CHAPTER 4 - Ang mapanganib na Lobo

134 5 0
                                    

Arrrgggghhhh!!!

ang siyang nadidinig sa tinig ng lobong iyon, habang unti-unting humahakbang papunta sa kanila.

Jane: "oh Gosh!Anong gagwin natin!," habang nanginginig na ang kanyang tuhod sa takot.

Habang napapalunok na lang at titig na titig ang ilan sa kanila tungo sa lobong iyon.

Nakikiramdam sila, kung lulundagan sila nito.

Harold: "Guys, wala tayong ibang gagawin, kundi tumakbo, so bibilang ako, and hope na sa kinaroroonan ng Car ang punta ng bawat isa sa atin," mahina nyang wika.

Kiko: "Magbilang ka na! Kundi makakain na niya tayo rito!," habang atat na atat nang tumakbo palayo.

Jaime: "Kaila, Jane, Bilisan niyong tumakbo ahh!," paalala niya sa dalawang babae.

Kaila: "Sana nga, matakasan pa natin ang lobong ito!,"

Harold: "So One, two, and Three!..."

Sabay-sabay na tumalikod ang Lima, at matulin na tumakbo tungo sa kinaroroonan ng kanilang sasakyan.

"Hhhhhhaaaaaaaaahhhhhhhh!!!

napuno nang sigawan ang paligid dahil sa sigaw nila, nang Lumundag ng malakas ang Lobo tungo sa kanila.

mabilis ang habol sa Limang Magkakaibigan.

"Bilis!!"

hiyaw at hingal ng bawat isa.

at mabilis silang naghahabulan.

Dahil sa malapit nang maabot ng lobo ang Lima ay Lumundag ito ng malakas, tungo sa kinaroroonan ni Kaila.

At naabot ng bunganga ng Lobo ang pang itaas na damit ni Kaila, nakagat niya ito't medyo nahubaran naman si Kaila, sabay na bumagsak.

Kaila: "tulungan niyo ako!," malakas niyang sambit sa kanila.

Habang nauuna sa kakatakbo si Kiko at 'di na alintana ang mga kaibigan.

Muling bumuwelo ang Lobo, upang kagatin si Kaila.

Blaaagggg!!!

Bagsak ang Lobo, sa malakas na hampas ni Jaime, gamet ang napulot na mabigat na sanga ng puno.

Jaime: "Kaila tayo na!," at hinawakan niya sa kamay at hinila patayo.

kasunod nito ang mabilis na pagtakbo ni kaila na sinundan naman ni Jaime.

Samantalang tumigil si Harold upang hintayn ang dalawa.

Habang ang Lobo ay tila nahilo sa malakas na hampas na iyon.

Muling tumayo, ang Lobo't galit na galit na lumundag at hinabol ang magkakaibigan.

at patuloy naman sa kakatakbo ang Lima.

Malapit na ang Lobo.

nang biglang matapilok ulit si Kaila, at 'di magawang tumayo.

Muling Tumigil si Jaime at nilingon si Kaila.

Kaila: "Tumakbo na kayo!, Iwan niyo na ako!" habang napapaluha na siya sa takot.

binalikan ulit ni Jaimie si Kaila, at Sinundan naman ni Harold upang tulungan din si Kaila.

Habang papalapit na naman ang lobong iyon.

nagawang makatayo ni Kaila, At isang napakalakas na Lundag ang ginawa ng Lobong iyon tungo kay Kaila.

Pero linuksuan din ni Jaime si Kaila, at nagtagumpay siya.

Nagawa niyang maunahan ang Lobo, at sabay silang Bumagsak.

HARING LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon