Medyo maaga yung mga pasok ni Gabby. Full ang schedule niya pero may 2 hours lunch break siya. Medyo busy din sya sa mga assignments niya kaya hindi na siya nakabili ng lunch.
Habang nagsusulat siya, may naglapag ng tray sa harap niya.
"Kita mo to. Pakain nang pakain sakin tapos siya yung hindi kumakain." sabi ni Zach.
"Sorry babe. Nakalimutan ko kasi gawin tong assignment kagabi." sagot ni Gabby sa kanya na nagsusulat pa din sa libro niya.
"Gabby. Kain muna." pinipilit na ni Zach si Gabby.
"Teka lang babe. Saglit na lang." patuloy pa din si Gabby sa pagsusulat ng assignment.
"Tsss. Mamaya na sabi yan eh. Babe. Bilis na." kinuha na ni Zach yung libro ni Gabby tsaka tinabi. Wala na din namang nagawa si Gabby kundi sumunod na lang.
Sa sobrang ka-sweet-an nila, pinagtitinginan na sila sa canteen. Pero wala lang sa kanila yun. Tulad din ng ibang magsyota, sila yung parang may sariling mundo na kapag nagkasama. Pero, natapos din yung 2 hours free time ni Gabby.
"Babe, I need to go na ha? I'll text you later?" tumingin si Gabby kay Zach tsaka ngumiti.
"Sige babe. I love you." hinalikan ni Zach si Gabby sa pisngi tsaka tinulungan ayusin yung gamit niya.
"teka Zach. May gusto ko sabihin sayo." biglang sabi ni Gabby habang tumatayo.
"Ano yun babe?" sagot naman ni Zach.
"Oo." yun lang yung sinabi ni Gabby.
"oo?" nagtaka si Zach sa sinabi ng nililigawan niya.
"oo, oo. Oo sinasagot na kita. Ilang weeks ka na din naman nanliligaw eh." nilinaw na ni Gabby kasi mukhang matatagal sila sa pag-uusap kung hindi niya lilinawin.
"Talaga? Yes! Wooooo! I love you babe!" Napatalon, sigaw at niyakap ni Zach si Gabby sa sobrang tuwa.
"Hahaha tama na babe. Late na ko. Call me okay?" Niyakap din ni Gabby si Zach at hinalikan sa pisngi. "I love you..." bulong nito sa boyfriend niya.
Napangiti si Zach habang hinihimas yung pisngi niya. Napakasaya ng araw na yun para kay Gabby at Zach.
Weekends na. Usually, nakikipagkita si Gabby sa mga kaibigan niya na sila Kris at Micah. Lagi sila sa isang cafe nagkikita-kita. This time, naisipan nilang sa Starbucks sa Sky Garden magkita.
"Have you guys seen the Hello Kitty lanterns outside? CUTENESS OVERLOAD!!" agad na sinabi ni Gabby pagdating na pagdating niya sa table na kinuha ng dalawa niyang kaibigan.
"I know right!" nag agree naman si Kris. "Pero bago na natin makalimutan. Ikwento mo naman yang fafa mo." tuloy ni Kris.
"atat lang bebs? Uso mag hintay." hirit ni Micah.
"hinahard mo ko bebs ah. Ganyan tayo eh." sagot ni Kris.
"Mga teh. Kalma lang. Eto na. Magsisimula na ko. Okay. Pero bago ko din makalimutan... Bibili pala muna ko ng coffee. Grabe." sabi ni Gabby tsaka siya tumayo para umorder ng Iced Caramel Macchiato. Yung favorite niya.
Pagkabalik ni Gabby sa table nila, nagsimula na siyang magkwento. Sinimulan niya dun sa nagkakilala sila, nung nagdate sila sa same day na yun hanggang sa sagot niya kay Zach nung isang linggo. Kinilig naman yung mga kaibigan niya, pero natawa lang si Gabby na medyo kinikilig din.
"Grabe ang sweet! Pasahan mo naman ako niyang swerte mo sa boyssss." sabi ni Kris na kinikilig pa.
"Oh ayan." kunwari may hinagis si Gabby kay Kris.
"oo nga pala, 23 nung sinagot mo siya diba?" tanong ni Micah na umiinom sa brewed coffee niya.
"oo bakit?" sagot ni Gabby tas nagtanong na din siya.
"waw. 23 talaga? haha!" natawa bigla si Kris.
"Bakit? Pinagdadamot mo na yung number 23 ngayon?" humirit ulit si Micah.
"Hoy hindi ah! Ayan sayo na Gabby. Share share mo din sa iba. I-donate mo pa." sagot ni Kris.
"bitter lang?" tanong ni Gabby na nagpipigil ng tawa.
"HINDI AH!" todo deny naman si Kris.
"K. Sabi mo eh. hahaha!" sagot ni Micah na natatawa din.
"binu-bully niyo ko ah." nagpout si Kris na lalong nagpatawa kay Micah at Gabby.
Sunday ng hapon, Nagstay si Zach sa condo unit ni Gabby. They went swimming sa pool tsaka pinanuod ni Gabby na magbasketball si Zach. Hapon na nun kaya medyo madami na ding naglalaro sa court kaya niyaya ni Zach si Gabby sa may playground malapit sa court.
"Babe. Gusto ko dun sa swing. Tulak mo ko ah." pinakita ni Gabby yung eye smile niya na nagpangiti naman din kay Zach.
"Sure babe. Anything for you." inakbayan ni Zach ng mahigpit si Gabby tsaka sila naglakad papunta sa swing.
Nag enjoy sila sa paglalaro kahit mga 16 at 17 years old na sila. Tuwag tuwa naman sa kanila yung mga bata tsaka mga babae na nanunuod sa mga nagbabasketball. May narinig pa silang mga "awww. ang sweet!" "nakakainggit!" "kelan kaya ako magkakaboyfriend" "sana ganyan din kami ng magiging bf ko!". Tinwanan lang sila ni Gabby at Zach.
"Babe okay lang ba na dun tayo sa may tunnel sa taas ng slide castle?" tanong ni Zach kay Gabby na nakaupo pa din sa swing.
"Sige babe. Pero ano naman gagawin natin dun?" sagot ni Gabby sa kaniya habang tumatayo.
"may ibibgay ako sayo. Importanteng bagay." nagsmile si Zach tsaka dinala si Gabby sa slide castle.
Nang makaupo na sila sa lapag ng tunnel, hinawakan ni Zach yung isang kamay ni Gabby. Napangiti naman si Gabby. Unti-unting lumapit si Zach kay Gabby. Medyo kinabahan si Gabby at napapikit. Napangiti naman si Zach tsaka ginawa na yung balak niya. Hinalikan ni Zach si Gabby sa labi. Naramdaman niya yung lambot ng pinkish na labi ni Gabby. Sumagot na si Gabby pero di nagtagal, huminto na sila at nagkatitigan.
-3-
BINABASA MO ANG
Finding Love In The Unexpected Time
Fiksi RemajaLove comes and goes. Meet Gabrielle Angeline Chua, or simply Gabby. How will she deal with obstacles that life keeps blocking her way into happiness?