Mabagsik ang tingin ng Trayador na Leon na ito kay Leo, wariy naghahamon ito ng labanan sa kanila.
Gharrol: "Natagpuan din kita! P*n*yt*ng Leon!'' galit niyang wika, habang sinisipat ng tingin si Kaila.
Leon: "Anong kailangan mo Trayador?" sagot naman niya ka agad.
Gharrol: "Nais kong patayin ang babaeng iyan! nang sa ganoon, hindi ka na makabalik pa sa pinapangarap mong buhay. Tatanda ka na't dito mamamatay sa pagiging Leon!"
Leo: "Hindi mo magagawa 'yan, Dahil nandito ako! Kailanma'y 'di ko hahayaang may manakit sa taong minamahal ko!"
Gharrol: "Ikaw ang naging dahilan kung bakit nasira't naubos ang bilang ng mga Leon! Kaya't dapat lang na iganti ko ang sarili kong angkan."
Leo: ''Isa kang Ulol Gharrol! Ikaw ang nag-pahamak sa sarili mong Angkan! kaya't 'wag mong baliktadin sa akin ang kahangalan mo!"
Gharrol: "Pwes! Sige ako na nga! Ngunit dahil sa inagaw mo lahat ng dapat ay sa akin! Kaya't ngayon! 'Di bali nang maibuwis ko ang buhay ko! Mapatay ko lamang ang babaeng iyan!"
At matatalim na tingin ang itinapon niya kay Kaila, sabay labas ng mga pangil nito, na naging dahilan upang mapa-atras sa takot si Kaila! sumulong naman si Leo upang mailagay sa likuran ng kinatatayuan nyia si Kaila.
Aaaaaarrgggghhh
Lumukso si Gharrol sa kanan ni Leo upang makakuha ng lusot patungo kay Kaila.
Kaagad siya nilundagan ni Leo, upang kanya itong magapos sa pakikipaglaban, ngunit nakalukso ulit si Gharrol patungo sa tabi ni Kaila, Naisahan niya si Leo.
Gharrol: "Whahaha! Patay ka na sa akin babae!" at pinalaki ang bunganga bilang pananakot kay Kaila. Natakot naman ang dalaga, kayat napa-atras na lang ito, 'di niya alam kong ano ang gagawin niya. Bated niyang masamang Leon ang kaharap niya ngayon, hindi katulad ng limang Leon at isang Tigre na naging tagapagligtas pa nila.
Luluksuan na sana ni Gharrol si Kaila, nang matigil ito sa ere at bumagsak sa lupa.
Naabot ng bunganga ni Leo ang kanyang buntot at buong lakas na pinaghihila, dahilan para 'di niya makagat si Kaila.
Lumayo naman si Kaila sa dalawang Leon na naglalaban.
Malakas si Leo at magaling kaya't lagi niyang napapabagsak si Gharrol.
Leo: "Ano! Wala ka naman palang binatbat ehhh! Hanggang salita ka lamang magaling!" wika niya habang nakatingin kay Gharrol.
Samantalang pinipilit tumindig ng matuwid ang napuruhang Leon sa pagtatagisan nila ng lakas.
Nang biglang umagaw sa kanilang eksena ang paglukso sa pagitan nila ng higanteng Lobo na kakaiba pa din ang itsura.
Si Breewar. Tayong-tayo ang balahibo nito sa galit! At animoy kumukulo ang dugo nito sa dalawang Leon.
Nagpalipat-lipat ang mukha niya sa dalawa kung sino ang uunain niya.
Bated niyang mas malakas siya kesa sa kanila.
Nagulat naman ang dalawa, at napaatras ng mabilis si Gharrol.
Pero si Leo ay 'di nagpatinag sa nakakatakot na Lobong ito.
Breewar: "Maswerte naman at nagkita-kita tayo rito. Alam niyo bang inubos ng isang matapang na tao ang aking mga kasamahan! At ngayon! Parang sasabog na ako kapag 'di ako nakakapatay." Dumadagondong niyang tinig.
Habang napako na lang ang tingin ni Kaila sa kanila.
Leo: "Mayabang na Lobo! Tama lang sa inyo ang nangyaring iyon! Pagkat ang mga kampon ng kasamaan dapat 'di na binubuhay pa sa mundong ito!" singhal niya kay Breewar na mas ikinagalit nito.
BINABASA MO ANG
HARING LEON
FantasySi Leo, si Bob at si Patrick. Anak ng pinaka-mayayamang tao sa kanilang lugar. dahil sa hindi ina-asahang pangyayari, natamo nila ang sumpa mula sa Tribo lakay. Naging Leon sila at namuhay na Mandirigmang Lion sa kagubatan ng Hind. Halik ng tunay na...