"Ewan ko ba insan. Grabe. Napaka sweet talaga niya. As in!" kwento ni Gabby sa pinsan niyang si Jane.
"Nako insan! Wag kang magpapaniwala diyan! For I know, niloloko ka lang niyan!" tutol ni Jane.
Pinsan ni Jane si Gabby. Kahit na 10 days lang ang tanda ni Jane kay Gabby, pinipilit pa din ni Jane na tawagin siya ni Gabby ng Ate. Pero ayaw talaga ni Gabby. Kay Jane lagi pumupunta si Gabby kapag may nangyayaring gantong bagay. May experience si Jane ang dahilan ni Gabby.
"Ano ba insan! Trust me in this one. Hindi ako lolokohin nito." sagot ni Gabby.
"Bahala ka. Don't say I didn't warn you. Trust me din. Kasi mas matanda ako ng 10 days sayo." paalala ni Jane kay Gabby.
Kinagabihan...
Nakatanggap ng text si Gabby galing kay Zach.
"Good Evening babe! Kumain ka na? <3" -Zach Babe
Agad na sinagot ni Gabby yung text ni Zach na may sobrang laking ngiti at medyo kinikilig pa.
"Good Evening din babe! Opo kumain na ko. Ikaw ba? Kain ka na ha? <3" - sagot ni Gabby sa text ni Zach.
"Mamaya na babe. Nagdodota pa ko." - Zach Babe
"Ayan. Yan na nga ba sinasabi ko eh. Walang tatalo." - Gabby
"Sorry na babe. Promise kakain ako pagkatapos nito." - Zach Babe
"Promise yan ah." - Gabby
"Opo. I love you <3" - Zach Babe
"I love you too <3" - Gabby
Nakangiti pa din si Gabby habang tinititigan yung text ni Zach sa kanya, kaya di niya napansin si Jane na tumayo sa likod niya.
"Hoy gaga, ingatan mo puso mo." bulong ni Jane sa kaniya tsaka lumabas ng kwarto nila.
"Insan naman. Madalang ang lalaking napapag sabay ang pagdodota sa pagtetext sa nililigawan." sabi ni Gabby habang sinundan si Jane palabas ng kwarto nila.
"Nako. Sa simula lang yan. Take it from me. May experience. Remember?" sagot naman sa kaniya ng pinsan niya.
"oo na. I'll be ready. Mag-iingat ako." nag-agree na lang si Gabby kay Jane kasi alam niyang uulit-ulitin ng pinsan niya yung pagpapaalala.
Nagshe-share ng isang kwarto si Gabby at Jane. Malaki ang kwarto nila at kasya ang dalawang kama at dalawang cabinet. Dagdag pa yung computer set at laptop nila na nakapatong sa study table.
Bago matulog si Gabby ng gabing yun, binuksan niya yung cellphone niya at nagtext kay Zach.
"Hi Babe, good night. I love you so much <3" -Gabby
Nagreply naman agad si Zach.
"Good Night din babe. I love you too <3" - Zach Babe
Binuksan ni Gabby yung pictures folder niya at tiningnan yung picture ni Zach. Tinitigan niya ito ng matagal at napangiti ng matamis.
"Good night babe. I love you. I'll see you tomorrow ha..." sabi ni Gabby sa picture ni Zach tsaka ito hinalikan.
-2-
BINABASA MO ANG
Finding Love In The Unexpected Time
Teen FictionLove comes and goes. Meet Gabrielle Angeline Chua, or simply Gabby. How will she deal with obstacles that life keeps blocking her way into happiness?