CHAPTER 12 - Si Gharrol ang Trayador

98 6 0
                                    

Sumabay pa ang kalikasan sa paghihirap na dinaranas ng mag kakaibigan.

Dahil bigla na lang nagsunod-sunod ang malalakas na kulog sa kalangitan, pati na ang kidlat ay nagsikalatan na sa kalawakan.

Kasunod na humangin ng malakas at biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Kaya't napilitan ang magkakaibigan na tumigil at magpahinga sa loob ng kuweba.

Samantalang ang mga lobong naghahanap sa kanila ay nagsitakbuhan pabalik sa kanilang kaharian.

Walang imik at ni kaunting ingay na nagaganap sa apat na Leon at isang Tegri.

Bagkus magkakatabi lang silang nagmumukmuk na nagdadalamhati sa mga nangyari sa kanila.

Sa nangyari kay Bob, kay Haring Narro, kay Haring Trigo, sa dalawang Reyna, sa mamayang Leon at Tigre, at sa buong kaharian.

Pagkat tuluyan na itong na angkin ng mga Lobo.

Pinailaw ng magkakaibigan ang kanilang mga Cellphone upang magsilbing liwanag nila.

Suwerte naman at may nakahandang panggatong sa loob ng kuweba, na wariy may nakisilong ring kabataan sa lugar na ito noon.

Kiko: "'Buti may lighter ako." at sinindihan iyon.

Pinagmasdan ng magkakaibigan ang limang hayop na ito.

Jaime: "Utang natin ang mga buhay natin sa kanila, ilang beses na nila tayong sinagip."

Jane: "Tama! hindi ko akalain na ganito pala kabait ang mga Leon, and kaila, biruin mong binalikan ka ng leader nila nong mahulog ka, grabe talaga, ang laki ng concerned niya sa 'yo."

Kiko: "Oo nga, may pagtingin 'ata kay Kaila 'yang si Zimba," sabay turo kay Leo habang nakaupo ang Leon na si Leo.

Habang pinagmamasdan ni Kaila si Leo.

Kenneath: "Wala na silang lahat, tatlo na lang kameng natitira sa lahi namin," malungkot niyang wika.

Pero si Leo ay nakatulala lang na tila walang naririnig dulot ng nangyari kay Bob.

Nanzzy: "An'sakit para sa akin na masaksihan kung paano pinatay ng mga lobo ang sarili kung ama, pero sa buhay ng mga Leon at Tigre ay kailangan nakahanda ka sa anomang panganib na darating," nakakahabag ang pagbibigkas niya.

Kasunod nito ang biglang paghagulgul ni Patrick.

"Huhuhuhu."

Hindi na niya nakayang pigilan ang pighating dinaramdam dahil sa nangyari kay Bob.

Pinapatahan na lang siya ni Kenneath at Wrutha.

Pero si Leo, patuloy pa ding wala sa sarili.

Napansin naman iyon ni Nanzzy, kaya't tinabihan niya at ikiniskis ang kanyang mukha sa pisngi ni Leo. Paraan niya upang ipakita kay Leo ang kanyang pag-aalala. Napatingin naman si Leo kay Nanzzy.

At nakangiti ito kay Leo, kaya't ginantian na lang niya ng ngiti.

Ngunit ito'y ngiti ng kalungkutan.

Jane: "Bakit kaya umuungol 'yung cute kong hero? parang umiiyak siya?" nakasimangot niyang wika habang nakatingin sila kay Patrick na patuloy sa pag-ungol.

Kiko: "Obviously, 'di nga maipinta ang mga mukha nila mula pa kanina, na parang binagsakan ng langit, siguro, dahil sa pagkamatay ng isa pang Leon, diba?"

Kaila: "Kasalanan ko ang lahat, kung hindi sana ako nakabitiw, 'di sana walang buhay na magsasakripisyo," aminado naman niyang wika.

Kiko: "Oo nga Kaila, ang malas mo naman, kahapon si Harold nasawi, dahil rin sa 'yo, ngayon naman, 'yong Leon nasawi dahil parin sa 'yo."

HARING LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon