Sticks and Stones

85 1 1
                                    

As usual, pagdating ni Gabby sa gate ng school nila naghihintay na si Zach para sa kaniya.

"Babe! Ano bang sinabi ko... Wag mo na ko hintayin. Baka malate ka niyan." agad na sinabi ni Gabby pagdating niya.

"Ano ka ba. Sabi ko din naman sayo, wala akong pake kung malate ako kasi papasok din naman ako. Basta makita lang kita tuwang umaga buo na araw ko." sagot naman ni Zach. Napangiti niya si Gabby, at iyun lang yung gusto niyang gawin lagi. Yung mapangiti at mapasaya si Gabby.

Naglalakad sila sa campus papunta ng classroom nila, HHWW. Holding Hands While Walking. Naghiwalay na sila nung nakadating sila sa tapat ng classroom ni Gabby tapos tumuloy na din si Zach sa classroom niya sa kabilang building.

Sa Klase ni Zach...

"Mr. Alonso! Late ka na naman!" bumungad yun kay Zach pagkapasok na pagkapasok niya ng room.

"Pano po kasi chiks nang chiks!" biglang sumigaw yung isa niyang kaibigan na si Uly.

"Oy hindi ah! Isa lang chiks ko! At mahal na mahal ko yun!" sumagot si Zach, seryosong seryoso.

"Mr. Alonso! Tama na. Upo na." sumigaw na yung prof nila.

"Yes ma'am!" sagot ni Zach na tuloy tuloy sa upuan

Pagkaupo niya, kinalabit siya ni Ced na nakaupo sa likod niya.

"Uy pre! .... " bumulong-bulong si Ced kay Zach.

"Sige pre." tumango naman tong si Zach tsaka nakinig na sa Prof nila.

May planong magkita si Gabby at Zach after ng klase nila. Kaya tumuloy na si Gabby sa canteen kahit 30 minutes early siya. Pero ilang minuto na yugn nakalipas. Magiisang oras na... Hindi pa din dumadating si Zach. Kaya naisipan na niyang magtext.

"Asan ka ba?!" -Gabby

"Babe! Sorry! Nawala sa isip ko... Sorry..." Zach

"Eh nasaan ka ba kasi?" -Gabby

"Basta babe. Wag mo na kong hintayin ha." -Zach

"Hay nako Zachary. Ewan ko sayo." - Gabby

"Sorry na babe T^T" -Zach

"Magtext ka na lang kapag nakauwi ka na." -Gabby

"Opo... Sorry babe." -Zach

Pero hindi na nagreply si Gabby. Naisipan na din niyang umuwi. Naghintay pa din siya ng text ni Zach pero walang dumadating. 5PM.... 6PM.... 7PM.... 8PM... Ilang oras na lumipas. Kaya nagtext na ulit si Gabby.

"ZACHARY JAMES ALONSO! ANONG ORAS NA! NASAN KA BA?!" -Gabby

"Babe! Baby sorry!" -Zach

"Nasan ka ba?!" -Gabby

"Nasa bahay ng barkada ko." -Zach

"Anong ginagawa mo jan? Gabi na ah!" - Gabby

"Sandali na lang babe. Nanuod lang kami ng movie." -Zach

"Movie?! 4 hours na movie?! Sigurado kang movie lang yan?" -Gabby

"Oo na. Uminom din kami..." -Zach

"Ayan. So balak mo pa talagang hindi sabihin sakin ha." -Gabby

"Hindi naman sa ganun babe... Konti lang naman eh..." -Zach

Tumawag na lang si Gabby kay Zach para mas makapagusap sila.

"Umuwi ka na. Isa!" sabi ni Gabby oras na sinagot ni Zach yung tawag niya.

"Bakit ba nagagalit ka! Nagsosorry na ko diba!" nasigaw na si Zach. Nagulat na si Gabby kaya di siya nakapag salita na.

"G-good night..." nanginginig yung boses ni Gabby nung sinabi niya. Nanggigilid na din yung luha niya. Nag end call na siya kahit hindi pa sumasagot si Zach.

Text nang text si Zach kay Gabby. Tumatawag na din siya. Pero wala pa din.

-4-

Finding Love In The Unexpected TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon