CHAPTER 9 - Muling Pagkikita

133 5 0
                                    

Kakaiba ang naramdaman ni Leo ng mga sandaling iyon.

Umaasam ang damdamin niya na ang dating babaeng nagmahal sa kanya ang magpapakawala ng sumpa.

Ang magiging susi upang makalayas siya sa impernong buhay na kaytagal nyang pinagtiisan.

Kahit tumatanggi ang kanyang isipan at 'di naniniwala na ang isang normal na tao ay magagawang ibigin ang isang kinatatakutan na mabangis na hayop.

Bob: "Lapitan natin sila Leo! Baka makilala tayo," mahina niyang wika.

Patrick: "Oo nga mga dude! This is the chance! Kaya't 'wag na nating pakawalan pa!" nasasabik niyang wika.

Habang takot na takot si Kaila sa kakamasid sa kanila.

Nagising naman ang tatlong kasamahan.

Jane: "Mga Leon! Mas nakakatakot sila!" nanginginig niyang wika.

Kiko: "Naku! Patay tayo rito!."

Pinabusina ni Jaime ang Car.

Jane: "'Di sila takot! Anong gagawin natin Jaime!" mangiyak-ngiyak na naman niyang wika.

Jaime: " 'Di ko alam! 'Wag kayong mag-alala, nandito lang ako!" matapang niyang wika habang nakatingin sa tatlong Leon.

Habang papalapit ang tatlong leon na ito.

Lumapit si Patrick sa Door handle ng backseat at kinagat iyon at pilit binubuksan.

Patrick: "Hooy! Jane! Buksan niyo kame! si Patrick 'to! 'Di niyo ba kame nakikilala?" tawag niya.

Pero walang nadidinig ang apat at lalo silang natakot sa inasal ng mga Leon.

Kinagat naman ni Bob ang Door handles sa kinauupuan ni Kaila.

Kasunod nito ang Paglundag ni Leo sa frontside ng Car.

Tinitigan ng matalim si Jaime at kaila na mas lalong nagpatakot kay Kaila.

Nagtamo kasi si Kaila ng truma sa nangyari kay Harold. Kaya't ganoon na lamang ang kanyang takot sa mga nangyayari, kaya't bakas na bakas sa mukha ang sindak nito.

Napayakap na lang siya kay Jaime habang naiiyak na naman sa takot.

Inakbayan naman ng mahigpit ni Jaime habang nakatitig si Jaime kay Leo at pinapakiramdaman ang gagawin nito.

Bumakas sa mukha ni Leo ang kalungkutan habang nakatitig sa dalawa.

Hindi niya alam kung ba't siya nasasaktan.

Nagseselos ba siya sa babaeng sinaktan lamang niya noon?

Nabisto ni Jaime ang kakaibang lungkot sa mukha ni Leo.

Tila binabasa niya ang nilalaman ng malungkuting mga mata ni Leo.

Kasunod nito ang biglang paglundag ni Leo pababa.

Bob: "Bakit?!" taka niyang tanong, habang papalayo si Leo.

Patrick: "Dude Leo! Saan ka pupunta! 'Wag mong pakawalan ang pagkakataon!" sigaw niya kay Leo.

Leo: "Tumigil na kayo! Mga tanga! 'Wag na kayong umasa na makakabalik pa tayo sa dati!" galit niyang tugon.

Sinundan na lang siya ni Bob at Patrick.

Tuluyan nilang iniwan ang apat.

Jane: "Ohhhss, salamat naman," malalim ang paghingang pinakawalan niya.

Kiko: "Kakainin rin kaya nila tayo?!"

Jane: "Off course naman noh! Mga wild animals iyan eh!"

Jaime: "Tama na kaila, tahan nah," habang hinihimas ang likod ng dalaga.

HARING LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon