First Date

193 1 1
                                    

"Zach, si Gabby nga pala. Friend ko." pakilala ni Ced. "Gabby, si Zach, bestfriend ko." tuloy niya.

Inabot ni Zach yung kamay ni Gabby. Ishe-shake sana ni Gabby ito pero biglang hinalikan ni Zach yung kamay niya. Kinagulat yun ni Gabby kasi wala pang gumagawa sa kanya nun kahit minsan.

"Hi Gabby. Ang cute mo naman." sabi ni Zach, nagshake hands sila pagkatapos halikan ni Zach yung kamay ni Gabby.

"Hi Zach. Haha. Talaga? Thank you. Ikaw din naman eh." medyo nagblush si Gabby sa mga nangyayari. *Iba tong si Zach. Parang nahuhulog agad ako sa kanya.* naisip ni Gabby.

"Ako? Cute? Hindi ah! Gwapo kaya to! Macho pa!" tinapik tapik ni Zach yung braso nya sabay ngiti ng pagkalaki-laki kay Gabby. "May abs din ako. Gusto mo makita?" itataas na ni Zach yung tshirt niya nang biglang takip si Gabby ng mga mata gamit yung mga kamay niya.

"Zach! Kyaaaah~" napatili na lang si Gabby.

"Joke lang yun Gabby. Nasan nga pala si Ced? Bigla atang nawala." sabi ni Zach. Nakita niya yung bestfriend niya sa may isang table na madaming kausap na babae. Balak sana niyang lapitan pero naalala niya si Gabby na mukhang nagugutom na.

"Gabby! Wanna grab lunch? Treat ko." hindi na hinintay ni Zach na sumagot si Gabby. Inakbayan niya ito at naglakad sila palabas ng convenient store.

"Sigurado ka bang okay lang na treat mo, Zach? Nakakahiya naman." nahihiya talaga si Gabby kay Zach, na nakaakbay pa din sa kanya. Medyo mixed emotions ang nararamdaman ni Gabby sa biglang skinship ni Zach. *Kakakilala pa lang namin may ganto na agad. Enebe~* naisip ni Gabby.

"For sure naman na alam mo na guys ang nagbabayad for the first date diba?" nginitian ni Zach si Gabby.

Pumasok sila sa isang fast food joint malapit sa school nila. Parehong freshman sa South East University si Gabby, o Gabrielle Angeline Chua at Zack, o Zachary James Alonso. Tourism ang course ni Gabby at nag Civil Engineering naman si Zach. Kaklase naman ni Zach si Ced, o Cedric Rupert Sy. Magkaibigan na sila ever since na maging magkaklase silang dalawa noong Grade School. Nagkakilala si Ced at Gabby, or should I say na nakipag kilala si Ced kay Gabby para na din tulungan si Zach na maka galaw dahil may gusto ito kay Gabby.

Nakatayo sila pareho sa harap ng counter at namimili ng io-order.

"Ano pong sa inyo, sir? ma'am?" tanong ng cashier na natapatan nila.

"Spaghetti!" sabay nilang nasabi, at parehong natawa. Pati yung cashier natawa din.

"Ang cute niyo naman po. Bagay na bagay kayo." sabi nung cashier. Napangiti si Zach at namula naman si Gabby.

"Talaga miss? Bagay kami diba? SIya cute, ako gwapo na macho pa. Imagine mo itsura ng anak namin-" hindi nakatapos si Zach kasi siniko na siya ni Gabby.

"ZACK! Ano ba~ nakakahiya~" nakayuko si Gabby na medyo nangingiti.

"Ma'am totoo naman po sinasabi niya." nginitian siya nung cashier. "Eto nga po pala yung resibo. I-seserve na lang po namin yung food niyo. Thank you po!" inabot ng cashier yung resibo nila at yung iced tea na kasama ng spaghetti.

"Ikaw ha. Nakakahalata na ko ha." sabi ni Gabby habang paupo sya.

"Nahahalata mo nang mahal kita?" hirit ni Zach na tinulungang umupo si Gabby.

"Baliw ka din eh no? Pero, nahahalata ko din yan. Tama ba? Ikaw ha ang bilis mo." sagot ni Gabby na pinisil yung pisngi ni Zach.

"Aray! Babe naman eh!" napasigaw si Zach, buti na lang walang masyadong tao sa fast food joint. 

"Babe?! Baliw ka na nga." nagulat si  Gabby sa tinawag sa kanya ni Zach. Pero deep inside, kinilig sya at gustong gusto nang tumili.

"Baliw sayo." biglang banat ni Zach.

"BOOM! Ang galing mo pick up! Adik! Tell me more about you na lang..." sabi ni Gabby habang pinaglalaruan yung lemon na lumulutang sa iced tea gamit yung straw.

"What do you wanna know?" tanong ni Zach kay Gabby habang nakapalumbaba.

"Anything. Favorite color... Favorite food. Kung ano lumabas sa utak mo." sagot ni Gabby na tinititigan sya habang nakangiti.

"Favorite color ko ay white. I love steaks. Beef steak. Pork steak. Hotdog on Steak. Marshmallow on Steak. De joke lang lang. Tsaka mahal kita." sabi ni Zach.

"Baliw ka ngang tunay. Sigurado ka bang mahal mo ko? Pwede ba manligaw ka muna?" sagot ni Gabby.

"Oo naman no. Actually, itatanong ko sana yan. Kaso naunahan mo ko hahaha!" natawa bigla si Zach kasi naisip nga niya talaga yun pinangunahan lang siya ni Gabby. *Siguro gusto din nya ko...* naisip ni Zach.

"Ay! Sorry! Oo sige. Pwede ka manligaw." napangiti si Gabby. *Totoo ba to? Hindi ba ko nananaginip?* naisip niya. Parang magpapalpitate ang puso ni Gabby sa sobrang saya.    

"Kinikilig ka no? Alam kong may ganyang dating ako sa mga chiks." nagyabang si Zach at medyo nainis si Gabby.

"Kaka simula mo pa lang akong ligawan tapos chiks na gad iniisip mo? hmp." nagpout si Gabby at medyo tinakot si Zach na aalis sya.

"Uy teka! Babe naman. Joke lang yun. Sorry.." hinawakan ni Zach yung kamay ni Gabby.

"Sige. Di ako aalis. Pag ikaw nagloko. Di kita sasagutin." tinakot ulit ni Gabby si Zach kasi alam niyang natatakot talaga ito. *hahahahaha! sabi na eh. effective pananakot ko. Mahal nga ako nito.* naisip ni Gabby.

Dumating na din yung spaghetti. Habang nageenjoy si Zach at Gabby sa pagkain, hirap naman si Ced sa paghahanap sa kanila.

Tawag nang tawag si Ced pero hindi sinasagot ni Zach.

*Hm. Gago. Iniwan mo kami para sa chiks ah. Ayan, maghirap ka. Mwahahahahahahahaha!* natatawa siya habang naiisip niya yun kaya naisip din ni Gabby na *baliw nga tong manliligaw ko. baka mamaya kelangan pang dalin sa mental. Sana naman hindi.*                              

- 1 -

Finding Love In The Unexpected TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon