CHAPTER 2 - Paglagas sa Tribo Lakay

194 5 0
                                    

"Wahhhh!! Lalaban kami! Hanggang sa kamatayan!" sigaw ng tagapamuno nila habang hawak-hawak ang mahabang Espada.

na isa sa kanilang pinakaiingatang ari-arian.

Samantalang nakakalat na sa sulok-sulokan ng nayong iyon ang Tribu Lakay.

Pero, Sunod-sunod na paputok ang pina-ulan sa kanila ng mga sundalo!

"Wah!" bagsak ang isang sundalo ng tamaan ng pana.

Col.Soler: "Mauubos na kayong lahat rito," sabay kalabit ng gatilya ng kanyang armalite, sa nakakalat at lumalabang kalalakihan ng Tribu.

Sinubukan ng ilang Tribo na Tumakbo upang tumakas.

Pero nagsilabasan naman mula sa mga Punong kahoy ang ilang sundalo..

At sunod-sunod silang pinaputokan..

bumagsak ang isa pang taong lobo ng tamaan ng bala sa ulo, habang 'di niya alam kung saan nanggaling.

at nagsunod-sunod pa ang ilang sumubok na tumakas, pero sunod-sunod ang tama sa ulo mula sa mga naka-sniper.

Ang ilang kalalakihan ay Tumakbo papuntang likuran ng nayon.

Pero, ubos rin sila mula sa grupo naman ni Valdez.

habang hawak-hawak ng isa sa kanila ang malaking Machine gun.

walang tigil ang putok na kumitil ng maraming buhay ng mga katutubo.

ang ilan namang mamamana na nagtago sa loob ng mga kubo nila ay sunod-sunod ang mga granadang hinahagis sa kanila ng mga sundalo.

"humanda ka sa akin Kernel!," habang hawak-hawak ng tagapamuno ang Espada na tumatakbo kay Col.Soler.

malapit na ito, pero nakatunog agad ang Opisyal, hinarap niya't binaril sa ulo.

lagapak na bumagsak sa lupa.

Nalagasan ang mga katutubo sa labanang nagaganap, at ilan naman sa mga sundalo ang namatay.

Tumakbo na paalis, mula sa Nayon na iyon ang ilang sundalo upang pasabugin ang kabuoang lugar nila.

At nagtagumpay nga sila.

malalakas na sumabug mula sa bawat sulok ng nayon, ang mga time bomb na itinanim roon ng mga sundalo.

Si Col.Soler ang pumindot sa control bomb na iyon.

Matapos ang nangyari, ay parang wala lang sa mga sundalo ang ginawa nilang paglagas sa Tribung iyon.

Parang dinaanan ng Higanting Delubyo ang Nayon na iyon, sa kinalabasan ng bagong hitsura nito.

Samantala, napag pasyahan ng mga Sundalo na maglakbay paalis ng Gubat.

Ngunit nasindak sila sa takot ng masalubong nila ang malalaking lobo na galit na galit ang mga ito.

At pinapalibutan na sila ng mga Lobo.

Col.Soler: "Ano 'to!? Akala ko naubus na natin sila!."

Fire!!!

utos niya sa mga kasamahan, na nakahanda naman ang mga armas nila tungo sa mga lobong iyon.

Pero sunod-sunod ang lukso ng maraming Lobo sa kanila.

Napatay man ng mga sundalo ang ilang Lobo, Pero 'di na nila napigilan ang ilan.

Tuluyang nakagat ang karamihan sa kanila.

At Pinag-agawan sila ng mga Lobong Animoy sabik na sabik sa laman ng tao.

Nagsisigaw ang mga sundalo, habang pinag-aagawan sila't kinakain ng mga Lobo.

HARING LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon