Nagkubli si Jaime sa malaking puno, nang mamataan niya ang tatlong maliliit na lobo.
Pumunta iyon sa ilog at kanila nga'ng natagpuan doon ang babaeng tigre na nakahandusay.
Nagbubulongan pa ang mga iyon, habang nakatanaw sa kanila si Jaime.
Jaime: "Marahil, nag-uusap-usap sila? ibig sabihin may sarili silang wika na tanging sila lamang ang nakakarinig, katulad siguro ng mga Leon?" wika niya sa sarili.
Kasunod nito ang paghila ng tatlong Lobo sa tigre patungo sa may ilog na mabilis namang inianod ng ilog.
Kasunod ay ang paglulundagan na tila nagsasaya sa kanilang ginawa.
Jaime: "Mga walang hiya! Patay na nga, inanod pa nila!" galit na bulong niya sa sarili.
Itinutuk nito ang isang sniper sa ulo ng isang lobo.
Inasintado...
Jaime: "Heto ay para sa tigreng iyan!"
Tsuuugg!
Bumulagta ang isang lobo ng tamaan ng silent na bala at dumugo na lang ang ulo nito.
Nagpalingon-lingon sa paligid ang dalawa na tila natatakot.
Jaime: "Heto naman ay para kay Kaila!"
Tsuug!
Butas ang mata ng isa pang lobo.
Jaime: "Ito naman ay para sa aking mga kaibigan!"
Tsuugg!
Natamaan sa binti ang huling natitira dahil kaagad itong lumundag palayo roon.
Mabagal na ang pagtakbo nito, dahil hirap humakbang ang napuruhan niyang paa.
Pero kaagad sinundan ni Jaime dala-dala ang ilang matataas na klase ng Armas na naiwan noon ng pangkat ni Colonel Romeo Soler ng silay kainin ng mga lobo.
Isinukbit sa kanyang balikat ang malaking Machine gun. Bitbit naman niya ang Basooka. Nakasiksik sa magkabilang gilid ang kalibre 45 at isang patalim na pang sundalo, at nakabulsa ang ilang granada.
Sapat na iyon para gantihan ang ano mang lobong makaharap niya, o 'di kaya'y ubusin ang lahi nila.
Bated niyang ang batang lobong ito ay sa kanilang kaharian patungo.
Humahangos na tumatakbo papunta sa kaharian ng mga lobo ang batang lobong ito.
Nasundan naman siya kaagad ni Jaime dahil sa ingay nito sa pagtakbo habang panay ang ungol nito.
Hindi na niya napansing nakasunod sa kanya si Jaime dahil sa hirap na dinadanas.
Hanggang marating ni Jaime ang lugar. May kalapitan lang pala.
Natanaw niyang nagkukumpulan at masyadong madaming lobo ang naroroon.
kaagad hinagis ni Jaime sa batang Lobo ang combat knife at sapol naman ito sa ulo.
Wala ng nakaalam sa mga lobo tungkol sa pangyayari.
Dahil walang bantay ng mga sandaling ito sa paligid ng kanilang kaharian.
Jaime: "Tila nagsasaya yata sila ah!"
"Pwessss! lasapin niyo ang katapusan niyong lahat!"
"Para naman ito sa aming lahat, pati na ang mga Leon!"
*-*
Samantala, napabalikwas ang Leon na si Kenneath habang nasa gilid ng tabing ilog.
Naalala niya agad lahat ng mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
HARING LEON
FantasySi Leo, si Bob at si Patrick. Anak ng pinaka-mayayamang tao sa kanilang lugar. dahil sa hindi ina-asahang pangyayari, natamo nila ang sumpa mula sa Tribo lakay. Naging Leon sila at namuhay na Mandirigmang Lion sa kagubatan ng Hind. Halik ng tunay na...