CHAPTER 15 - Malawak na ilog

103 4 0
                                    

Panay ang ungol ni Patrick habang nangangati ang katawan nito.

Nagpabalibaligtad pa siya sa lupa, hanggang sa kanyang maramdamanan ang isang...

Paaakkk!!

Binatukan siya ni Leo ng mapadaan ito sa kanya, sabay harap ng mukha ni Patrick sa kanya.

"Halik ng tunay na pag-ibig ang magpapakawala sa sumpa, hindi halik ng kalokohan!" Masungit na wika ni Leo.

Patrick: "Ikaw naman, Leo. Parang nagbibiro lang ehhh, Napahiya kasi ako kay Jane, kaya't nagkunwariy lang akong mawawala na ang sumpa."

Kenneath: "Kahit kailan ka talaga Patrick, ang kwela mo," natatawa pa niyang wika habang nakatingin sa dalawa.

Napanganga na lang si Jane at Kiko habang nakamasid sa kanila, at magkasabay na napatawa dahil sa pagbatok ni Leo kay Patrick.

Kiko: "Jane, ano ang lasa ng halik ng Leon? Masarap ba? Hahahaha," pang-aalaskador niya.

Jane: "Actually, hindi masarap, magaspang ang lips niya, pero mas okay naman ang halik ng isang Leon kesa halik ng isang unggoy Hhhhmmp," sabay irap nito kay Kiko.

Kiko: "Oy Jane, Bakit nahalikan na ba kita? at bakit panay ang tawag mo sa akin ng unggoy? siguro crush mo ako no?" pabirong bulyaw niya kay Jane.

Jane: "Kahit ikaw na ang huling lalaki sa mundo, hindi ako magkaka-crush sa 'yo, hhmp," sabay irap nito ulit kay Kiko.

Kiko: "Bakit? hindi rin naman kita type ahhh... Asa ka pa," Biruan ng dalawa.

Nasanay kasi silang minsan na nagbibiruan ng ganito.

Habang nakatitig naman si Patrick.

Kenneath: "Dude Patrick, Nagseselos ka yata a?"

Patrick: "Ako? Magseselos? sa Unggoy na iyon. Dude Kenneath, Kung hindi mo naitatanong, Super Crush ako ni Jane. Si Fat Ricky Hereras ng Puppyboys. Nababaliw 'yan sa akin, pero sayang hindi niya alam, na nandito lang ako sa harap niya," pagyayabang pa niya.

Kenneath: "Ganoon ba 'yon? sige nga kwentuhan mo nga ako, hanggang ngayon 'di ko pa alam ang Kwento ng PUPPYBOYS."

Seryoso niyang tanong, dahil nais niyang gumawa ng ingay upang matuon ang pansin ni Leo sa kanila, dahil pansin na pansin ni Kenneath ang kalungkutan ni Leo habang nakaupo't nakalatag sa magkabilang kamay ang baba

ONCE UPON A TIME...

Sa Masayang mundo ng mga tao, doon masayang namumuhay ang sikat na Grupong tinawag na PUPPYBOYS, para raw kasi kaming mga Tuta na sadyang nakakaakit sa puso ng sinumang kababaihan.

Tatlong tunay na magkakaibigan. Walang ibang iniintindi kundi magpakasaya. Namuhay sa marangyang buhay, at iginagalang ng sino man. Pinapangarap ng bawat kababaihan, at kinatatakutan ng bawat kalalakihan.

Si Leonardo Guerero...

Ang Pinaka Guwapo. Tinawag sa Nickname na Lee, You kno why? As in Lee... Bagay na bagay sa pang poging pangalan na katulad niya, parang Korean boys... halos lahat Lee na.

Sabi ng mga Girls,. Ang Gwapo raw niya, Mganda ang hubog ng pangangatawan. Matitigas ang mga muscle. Matipuno. Pangkoreano ang gupit at itsura. Astig at Suplado ang mukha, pero nagpapatunaw sa bawat girls ang mga titig niya.

Para siyang isang tigre na 'pag naiirita ay mahihintakutan ka sa hugis ng mukha 'pag nagagalit. Mala Prensipi rin ang pamumuhay. Sila ang pinakamayaman sa lugar na iyon.

Halos lahat ng lupaing nasasakopan o iba't-ibang negosyo ay pag-aari nila. Ganoon si Leo, pero Suplado, hindi namamansin, pero mapili siya sa mga babae. Gusto niya 'yung mga highest level. Madami rin namang nakapila sa kanya, kaya nga every week iba-iba ang babae niya, pero ayaw niyang maglaro ng mga babaeng mahihirap, dahil nagkakaroon siya ng awa roon, pero sa 'di sinasadya, biglang dumating sa buhay niya si Kaila. Ang nagpabago ng pananaw niya tungkol sa pag-ibig.

HARING LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon