Papasok na sa kaharian ng mga Leon at Tigre ang tatlong magkakaibigan kasama ni Nanzzy, Kenneath at Wrutha.
Ang kanilang Lugar ay medyo may kataasan. Malalaking bato ang pumapaligid rito na parang hills. May ilang Puno sa kanilang Kaharian. Sa kababaan naman nito naroroon ang nagsisilakihang punong kahoy.
Habang binabagtas nila ang lugar ay maraming kawal na leon at tigre ang nagbabantay at nakapalibot sa kanilang Lugar.
Binabati nila lage ang Prensesang si Nanzzy.
Ang lahing leon at tigri sa kagubatang hind ay magkapated na lahi, dahil nanggaling sa iisang angkan, ngunit may maraming bilang ang Leon at ang tigre ay iilan lamang.
Ang Haring Narro ang siyang namumuno sa dalawang Lahi.
Ang Haring Trigo naman ang hari ng mga Tegri, na kanang kamay naman ni Haring Narro, ngunit hindi siya maaaring mamuno sa mga Leon, dahil kinagisnan nila na ang anyo o lahing Leon lamang ang siyang dapat mamuno, pagkat sila ang itinuturing na hari ng kagubatan at inirerespeto't kinatatakutan ng lahat ng uri ng hayop sa gubat liban lamang sa mga Lobo na ayaw kilalanin ang pamumuno nila.
Kaya si Leo ang napipisil ni Haring Narro na mamuno sa mga Leon at Tigre kung siya ay papanaw sa anomang oras.
Mas hamak na malalakas sa lahat ng kahayupan sa Gubat ang mga Leon, 'di katulad ng sa mga Tigre na walang kalaban-laban sa mga mababangis at malalaking Lobo, kaya't nalalagasan sila lagi sa bawat digmaang nagaganap sa pagitan nila.
Patrick: "Hay! Magandang araw po mga kaibigang Leon at Tigre," bati ni Patrick habang dinaraanan ang bawat kawal sa kababaan ng kaharian.
Hanggang sa marating na nila ang taas ng kaharian. Malawak ang lugar at maraming kuweba na pumapalibot sa malawak na kahariang ito.
Ang mga kuweba ang siyang mga tahanan nila.
Bob: "Ito na ba ang kaharian niyo?"
Kenneath: "Ito na nga!"
Leo: "Marami pala kayo rito!"
Patrick: "Wow dami nga nila rito mga dude, may mga batang Leon at Tigre pang naglalaro!" mangha niyang wika.
Bob: "Mukhang nagkakasiyahan ah!"
Patrick: "Oo nga dude, nakakamangha naman, nag-iindakan sila't nagsasayaw! ha-ha-ha. Marunong palang sumayaw ang mga hayop na ito!"
Nanzzy: "Oo, masaya ang kaharian naming ito. Araw-araw nilang ginagawa iyan upang libangin ang mga batang Leon at tigre lalong-lalo na ang mga sarili nila."
Patrick: "Anong sayaw kaya 'yang sinasayaw nila at sino naman ang Limang Leon na iyon."
Turo niya sa Limang Leon na umakyat sa malaking bato, ang kanilang entablado.
Kenneath: "'Yan ang Jacksons 5 namin rito, mga mang-aawit ng lahi"
Patrick: "Talaga! Alam niyo rin pala ang mga Hollywood singer," nangingiti niyang wika.
Kenneath: "Oo naman, kahit mga ganito kame, marami kaming alam."
Patrick: "Nice one! Mag-eenjoy yata ako sa inyo rito."
Bumirit na sa kantahan ang Limang Leon, at tilian naman at lalong naglulundag ang mga Leon at Tigre.
Nakilundag at nakitili na rin si Patrick.
Wrutha: Ayon si Harring Narro at Haring Trigo," turo naman niya.
Nanzzy: "Hali kayo! Upang makilala kayo ni Haring Narro at ng aking amang si Haring Trigo."
BINABASA MO ANG
HARING LEON
FantasySi Leo, si Bob at si Patrick. Anak ng pinaka-mayayamang tao sa kanilang lugar. dahil sa hindi ina-asahang pangyayari, natamo nila ang sumpa mula sa Tribo lakay. Naging Leon sila at namuhay na Mandirigmang Lion sa kagubatan ng Hind. Halik ng tunay na...