Ikalabing-isang Kabanata

212 18 8
                                    



"My, palagi po akong pinapaiyak ni Dy," napairap nalang ako nang madatnan kong nag-uusap ang mag-ina ko sa kwarto nila. Iniwan ko lang sila saglit para kumuha ng maiinom, ganito na agad aabutan ko pagbalik ko? "Palagi niya po akong inaaway. Kahit itanong niyo pa po sa mga hyung namin!" Nakapout niyang dagdag.

Nginitian naman ni Jiyoon iyong anak namin at isinantabi iyong mga damit na tinitiklop niya. Tinapik niya iyong hita niya para maupo si Andy doon at bahagyag ginulo ang buhok ng anak namin. "Baka naman kasi pasaway ka sa Dy mo kaya palagi kang pinapagalitan. Hindi naman magagalit sayo ang Dy mo kung hindi mo siya susuwayin, eh."

"Pero, My!" Napabuga ng hangin si Andy at humalukipkip. Nagpapaawa na naman kay Jiyoon. Simula noong dumating si Jiyoon dito, pakiramdam ko nakalimutan na kami ni Andy. Pero naiintindihan naman namin nila hyung kasi sabik talaga si Andy sa ina at sa babae. Puro lalaki kasi kami rito. "Karapatan ko pa rin pong maging makulit kasi baby pa po ako!"

Natawa ng mahina si Jiyoon at saglit na nagtama iyong mga mata namin. Sinenyasan ko siya na ituloy lang ang usapan nila. First time ko kasing marinig na masinsinang makipag-usap si Andy. "Nako. Lagot ka sa Dy mo kapag nalaman niya itong mga sinasabi mo. Ikaw talaga oh. Sabi sa akin ng Dy mo palagi mo raw sinasabi sa kanila na big boy ka na. Bakit baby na naman tawag mo sa sarili mo?"

Bumungisngis si Andy at napatakip ng bibig. Ayan na naman siya. Kapag talaga nabibisto siya at napapahiya wala siyang ibang ginagawa kundi bumungisngis. "Hindi po magagalit si Dy sa akin. Love na love po ako ni Dy eh!"

"Paano mo naman nasabi?" Tinignan ako ni Jiyoon saglit. Para bang sinasabi niya na maging attentive ako sa susunod na sasabihin ng anak namin. "Nasabi mo na ba sa Dy mo na mahal mo siya?"

"Opo! Pero kasi palagi niya lang po akong binabara kapag sinasabi ko iyon. Alam ko pong love ako ni Dy kasi kahit po matigas ang ulo ko ay hindi niya ako iniiwan. Kahit na po palagi niya po akong tinatakot na papalayasin niya ako sa bahay ni Suho hyungㅡMy, sa bahay po ni Suho hyung, ha! Hindi po ni Dy!ㅡhindi niya naman po ginagawa," nanlalaki iyong butas ng ilong ni Andy habang sinasabi niya iyong parte na pinapalayas ko siya. Loko-loko talaga. "At saka, kahit na palagi niya po akong pinapaiyak, palagi naman pong may gift sa akin si Dy kapag tumitigil ako kaya ayos lang po sa akin na sipunin kakaiyak!" Napatawa na rin ako ng mahina. Ang dami talagang kalokohan sa katawan ni Andy. Manang-mana sa akin.

"Kamusta naman si Sehun bilang Dy mo?" Out of the blue na tanong ni Jiyoon habang hinihimas iyong buhok ng anak namin. Agad naman akong natigil sa kinatatayuan ko. Bakit bigla niyang natanong iyon? Kukunin niya ba si Andy kapag nalaman niya kung paano ko pinalaki iyong anak namin?

"The best Dy po! Ang swerte ko po kasi tatay ko si Sehun! Iyong cool na member ng EXO! Iyong Dy na walang katulad sa universe!" Inilahad ni Andy iyong mga bisig niya sa ere bilang pagpapakita ng universe. "At saka, pinalaki po nila ako ng maayos. Kahit na po puro kami lalaki sa bahay, nandiyan naman po si Kyungsoo hyung na nagsilbing Mama ko kasi siya po lagi nagluluto ng breakfast ko. Minsan din po siya na rin iyong naghahanda ng baon ko. Si Baekhyun at Chanyeol hyung naman po iyong pangalawang magulang ko kasi sila madalas nag-aalaga sa akin. Minsan din po sila iyong nagsusundo sa akin."

"Si Suho hyung naman po iyong palaging sumusuway kay Dy kapag pinapaiyak niya po ako! Favorite hyung ko rin po siya kasi palagi siyang may uwing pasalubong sa akin! Si Umin hyung naman po iyong laging nagtitimpla ng gatas ko. Minsan po kapag hindi ako makatulog, binabasahan niya po ako ng mga books na uwi ni Suho hyung hanggang sa pumikit mga mata ko. Si Chen hyung naman po. . ." Napatigil siya at napakamot ng ulo. Nako. Ano na naman sasabihin nito? "Wala po akong maalalang magandang ginawa niya para sa akin," napasapo nalang ako ng noo. Lintek na iyan.

"Huh? Bakit naman?" Takang tanong ni Jiyoon. Base sa expression ng mukha niya, halatang malungkot siya. Siguro kasi nalulungkot siya dahil hindi niya nasubaybayan ang paglaki ng anak namin. Siguro kasi nalulungkot siya kasi iyong mga ginagawa nila hyung para kay Andy ay siya dapat ang gumagawa noon pa man.

[ON-GOING] Tatay Na Si Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon