"What?! You're leaving again? But you just got home!" Gabby whined. Nagulat siya sa news ng mga magulang niya. Kakadating lang nga naman nila galing sa U.S tapos aalis ulit.
"We're really sorry baby. But something came up in the Seattle branch" nagpaliwanang yung daddy niya.
"Yes baby. This time lang naman. We're very sorry. Alam naman namin na Christmas Eve later pero we can't let that branch go down. It's one of our successful branches in the U.S." sabi naman ng Mommy nya na umupo sa tabi niya tsaka sya niyakap.
"Okay fine. Pero you'll have to make it up to me." sagot ni Gabby.
"Anything Gabby. Anything." sabi ng Daddy niya.
"You already know what I want Dad." ngumiti si Gabby at niyakap yung Daddy niya.
"Okay baby. We have to go. See you next year ha." sabi ng Mommy niya
"Yes mom. Will you be here this New Year's Eve?" tanong ni Gabby habang naglalakad sila palabas ng bahay.
"We're not really sure baby. Pero tatawag na lang kami if ever. okay?" sagot ng mommy niya.
Pagbukas nila ng pinto may dumating na kotse at nagpark sa tapat ng bahay nila. Lumabas yung driver at nakita sya ni Gabby. Napangiti si Gabby at napansin to ng magulang niya.
"Sino yun?" tinanong ng mommy niya si Gabby pero tumuloy siya sa gate para buksan.
"Jaycee!" biglang sigaw ni Gabby habang tumatakbo.
"Ayan. Sinagot na ng anak mo." sagot ng daddy ni Gabby sa tanong ng mommy niya.
Naglakad papunta kila Gabby at Jaycee yung magulang ni Gabby.
"Gabby, have anything to say?" tanong ng Daddy niya.
"Oh! Dad, Mom, si Jaycee po. F-" pinakilala ni Gabby si Jaycee pero di sya nakatapos kasi sumabat si Jaycee.
"Nanliligaw po ako sa anak niyo. Okay lang po ba?" nagulat si Gabby sa sinabi ni Jaycee.
"Oh... mukhang okay ka naman. May kotse. May lahi... Okay lang. Alagaan mo anak ko." sagot ng Daddy ni Gabby.
"Yah!" hinampas ni Gabby si Jaycee at natawa naman si Jaycee.
"Haha! Half-Korean po ako sir! At aalagaan ko po anak niyo." sagot ni Jaycee sa Daddy ni Gabby and he completely ignored Gabby's protests.
"It's good to hear that. Since aalis kami ng Mommy niya until New Year's Eve, ikaw muna ang bahala sa kanya ha?" sabi ng Daddy ni Gabby kay Jaycee at tinapik-tapik yung balikat nito.
"Yes sir!" nag-salute si Jaycee sa Daddy ni Gabby at natawa na lang ito.
Umalis na yung parents ni Gabby at naiwan silang dalawa sa labas ng bahay.
"I was originally planning to spend my Christmas Eve with my lola and cousin. But you came. So, siguro dito na lang." Gabby sighed. Pumasok sila sa loob ng bahay at dumeretso si Gabby sa kusina.
"Magluluto ka, Gabby?" tanong ni Jaycee na sumunod kay Gabby sa kusina.
"Of course! Baka Mamatay tayo sa gutom dito kapag hindi." natawa si Gabby at naghanap na ng pwedeng lutuin.
"Gabby, just go rest. I'll take everything from here. Gusto ko special ang first Christmas Eve ko with you. " ngumiti si Jaycee, at once again walang nagawa si Gabby sa kakulitan ng manliligaw niya.
"You're sure ah. When you need something, just wake me up. I'll be at my room." ngumiti si Gabby. Hindi maiwasan ni Jaycee na isipin na napaka swerte nya at nakilala niya si Gabby.
Bago pa man mag hatinggabi, natapos na ni Jaycee ang mga niluluto niya at umakyat na din para gisingin si Gabby. Natawa siya nung nakita niya yung pinto ng kwarto ni Gabby. Hindi mahirap hanapin kasi halatang kay Gabby yun. KULAY PINK. Nagpipigil na din ng tawa si Jaycee kahit na medyo mhirap. Grabe kulay pink. Naimagine tuloy niya kung anong kulay yung kwarto talaga ni Gabby.
Binuksan niya yung pinto, at tama nga siya. Pink din. Puno din ito ng mga posters ng mga Koreanong gustong gusto ni Gabby tulad ng Girls' Generation, Super Junior, EXO at INFINITE.
"Hello... Kitty." napabulong siya at napailing. "Hindi ko inasahang ganto si Gabby." sabi niya sa sarili niya.
Nilapitan niya si Gabby at ginising.
"Gabby... Gabby gising na. It's almost 12 midnight." hindi siya nahirapan at tumayo na din si Gabby. Kinamot niya ang mga mata niya tsaka nginitian si Jaycee.
Bumaba na sila at pagdating sa kusina ay nagulat si Gabby.Mabango yung buong kusina at dining room. Hindi yung usual na amoy ng mga pagkain na inihahanda tuwing Christmas Eve. Tumingin siya kay Jaycee at napangiti ng malaki. Niyakap niya si Jaycee at natatawa ng konti.
"You really got into so much trouble to do this for me. I think you're really sweet and I like you so much." sabi ni Gabby kay Jaycee.
Sa lamesa ay nakahain ang mga niluto ni Jaycee. Mayroong Bibimbap (Korean dish made of rice, beef/chicken/pork, vegetables and special sauce), Patbingsoo (Korean version of Halo-Halo), Lasagna, Manju (Korean cake), and a few Filipino dishes tulad ng Kaldereta (which is favorite ni Gabby).
Naging masaya ang Christmas Eve ni Gabby at Jaycee na kasama ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Finding Love In The Unexpected Time
Fiksi RemajaLove comes and goes. Meet Gabrielle Angeline Chua, or simply Gabby. How will she deal with obstacles that life keeps blocking her way into happiness?