Valentine's Day

50 1 0
                                    

It’s that time of the year again. Ang araw ng mga puso. Hindi na kami masyadong nakakalabas ni Jaycee simula nung nagging busy siya sa practice niya at ako naman sa mga gig ko. Simula nung nagperform ako sa Victory party ng La Salle, madami nang nagrerequest kay Lizzy na ma-hire ako para kumanta sa kasal, debut, parties, etc. Pumayag din naman ako kasi income din yun. At least nakaka-save ako ng pera for future purposes.

That morning, Jaycee called me. Sabi niya may special siyang inihanda para sakin at pinapunta ako sa rooftop ng Engineering Building ng school namin. Thinking about it, special nga naman para saming dalawa yung lugar na yun. I got so excited na agad agad akong nag ayos at pumunta sa meeting place naming nila Kris at Micah. Nag-usap nga pala kami na magmi-meet kami for Valentine’s Day. Alam naaaa. Hashtag, Single Problems hahaha!

Sa isang Korean Restaurant naming napiling magkita dahil na din gustong gusto ng dalawang yun ang Korean cuisines. Naikwento ko nga yun kay Jaycee, tuwang-tuwa naman ang loko at naaappreciate daw ng mga kaibigan ko yung pagkain sa bansa niya.

“Girls! Long time no see!” batik o sa kanila oras na dumating ako. As usual, fashionably late ako. Kesa naman no show diba?

“Gaga, akala naming hindi ka na dadating.” Sabi ni Kris, at binatukan ako oras na tumabi ako sa kaniya.

“Aray naman! Sorry na, eto na nga diba?” sagot ko naman habang hinihimas yung ulo ko.

“Grabe ka naman mambatok bebs. Tingnan mo nga yan, ayos na ayos. May date kayo ni Jaycee no?”  sabi ni Micah na abot tenga yung ngiti.

“Yes naman, oo. Actually, kakatawag lang niya bago ako umalis ng bahay.” Sagot ko, ang laki din ng ngiti ko.

“Eh kaya naman pala ngayon lang. Lumandi pa. Oh, anong sabi?” sabi ni Kris.

“Bitter mo, te. Ayun nga, punta daw ako sa rooftop ng Engineering building. Yung kinwento ko sa inyo dati yung place kung sna niya ko kinantahan. Excited na nga ako eh kaso mamayang hapon pa daw.”Sagot ko kay Kris.

“Masyado ka naman kasing excited. Nasan na ba si Jane?” tanong ni Micah.

“Oo nga. Baka naman kasama si Luke. Alam mo namna yung pinsan mo.” Sabi ni Kris sakin at kay Micah.

“Hayaan niyo na. Dun siya Masaya eh. Kung san Masaya pinsan ko, dun ako.” Sagot ko. Oo nga naman. Masaya ako para sa kanilang dalawa kasi ang tagal na nila. High School pa nga lang kami sila na.

Dumating din si Jane na sobrang saya. Magde-date daw kasi sila ni Luke mamayang hapon.

“Eh kung mamayang hapon pa, bakit ngayon ka lang?” tanong ko kay Jane.

“Late na ko nagising eh. Hehe.” Sagot ni Jane, na napakamot na lang ng ulo.

“Hehe ka jan. Pasalamat ka mahal ka namin. Yiiieh!” tukso ni Micah kay Jane.

“Awww. Mahal ko din kayo guys! Pero mas mahal ko si Luke.” Sagot ni Jane, sabay ngiti ng malaki.

That afternoon, pumunta na ako sa school para umakyat sa rooftop ng Engineering Building. Kakatapos lang ng klase ko at sakto pa sa time na binigay sakin ni Jaycee.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sakin ang isang table na ayos na ayos. Kulay pula yung table cloth tapos may rose petals na nakakalat sa paligid. Mabango yung amoy ng pagkain na naaamoy ko.

Lumapit ako sa kaniya tsaka ko siya hinalikan sa pisngi. Niyakap niya naman ako ng mahigpit.

“Happy Valentine’s Day, Gabby.” Sabi ni Jaycee, sabay abot ng isang bouquet ng red roses. May kinuha din siya sa may gilid ng pinto. Pag tingin ko, isang malaking Panda stuffed toy na may hawak na heart.

“Awww! Thank you Jaycee! Happy Valentine’s Day din. Sorry, this is all I can get for us.” Sagot ko, pinakita ko yung maliit na box na kinuha ko sa bag ko.

“It’s okay. As long as you’re here with me.” Sabi niya. Unti-unti siyang lumapit sakin, hinawakan ang bewang ko ng kaliwang kamay niya, at yung pisngi ko ng kanang kamay niya. Hinalikan niya ko sa labi. “I love you, babe.” Tuloy niya.

“I love you too...” sagot ko sabay ngiti ng malaki.

To be continued...

Finding Love In The Unexpected TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon