CHAPTER 16 - Si Leo at Kaila

102 4 0
                                    

Mabilis na tumakbo patungo at pababa sa ilog na iyon si Leo.

Habang tanaw na tanaw ang mga kaibigan na inaanod ng mabilis na rumaragasang ilog.

Nagawa niyang makababa, at makalapit sa ilog.

Ngunit 'di niya kayang luksuin at languyin ang ilog.

Nakipag-unahan na lang siya sa kakatakbo habang ang tingin ay sa kanila nakatuon.

Lalong-lalo na kay kaila at Patrick, bagamat ang ilan ay tuluyan nang inilubog ng malakas na ilog.

Patuloy si leo sa ginagawa, 'di naman kalayuan si kaila sa kanya, ngunit malalim ang ilog, kahit sa tabing pampang lamang ito.

Nagawa ni Leo na maunahan si Kaila.

Hanggang sa luksuan ng malakas ni Leo ang payat at mahabang sanga ng
maliit at mababang puno, sabay kagat nito.

Naputol nya iyon at hinagis ang dulo nito sa ilog, habang hawak ng kanyang bibig ang kaibabaan nito, samantalang paparating naman si Kaila.

Isang napakalakas na ungol mula kay Leo ang narinig ni Kaila.

Isang senyales para sa kanyang kaligtasan, kaya't napahawak ng mahigpit si Kaila roon.
Buong lakas na hinila ni Leo.

Nagawa ni Leo na mailapit siya sa lupa, ngunit nakabitiw at lumubog si Kaila. Sa puntung ito ay biglang nilundagan siya ni Leo, kinagat ang pantaloon at hinila sa lupa, kahit hirap siyang lumangoy.

Nagawa nga niya, ngunit wala nang malay si Kaila. slSamantalang ang iba ay tuluyan nang inanod ng ilog.

Leo: "Gising! gising!" pukaw ni Leo habang tinatapik-tapik at niyuyugyug ang dalaga."

Ngunit nananatili si Kaila sa ganoong kalagayan.

Kasunod nito ang pag-pump ni Leo ng kaibabaan ng dibdib ni Kaila ngunit ayaw pa din magising.

Tinitigan siya ni Leo sa mukha. Nais niyang gamitin ang mouth to mouth kay Kaila.

Nang bigla na lamang magbuga ng tubig ang bibig ni Kaila, Iminulat ang mga mata.

Sandaling napangiti naman si Leo sa nangyari kay Kaila.

Malapitan ang mukha ni Leo kay Kaila ng mga sandaling ito.

Bagamat anyong Leon man ang kabuoang mukha ni Leo, ngunit 'di hadlang iyon upang pumintig ang dibdib ng dalaga para sa kanya.

Paulit-ulit na siyang niligtas nito.

Labis-labis ang pagmamalasakit sa kanya ng isang mabangis na hayop na ito.

Bumangon si Kaila at inilingon ang mukha sa ilog, ganoon din si Leo.

Napaluha habang tinatawag ni Kaila ang mga kaibigan.

Kaila: "Jane! Jaime! Kiko! nasaan na kayooo!" sigaw ni Kaila.

"Leo, kailangan natin silang sagipin," sambit ni Kaila kay Leo.

Pero ibinaba lang ni Leo ang mukha sa lupa,
at kitang-kita ni Kaila ang pagtulo ng likido mula sa mga mata ni Leo.

Nagpatuloy lang sa pagtanaw si Kaila sa ilog. Alam niyang wala na ang mga kaibigan niya, ngunit umaasa siyang buhay pa ang mga iyon.

Napansin na lang niya na lumakad paalis doon si Leo, na sinundan naman niya.

Magkasama silang naglalakad, habang walang imik na nangyayari sa pagitan nila.

Binabalot ulit sila ng kalungkutan, hanggang abutin sila ng dilim.

Pagod na si Kaila at natumba na lang itong nanghihina, dahil sa kapaguran at kawalan ng makakain ng mga sandaling iyon.

Wala ring kuweba sa parte ng gubat na iyon,
kaya't sa may ilalim na lang sila ng malaking puno nakisilong.

Paulit-ulit na ipinipisik ni Leo ang nagsisilbing mahahaba at malalaking buhok na nakabalot sa buo niyang leeg upang tuluyang mawala ang lahat ng tubig roon.

Matapos non ay dumapa siya sa tabi ni Kaila, habang tulog ang dalaga.

Nakatulog na rin siya ng panandalian.

Nagising siya dahil sa ungol. Tiningnan niya ang dalaga.

Yakap na yakap ni Kaila ang sarili, habang umuungol. Nilalamig siya, marahil dulot ng malakas na hangin.

Ngunit ng damhin ni Leo ang ulo ay mainit na mainit ito, tila nilalagnat ang dalaga. Naimulat na lang ni Kaila ang mga mata, na si Leo ang nasa harapan ulit niya. Napansin ni Kaila na napapansin ni Leo ang kanyang panlalamig.

Kasunod nito ang pagdikit ni Leo kay Kaila. Idiniin niya ang mahahaba niyang buhok kay Kaila.

Sinenyasan si Kaila, wari nagpapahiwatig si Leo na yakapin siya.

Iyon naman ang ginawa ni Kaila. 'Ramdam na 'ramdam ni Kaila ang init na nagmumula sa katawan ni Leo, kaya't napawi kahit papaano ang panlalamig niya.

Sabay na rin silang nakatulog sa pamamagitan ng kalungkutan.

*-*

Kasalukuyang nasa laot ang mga mangingisda.

Sakay ng kanilang malapad at malaking bangka, nang matanaw nila ang lumulutang sa dagat.

"Pareko'y! Tao yata iyon!" turo ng isang lalaki.

"Tama! Bilisan natin! Baka buhay pa 'yan!" tarantang wika ng isa pang mangingisda.

At kaagad nilang pina-andar ang bangka tungo roon.

"Tumitibok pa ang pulso ng babaeng ito," wika ng isang lalaki, habang nakahiga na roon sa bangka si Jane.

"Himala! Buhay siya! Bilisan natin at dalhin natin siya sa bayan!"

*-*

Magkatabing nakasandal si Lee at Kaila sa may puno, samantalang kaakbay ni Lee si Kaila.

Leo: "Mahal kita kaila... Sana hindi pa huli ang lahat, upang mapatunayan ko sa 'yo, kung gaano ka kahalaga sa buhay ko," seryoso niyang bigkas.

Kaila: "Talaga Lee, Mahal mo ako, Pero bakit mo ako pinaglaruan, matapos ay bigla ka na lang lumayo at naglaho?" mangiyak- ngiyak niyang tanong.

Leo: "Mahabang kuwento, At noon 'yon.  Ngayon, na-realize ko kung gaano kita ka mahal."

Kaila: "Mahal pa din kita Lee, hanggang ngayon. Ikaw pa din ang nilalaman ng puso ko." at nagkatitigan ang dalawang mag-irog.

Kasunod nito ang unti-unting panlalabo ng kanilang mga mukha sa paningin ng bawat isa.

Sabay silang nagising sa panaginip na iyon,
habang malapitan at nakatingin sila sa isa't-isa.

*-*

Gumising si Jaime, at nasa gilid siya ng ilog. Sa may parteng gubat.

Inilingon ang tingin sa paligid. Nahagilap ng mga mata niya ang nakahigang tigre.

Si Nanzzy, tila wala ng buhay, habang ang kalahating katawan ay nasa tubig, tulad ng kinalalagyan ni Jaime.

Nilapitan ito ni Jaime, at niyugyug. Pero hindi na gumagalaw, hindi na rin humihinga.

Jaime: "Patay na siya? kawawa naman?" malungkot niyang wika.

At hinila niya sa may Lupa.

Jaime: "Si Kaila kaya, nuhay pa kaya?" malungkot niyang wika sa sarili, ngunit ayaw niyang maniwala na wala na ang babaeng minamahal.

Matapos tabunan ng ilang malalapad na dahon ang katawan ng tigre ay unti-unti na niyang nililisan ang lugar.

Jaime: "Kailangan kung hanapin si Kaila. Naniniwala akong buhay pa din siya," panatag niyang wika.

Habang naglalakad ay 'di sinasadyang narating ang mga armas ng mga sundalo.

Ang pangkat ni Kernel Soler.

Jaime: "Magagamet ko ito! Humanda kayo mga Lobo! Pagbabayaran niyo ang sinapit ng mga kaibigan ko," tiim bagang niya.

At kanya na lang naramdaman ang ilang lobong paparating.

ITUTULOY

HARING LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon