Tuloy-tuloy ang tatlo sa paglalakad sa kabuoan ng nayon ng Tribu Lakay.
ang mga katutubong inubos ng mga Sundalo.
Leo: "Bob, Patrick, May Malaking Bangin rito," Sigaw niya sa dalawa ng marating niya iyon, samantalang ang dalawa ay magkasunod na nasa likuran ni Leo.
At bahagya namang tumakbo ang dalawa upang tingnan iyon.
Bob: "Oo nga!, Ano kaya ang nanjan?"
Patrick: "Baka may Halimaw jan mga Dude!" at Humakbang ng pababa si Leo.
hindi naman kalakihan ang Bangin, at Ginamet nila ang nakalagay na hagdanan roon upang bumaba. sumunod naman ang dalawa kay Leo.
Bob: "May Kuweba?" takang tanong ni Bob.
Patrick: "'Andilim ng Loob! nakakatakot! Ano kaya ang meroon d'yan?"
inilabas naman ni Leo ang Flashlight niya mula sa suot niyang bagpack.
At nag-umpisang humakbang papasok.
Maya-maya'y nasa loob na sila ng madilim na kuwebang iyon.
Leo: "Hindi kalakihan ang Kuweba!" wika niya sa dalawa. hanggang sa tumama ang kanyang Flashlight sa isang Rebulto, na nasa ibabaw ng isang malaking Bato.
Patrick: "Hoy! Mga Dude! Gold iyan ahh!" nakangiti niyang wika.
Bob: "Isang Anito Patrick! ang diyos diyosan ng mga katutubong ito."
At muling humakbang si Leo at inakyat ang batong iyon na sinundan naman ng dalawa.
Hanggang sa marating nila iyon.Sinuri ni Leo ang bawat bahagi ng Rebultong Gold na iyon.
Leo: "Isa itong malaking kayaman, kung nadiskubre lamang 'to ng ibang tao, maaaring tangkain nilang nakawin ito."
Patrick: "Baka 'yong mga NPA na umubos sa mga katutubong ito, pero baka hindi nila ito nakita," hula naman niya.
Bob: "Ano naman kaya 'yang nakasabit na maliit na Lubid sa Leeg ng Anitong iyan."
Patrick: "Oo nga dude Leo, may ilang patak pang tubig na nakabalot sa plastic at may papel pa, Ano kaya iyan," pagtatakang tanong rin niya.
Leo: "Hindi ko alam," at binuklat niya ang papel, at itinapat ang Flashlight, pero 'di nila mabasa ang mga nakasulat.
Bob: "Umalis na tayo rito Leo at dalhin na natin iyan! Baka mamaya, bumalik pa ang mga NPA na iyon o mga sundalo."
Leo: "Dadalhin ba natin 'to?"
Patrick: "Oo dude Leo!, Kayamanan iyan!," bakas sa mukha niya ang pananabik na maangkin nila iyon.
Bob: "Tama! ngayon minasaker ang mga Katutubo, baka iba pa ang makinabang niyan."
Leo: "ibig sabihin, nanakawin natin ito!"
Bob: "Hindi naman sa nanakawin, eh, Kesa naman sa maangkin pa ng ibang masasama ang loob."
Leo: "Hindi maaari, wala sa isipan ko ang magnakaw," tanggi niya sa dalawa.
Patrick: "Kung gusto mo dude Leo, eh ibigay nalang natin iyan sa Museum."
Bob: "Tama, Leo, kung ayaw mong pakinabangan natin iyan, eh ibigay natin sa kinauukulan."
At Nagulat na lang ang Tatlo ng marinig nila ang sunod-sunod na Putok ng mga Armas. ngunit pakiwariy nila nasa malayo ang mga Sundalo man iyon o NPA. lingid sa kanilang kaalaman, iyon 'yong mga oras na Kinakain ng mga Lobo ang mga Sundalo.
Leo: "Sige! Lumabas na tayo! at dalhin natin ang Anitong ito, bago pa tayo maabutan ng mga Sundalo o NPA-ing iyan."
At Pinagtulungan ng Tatlo na Buhatin at ibaba sa Malaking Batong iyon ang Anito.
BINABASA MO ANG
HARING LEON
FantasySi Leo, si Bob at si Patrick. Anak ng pinaka-mayayamang tao sa kanilang lugar. dahil sa hindi ina-asahang pangyayari, natamo nila ang sumpa mula sa Tribo lakay. Naging Leon sila at namuhay na Mandirigmang Lion sa kagubatan ng Hind. Halik ng tunay na...