Chastity

38 1 0
                                    

Valentine’s Day... Haaaay. Ang sarap naman sa feeling na may ka-date sa araw ng mga puso. Hawak ni Jaycee yung kamay ko habang pinapanuod niya akong kumain ng cake na dessert namin after nung masarap na, as usual kasi favorite ko, Korean cuisines tulad ng ginawa niya nung Christmas 2012. Almost one year na nga pala kami nito. Masaya ako kasi nagtagal kami, unlike nung past relationship ko.

Kakatapos ko lang kumain nung biglang nagsalita si Jaycee. Napatingin ako sa kaniya na may ngiti sa labi. I can feel something weird eh. Ayoko lang banggitin kasi this is supposed to be a happy day.

“Gabby, baby?” tawag niya sakin. Ang sarap sa tenga kapag tinatawag niya akong baby. Nakakalambot ng puso at ng tuhod.

“Yes, baby?” sagot ko naman. Sinubukan kong lagyan ng sweet tone yun. I don’t know kung meron nga. I tried hard! At least, I tried hahaha!

“There’s something that I need to tell you...” nagsimula na akong kabahan kasi hindi na siya nakangiti. Binitawan din niya yung kamay ko.

“What is it?” sinubukan kong kumalma. Pero hindi na ko makatingin ng diretso sa kaniya and I just simply can’t stay still.

Kinuha niya yung maliit na box na dala ko. Alam kong alam niya kung ano yun. Binuksan niya yung box at kinuha yung isa sa mga singsing na nasa loob. It’s a set of couple rings that I asked Mom and Dad to buy for me. I admit, I’m a big fan of Tiffany & Co. Kaya everytime na pumupunta sila Mom sa States, alam nila what to get for me. Nahilig ako dun dahil sa movie na Breakfast at Tiffany’s ni Audrey Hepburn. She’s my rolemodel kasi. Kaya most of my jewelries and accessories ay from Tiffany’s. Elegant and classy. I can see myself as Audrey Hepburn in a black dress, a silver necklace and tiara from the Tiffany’s with my hair held into an up-do. How I wish kasing ganda niya ko.

“I know that this is from you, but I’m taking the opportunity of promising something through this...” sabi niya habang hawak yung singsing na mas maliit. Kinuha niya yung kamay ko tsaka niya ako tingnan at nginitian.

“Yes?” yun lang yung nasabi ko. Try kasi niya tapusin yung sentences niya no. Hindi naman ako manghuhula. May possibility ba na maging Chastity ring ang couple ring namin?

“Gabby... Baby... I’m leaving for Seoul soon. So I want you to promise... I want US to promise na our ‘forever’ is real and will still be intact kahit na we’re walking straight to dangerous territories with a long distance relationship. I know that there are lots of guys who likes you. Pero alam kong ako lang ang mahal mo, and I want you to know na ikaw lang din ang mahal ko.” Paliwanang niya. Napatango na lang ako. Inilagay niya yung singsing sa right ring finger ko, kinuha ko naman yung para sa kaniya.

“Jaycee... Baby, yeobo, jagi... Whatever happens, I’ll always love you. Seoul Time is just an hour ahead of the Philippine Time, so maybe there are no worries about the time difference unlike others. And promise me that I’ll always be your only one. You can look at other girls, but you can’t touch. You can talk, but you can’t flirt. No skinships and no staying up and out late.” So basically, binakuran ko siya. Pero tumango naman ang loko. Payag pala ha. Kaya ayun, nilagay ko yung singsing sa right ring finger niya tulad ng ginawa niya sakin.

Akala ko masasaktan ako sa sasabihin niya. Akala ko makikipag break na siya sakin. Akala ko lang pala yun. I can feel how strong our love for each other is. For the first time in forever... there’ll be music, there’ll be lights. Dejoke. For the first time, naramdaman kong hindi lang ang pamilya at mga kaibigan ko ang nagmamahal sakin. Mayroon na ding isang lalaki na handang isakripisyo ang social life niya sa mga kababaihan para sakin. Ano bang meron ako at minahal niya ko? Ang swerte ko naman.

Medyo nagdidilim na kaya naisipan na naming umalis ni Jaycee. Pagbaba namin, parang hindi pa pa-gabi kasi ang dami pa ding tao. Lalo na dun sa mya field. Mga nagsisipag-date siguro mga to. Inakbayan ako ni Jaycee at niyakap ng mahigpit habang naglalakad kami sa field. Ayaw muna namin umuwi kaya nagstay na kami total madami din namang tao kaya hindi kami mapapagsaraduhan ng gate ng school.

“I love you, Baby. We’ll make everything work out. Promise.” Biglang sabi ni Jaycee habang pinaglalaruan yung bangs ko.

“I know we will. I trust you enough to agree on a long distance relationship. And as long as we stay honest with each other, I don’t have any problem.” Sagot ko sabay ngiti ko sa kaniya. Yumuko naman siya at hinalikan at sa labi ng saglit. Napangiti ako lalo.

Mahal na mahal ko si Jaycee. At sa almost one year naming magkarelasyon, alam kong hinding hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira naming dalawa. Alam ko din namang mahal niya ko eh, kaya ano pa bang poproblemahin ko eh maswerte na ko sa boyfriend ko. Hahanap pa ba ko ng iba?

Finding Love In The Unexpected TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon