CHAPTER 1 - Ang mga Sundalo

788 7 2
                                    


KABANATA 1

Ang Tribo Lakay ay isang katutubong naninirahan at nanghahawak sa malaking kagubatan ng Hind, sila'y naninirahan sa may bandang hilaga ng malawak na gubat na ito.

Nabubuhay sila, sa pamamagitan ng pangangaso, kumakain sila ng mga hayop tulad ng mga usa, mga buffalo at baboy damo.

Malakas ang pananalig nila sa kanilang sinasambang diyos-diyosan, Ang Imahe na tinatawag nilang ka Surka, Isang Anito, Malaking Rebulto ng Gold, na nagmula pa sa kanilang kaninununuan.

Noong unang Panahon, bukas silang makihalubilo sa ibang lahi, o 'yung mga taong taga siyudad.

Pero nahinto ang kalagayang iyon, ng bahiran ng kanilang dugo't salinlahi ng mga mababangis na Lobong hayop.

Dahil sa perwisyong dulot ng malalaking Lobo sa kanila ay nakipagdigma sila sa mga ito, nagapi nila ang karamihan sa mga lobo, at binihag ang ilan.

sinubukang kainin ng ilang membro ng Tribo ang karne ng Lobo, na nahumaling naman ang karamihan sa kanila.

Kaya't bumahid sa kanilang laman, ang dugo ng mga Lobo, na naging dahilan ng kanilang pagiging lobo.

At 'di kalaona'y, naging mabagsik sila, lalo na paghating gabi, kung saan sila'y nagbabago ng anyo, at sa umaga nama'y bumabalik sa pagiging tao, pinapatay nila't kinakain ang hilaw na katawan ng tao.

Sa kalagayang iyon nila itinigil, ang pagpunta sa siyudad, at pakikihalubilo sa mga tao.

Ang mababangis na lobo, naninirahan sa bandang Timog ng malawak na kagubatan ng Hind, simula pa noong unang panahon.

ngunit sila'y mga hayop na kampon ng kadiliman, kumakain sila lagi ng mga tao, mga katutubo man ito o 'yung mga civilian na napapadpad sa gubat.

Noong unang Panahon, ang Tribong Lakay, ay 'di gumagawi sa Timog ng Kagubatan, pagkat doon naninirahan ang mga masasamang lobo.

Ang Pangkat ng Lion at Tigre, sila'y naninirahan sa bahaging kanluran ng malawak na kagubatan ng Hind, Maayos ang Pamunuan ng kanilang Pangkat, Mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang Hari ang pagkain ng mga tao, sa mga malilinis na hayop lang sila kumakain.

tulad ng maraming usang namumugad sa gitna ng malaking kagubatan, mga ibon sa himpapawid at kabundukan, at mga Isda sa may bahaging ilog, talon at sapa.

Ang silangang bahagi ng gubat naman.

doon natatanaw, ang malaking kabuoan ng siyudad.

ipinagbabawal ng mga baryong nasa kalapit at paanan ng bundok ang paglalakbay tungo sa gubat na iyon, dahil sa mga mapanganib na hayop na nagkalat sa buong kagubatan, tulad na lamang ng Lion, Tegri, Baboy damo, Malalaking Unggoy at Ang masasamang Lobo.

*-*

Kasalukuyang binabagtas, at sinusuyud ng mga Sundalo, ang loob ng kagubatan, sa pamumuno ni Col. Romeo Soler, upang wakasan ang paghahasik ng lagim ng Tribo Lakay.

Sila ang unang pangkat na nakadiskubri sa pinakatatagong lihim ng Tribo Lakay.

Na-assign ang Pangkat ni Col.Soler sa gubat, upang sundan ang mga NPA, New People's Army, na nagkampo sa loob ng kagubatan umano, upang tuldukan ang kasamaan ng grupo na ito.

dahil sa kanilang pangingidnap sa ilang kabataang nagawi sa gubat na iyon.

At ilan lang sina Leo, Bob at Patrick sa mga Anak mayayaman na pinagpapalagay ng mga Awtoridad na kinidnap ng mga NPA na iyon.

Ngunit sa Pakikipagsapalaran nila sa gubat.

ay hindi nila lubos akalain.

na Ang mga Tribung naninirahan roon, ang kanilang makakasagupa.

ilan sa mga Tauhan ni Col.Soler ang napatay ng mga taong Lobo.

at nasaksihan ng dalawang mga mata niya, ang pagiging tao ng mga ito, mula sa bilang na kanilang napatay sa engkwentro.

Tinipon nila ang bangkay ng mga lobo ng gabing iyon.

at nang sumikat ang araw, ay nagimbal sila sa pagbabago ng anyo ng mga 'to.

'Yun ang nagtulak kay Col.Soler na harapin ang panganib na kanilang tinatahak, tungo sa Nayon ng mga Tribung iyon.

Umaga na ng sandaling iyon, pasado alas otso, at karamihan sa mga taong Lobo ay tulog na tulog na sa kani-kanilang kubo.

Sapagkat pagod at puyat mula sa pag-ikot at paggala sa buong kagubatan upang maghanap ng taong kanilang kakainin.

At oras ng umaga ang sadya ng pangkat ni Col.Soler sapagkat walang kalaban laban ang Tribu sa kanilang anyong Tao.

Habang nakadapa sa tuktuk ng bundok na may kalapitan sa nayon ng Tribo lakay ang mga sundalo.

Col.Soler: "Nandito na tayo, be careful for every move, kailangan, maitanim natin sa sulok-sulokan ng nayon nila ang mga bomba na ito."

Guiler!, At kayong tatlo, pumuwesto kayo sa taas ng bundok na iyon, at gamitin niyo ang mga sniper niyo, para sa mga nais tumakas."

"Yes sir!"sagot ng apat.

"Valdez! Pamunuan mo naman ang tatlo pang ito, doon kayo sa likod ng nayong ito, nang sa ganoon walang makadaan roon,"

"Yes! Sir," wika naman ng apat na ito.

"At ako, at Capt.Melvin, at kayong lima, tayo ang magtatanim roon ng mga time bomb.

at sa mga natitira, kumalat kayo sa paligid, at pag nakatunog sila't nagsilabasan ay lumabas din kayo't makigyera sa kanila!.

Uubusin natin ang lahi nila! Matanda o bata, at pati babae!," wika ng galit na galit na si Col.Soler, sapagkat, marami sa kaniyang tauhan ang napatay sa engk'wentro nila.

Kasama na roon ang kaniyang Kapated.

May ebidensya naman silang Pinanghahawakan na ang mga tribung ito'y mga taong Lobo.

at 'yun ay nakunan nila ng Video.

Nagsimula na silang maghiwa-hiwalay at pumuwesto.

Habang ang mga katutubo ay tulog na tulog dahil sa katahimikan ng paligid.

Ang nayon nila ay napapaligiran ng mga burol, at malalaking Puno.

malawak ang nayon nila, ngunit dahil sa patag ang kinatatayuan ng mga bahay nila, ay maaaring malagasan sila mula sa mga sundalong iyon.

Naitanim na din ang mga time bomb.

Nakahanda na ang mga Sniper man.

ang mga nasa likuran ng nayon.

at ang nakapaligid na nagtatago sa likod ng mga Puno.

Sa ilang sandali lang, ay nakatunog ang isa sa mga Tribu. Pinuntahan niya ang bell, at hinampas ng malaking bakal na hudyat ng kanilang panganganib.

Baaaaannnnnggggg!!!

Malakas na tunog ng bell.

At bawat Tribo ay kanya-kanyang hugot ng Espada, Pana at palaso, at nagsilabasan sa kanilang bahay.

Hinarap ang mga sundalo.

Pero sunod-sunod ang paputok sa kanila.

HARING LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon