag bumalik ako dito na hindi ka pa nakabihis makakatikim ka sakin," at iniwan ko sila ni Kai doon.
Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha iyong bag na paborito ni Andy. Ewan ko ba. Adik siya kay Thomas. Iyong tren na blue? Oo. Gusto niya lahat ng mga gamit niya ay may print na Thomas and Friends. May balak ata maging driver itong anak ko paglaki. Nilagay ko lahat ng mga kaylangan niya doon: mga extrang damit, pamunas, shorts, at iyong mga pamparefresh sa kanya katulad nalang ng pulbos at pabango. Naiiling akong naglagay ng dalawang bote ng maligamgam na tubig at isang extrang bote na naglalaman ng formulated milk niya. Tsk. Andy kailan mo balak tumigil sa pag-inom ng gatas sa bote na pangbaby? Hays.
"Gwapo, ah!" Narinig kong sabi ni Kai noong papasok ako ng kwarto ni Andy. "Teka nga, kuhanan kita ng picture. Pose ka dali," akmang itataas ni Andy iyong kamay niya para sa isang peace sign nang pumagitna ako. "Sehun! Ano ba!"
"Hindi ganyan ang tamang pose ng isang lalaki Andy. Ganito, oh!" Tinuro ko sa kanya iyong pogi sign. "'Wag ka ngang pacute!"
"Sus! Dati nga noong nagpunta kayo ni Suho hyung sa Paris pinipigilan ka pa ni manager hyung dahil puro ka peace sign!" Pang-aasar ni Kai na naging dahilan ng pamumula ng mukha ko. Akmang babatukan ko siya nang bigla siyang nag-peace sign. Bwiset.
BINABASA MO ANG
[ON-GOING] Tatay Na Si Oh Sehun
FanfictionAnong gagawin mo kung isang araw pag-gising mo, tatay ka na pala? March 27, 2017 to ㅡㅡㅡㅡ Copyrights: Cherryxsehun | AFIRESELU OH All Rights Reserved: 2017