Kabadong-kabado si Patrick at napapalunok pa ito, habang unti-unting naglalapitan ang taong bayan.
Patrick: " 'Wag po... Maawa kayo... Mabait po akong tao..." pagmamakaawa niya, ngunit walang isa mang nakakadinig ng kanyang sinasabi.
"Ihanda niyo ang mga sandata! At 'wag hayaang makatakas iyan! Kundi malaking kapahamakan sa ating lahat!" sigaw ng pinuno nila sabay hugot ng itak.
Lalo namang nahintakutan si Patrick, kaya't sinubok niyang tumakas.
Lumundag palayo, ngunit nasalubong siya ng malaking lambat na hinagis ng ilang kalalakihang iyon.
Bumagsak siya at pumulupot sa kanyang katawan ang fishnet na iyon.
At bawat kalalakihan ay kanya-kanyang hawak sa lubid ng malaking panghuli nila ng isda.
Umuungol si Patrick, nagpalundag-lundag, kaya't naisasabay niya ang nakapulopot na bagay na iyon sa kanya.
Natigil na lang siya ng lapitan ng pinuno habang may hawak itong itak at isang malakas na spray ang nagpawala sa kanya ng malay.
*-*
Medyo may kataasan na ang araw nang magising si Kaila na nakayakap kay Leo.
Tanging huni ng maliliit na ibon ang madidinig ng mga sandaling ito.
Umupo si Kaila, at inilingon ang mata sa paligid.
Nakahinga siya ng malalim, dahil panatag na ang loob niya, na maaaring makaalis siya sa lugar na ito ng ligtas.Inilingon niya ang mukha sa natutulog na Leon,
at pinagmasdan iyon.Nakanganga iyon habang nakatihaya, wariy umiilik pa ito.
Napangiti si Kaila at bahagyang natawa sa in-acting ng Leon na ito.Kaila: "Kung naging tao ka lang, an'sarap mo sigurong magmahal noh?" mahina niyang wika.
Pero lingid sa kanya ay gising na gising ang leon na ito.
Pinapakiramdaman lang siya.Kaila: "Bakit kaya sobrang-sobra ang concerned mo sa akin? Mahal mo ba ako?" nakangiti niyang wika ngunit saglit lang iyon, dahil napaismid siya nang sumagi sa isip niya si Lee, ang lalaking tunay na inibig niya.
Napatanaw siya sa malayo.
At tayming namang pagmulat ng mga mata ni Leo.
Leo: "Oo, Mahal kita, Kaila. Kung magagawa ko lang sabihin sa 'yo, paulit-ulit at 'di ako magsasawang ipagsigawan na mahal kita," tugon niya sa dalaga ngunit 'di naman siya naririnig ng dalaga.
Kaila: "Leo... Sana ikaw na lang si Lee, nang sa ganoon, hindi mo ako sasaktan katulad niya. Alam kong kakaiba ka, at alam kong may puwang ako sa damdamin mo," wika niya sa kawalan habang patuloy na nakatanaw sa malayo.
Ibinaba niya ang tingin, at kitang-kita niya ang pamumula ng mga mata ng Leon na ito, habang nakatingala sa kanya.
Leo: "Patawad... kung pinaglaruan man kita noon. Sa totoo lang ibang-iba ka sa lahat. Naguguluhan ako noon. Alam kong mahal kita, ngunit ayaw ko lang tanggapin sa sarili ko ang nararamdaman ko sa 'yo, dahil 'di kita 'binabagay sa sarili ko noon, Kaila." pagsisisi niya.
Sabay upo nito.
Kaila: "'Buti ka pa, kahit isa kang hayop, naiintindihan mo ako. Alam kong nais mong lumuha dahil sa kalungkutang tinatamasa ko," usal niya.
Sandaling bumasag ang katahimikan, habang pareho silang nakaharap sa malayo't nakatanaw.
Kaila: ''Leo, nais ko nang umuwi, tulungan mo ako Please."
Napalingon si Leo sa kanya, na may halong kalungkutan ang buong aura ng mukha.
Nabasa naman ito ni Kaila. Bigla s'yang nakaramdam ng kirot sa damdamin.
BINABASA MO ANG
HARING LEON
FantasySi Leo, si Bob at si Patrick. Anak ng pinaka-mayayamang tao sa kanilang lugar. dahil sa hindi ina-asahang pangyayari, natamo nila ang sumpa mula sa Tribo lakay. Naging Leon sila at namuhay na Mandirigmang Lion sa kagubatan ng Hind. Halik ng tunay na...