Hindi na kaya pang magalit ni Gabby kay Zach. Dahil nga sa sobrang pagmamahal, sinagot na niya yung mga text at tawag ng boyfriend niya. Tuwang tuwa naman tong si Zach.
"Babe! Thank you! Promise di ko na uulitin!" sabi ni Zach na tuwang tuwa pa din noong tinawagan siya ni Gabby.
"Promise ka jan. Siguraduhin mo munang kaya mo bago ka mag promise." sagot naman ni Gabby.
"Opo... Babe sunduin kita bukas ha. I love you! Good Night" sabi ni Zach na mukha nang tanga sa sobrang pag ngiti habang kausap si Gabby sa cellphone.
"Sige babe. I love you too! Good night" napangiti na din si Gabby at binaba na yung cellphone niya.
Kinabukasan, saturday at NSTP class nila. Nagmamadali si Gabby dahil late na siyang nagising at alam niyang naghihintay si Zack sa labas ng school nila. Masayang masaya siya pero napawi agad yun dahil sa nakita niya. Nakita niya si Zack n may ka-holding hands na babae, ang sweet nila at mukhang nageenjoy pa. Uminit ang ulo ni Gabby at kumulo ang dugo sa sobrang galit. Hindi na lang siya nagpadalos-dalos kaya nilagpasan niya na lang si Zack at yung kasama niyang babae. Nakita naman siya ni Zack at tinawag.
"Gabby! Babe!" tawag ni Zack kay Gabby na nakaabay naman ngayon sa babaeng kasama niya.
Lumapit sa kaniya si Gabby tsaka nilabas ang wallet nito.
*PAK!*
Sinampal ni Gabby si Zack ng pagkakapal-kapal na wallet niya.
"Para san yun?! Babe!" nagulat si Zack at hindi alam ang gagawin.
"Wag mo kong matawag tawag na babe! Malandi ka..." nagalit na ng sobra si Gabby kaya nasabi niya ito pero napaigil niyang sarili niya.
"Oo! Ako na malandi! Puta! Ako naman lagi!" galit na pasagot ni Zack. Humiwalay muna sya sa kasama niyang babae at kaharap na sya ngayon ni Gabby, na nag-iinit na ang ulo.
"Bakit?! Ako ba yung may ka-holding hands? Ako ba yung may kalandian? Ako ba yung may kaakbay? Makati ka! Oo! Malandi ka!" sumabog na si Gabby dahil hindi na niya talaga kaya. "Lalo ka na!" biglang turo ni Gabby sa babae.
"Wag mo nga siyang idamay dito! Sumosobra ka na!" pagbubuhatan na ng kamay ni Zack si Gabby pero hindi ito tumama dahil may pumigil dito.
"Pare, hindi ba masyadong bayolente yang gagawin mo? Babae to eh. Pagbubuhatan mo ng kamay." sabi ng lalaking pumigil kay Zack.
"Wag ka ngang makilalam dito!" tinulak ni Zack yung lalaki kaya napaatras ito ng konti pero may biglang tumama kay Zack.
Pagtingin ni Gabby sa direksyon na pinanggaling ng tumama kay Zack, nakita niya na yun yung lalaking pumigil kanina, may hawak na mahabang bagay na nakabalot ng tela.
"Mabuti pang tumigil ka kesa ilabas ko to sa lalagyan." binantaan ng lalaki si Zack. Medyo natakot si Zack kaya umatras to at hinatak yung babaeng kasama niya.
"hindi pa tayo tapos." banta nito kay Gabby.
"Baliw! Tapos na tayo! Mamatay ka na!" sigaw ni Gabby sa naglalakad palayo na si Zack.
Nilapitan ng lalaki si Gabby.
"miss, okay ka lang?" tanong nito sa kaniya.
"Mukha ba kong okay? Sige. alis na ko. Baka malate pa ko. Mahirap na." iniwan ni Gabby yung lalaki at nakalimutang magpasalamat dahil sa galit.
Umupo na si Gabby sa isang upuan sa last row ng classroom. Konti pa lang yung tao kaya medyo tahimik at payapa. Lumamig na yung ulo niya ng konti kaya wala na siyang problema sa pagsigaw-sigaw sa mga tao na kakausap sa kaniya. Hindi niya na din napansin na may tumabi sa kaniya.
Pinagpakilala sila isa-isa ng mga prof. Nagpresenta na si Gabby na mauna dahil wala siya sa mood na makinig sa iba. Hindi na nga niya pinakinggan yung iba kaya wala siyang kakilala sa klase nila.
Dismissal na. 3 hours ang klase nila dahil two semesters lang kukunin ang NSTP. Habang naglalakad siya palabas ng building may tumawag sa kaniya.
"Gabby! Gabby! Miss!" tinanggal niya yung earphones na nakapasak sa tenga niya at lumingon para tingnan kung sino tumatawag sa kaniya.
"Gabby right? Gabrielle Angeline Chua? Ako nga pala si Jaycee. Jaycee Kim." pakilala ng tumawag sa kaniya.
"You're the guy earlier diba? yung tumulong sakin?" tanong ni Gabby.
"yep. That's me." sagot ni Jaycee.
"Thank you ha! Sorry hindi ako nakapagpasalamat kanina. Inis lang talaga ko. Let's walk?" offer ni Gabby kay Jaycee.
"Sure. Sino ba yung lalaking yun?" tanong ni Jaycee. "Sorry. Na-curious lang ako."
"It's fine. Boyfriend ko siya. Actually ex-boyfriend starting today. Yesterday's our 1st Month Anniv. Medyo... Nope. Scratch that. Nag-away kami kagabi kasi nakalimutan niya at nakipag inuman pa siya sa mga kabarkada niya instead na magcelebrate kasama ako." Medyo nalungkot si Gabby at napansin ito ni Jaycee.
"gwaenchana? (Are you okay?)" tanong ni Jaycee.
"Oo. Okay lang ako... teka. Ano nga ulit apilido mo? Choi? Koreano ka?" nagulat si Gabby kasi biglang nag Korean si Jaycee at nagulat din si Jaycee kasi nasagot ni Gabby yung tanong niya.
"Half-Korean ako. Korean-Filipino. Sanay ka mag Korean? Wow." sabi ni Jaycee na sobra nang nakangiti.
"Guilty. I'm kind of a K-drama enthusiast and a little bit of KPOP fan." paliwanag ni Gabby.
"Ahh~ San nga tayo nahinto? Ayun. Dun sa 1st month anniv niyo. So anong nangyari next?" humirit ang chismosong Jaycee.
"Ilang beses na din niya ko nakalimutan. Lagi siyang nasa barkada niya. Actually, bago yung kahapon, nag-away talaga kami kasi pinapauwi ko na siya, nasa bahay siya ng kaibigan niya at lasing, pero ayaw niya. Sinigawan niya ko kaya hindi ko siya pinansin. Tapos kagabi, nagsorry siya and we planned na magkikita kami this morning. pero ayun, nakita ko siyang may kasamang babae na malayo sa pagiging friends ang kaartehan. Nagsumbatan kami. Insulto. Something like that. And that's when you come in. Thankful ako na dumating ka kundi baka may pasa na ko sa mukha." sagot ni Gabby na kahit nakangiti eh ramdam ni Jaycee ang pagiging malungkot.
"Does he hit you often? That's just really unacceptable. Not something a real man would do!" Na-Carried away si Jaycee. Nagagalit na din XD
"Nope. It's the first time. Siguro kung magkasama kami nung first fight namin baka nakatikim ako. I just called him back then kasi gabi na nun. But enough of him. Tell me anything about you naman oh." sabi ni Gabby habang naglalakad sila sa field at naghahanap ng mauupan.
"Well, Jaycee Kim is my English name. My real name is Kim Jikyung. I practically grew up here. Bumabalik lang kami ng Korea every summer, chuseok and Christmas holidays. I do kendo and taekwondo. Oh and soccer too. I think I'm a year older than you? You're 16 right?" sabi ni Jaycee.
"Wow. Amajjing. Yep. I'm 16. So that makes you 17." sagot ni Gabby.
Nagenjoy yung dalawa sa pagkekwentuhan at inabot na ng hapon sa field. Nagsabay na silang umuwi dahil na din sa same way yung daan ng bahay nila. Nag exchange ng numbers at mukhang nag enjoy sa comapny ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
Finding Love In The Unexpected Time
Fiksi RemajaLove comes and goes. Meet Gabrielle Angeline Chua, or simply Gabby. How will she deal with obstacles that life keeps blocking her way into happiness?