CHAPTER 5 - Pag-akyat nila Leo sa bundok

112 6 0
                                    

Pinaligiran ng apat na lobo ang kotseng iyon, habang nanginginig ang apat sa loob ng kotse.

halos nagdikit-dikit na sila sa Gitna dahil sa pangambang masira ng mga lobo ang mga bintana ng Kotse at maabutan sila ng bunganga ng mga ito.

habang patuloy na lumuluha ang dalawang babae sa takot at sa nangyari sa kanilang kaibigang si Harold.

Sunod-sunod na binabangga ng mga Lobo ang mga Glass window ng car upang mabasag.

Jane: ''Kiko! Jaime!, mag-isip kayo ng paraan! Baka tuluyan nilang mabasag iyan! At makain pa tayo," hestirikal niyang wika!.

kitang-kita sa mababangis na lobo ang mga matatalim nilang mga pangil, mapupulang mata't nanlilisik, at tayong-tayo nilang balahibo dahil sa galit at pagnanasang makain ang apat.

Jaime: "Kiko!, dito ka!," at nagpalit sila ng upuan.

sunod-sunod niyang pina-start ang kotse tulad ng ginawa ni Kiko, pero ayaw talaga, namamatay-matay ito.

Hanggang sa pindutin niya ang busina ng Car.

Umingay ng malakas ang busina na gumulat sa mga lobo. nagtaka ang mga lobo at bahagyang lumayo sa kotse.

Kiko: "Takot sila sa Busina?!"

Jaime: "Na-iingayan lang siguro sila. nanganganib tayo rito!, dahil ayaw tayong lubayan ng mga 'yan!,"

Kaila: "Sa palagay ko! Maliliit pa na mga lobo ang mga 'yan, mga batang Lobo!"

Jaime: "Tama ka kaila, may mas malalaki pa niyan! at kailangan nating makaalis dito bago pa sila magsidatingan!."

Kaila: "So paano tayo makakaalis? inaabangan nila ang paglabas natin!,"

Jaime: "Iwan ko"

Sa tuwing lumalapit ang mga Lobo ay s'ya namang pagbusina ni Jaime na nagiging dahilan upang muli silang lumayo't pagmasdan na lang ang apat na magkakaibigan.

*-*

Ang Nakaraan..

Magkasama sa skating ang Tatlong magkakaibigan sa loob ng isang Mall.

Plllaaaaggggg!!

Bagsak si Leo at ang nakabangga niyang nag-eeskating din.

Tumayo si Leo..

Leo: "Hoy! 'Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo! Gusto mo bang basagin ko 'yang mukha mo!" sabay hawak sa collar ng T-shirt ng lalaki at hinila patayo, sabay aksyon ng kamao niya.

Lalake: "Pasensya na po! eh kayo po kasi ang 'di tumitingin sa dinadaanan niyo eh," nagkakanda-utal niyang wika sa takot.

Leo: "Sinisisi mo pa ako ah!" bulyaw niya sa lalake.

Bob: "Tama na 'yan Leo, ka school mate 'ata natin 'to," sabay awat kay Leo at kumalma naman siya.

Sigey na, umalis ka na rito, bugaw ni Bob sa lalaki, tumalikod ang lalakit mabilis na lumayo, at nagpatuloy sila sa skating.

Patrick: "Leo, lumilipad-lipad talaga ang diwa mo, kaya nakakadisgrasya ka na."

Bob: "Bakit ba Leo? at nagkakaganyan ka?"

Leo: "Wala 'to mga Dude!"

Patrick: "Guess what?!" sabay na napatingin ang dalawa kay Patrick.

"Dahil 'yan sa Girl na iyon na binreak mo dude Leo, tama ba?" nakangiti niyang wika sa dalawa.

Bob: "Ibig bang sabihin Patrick eh, tinamaan si Leo sa simpling babaeng iyon," pambibiro rin niya.

Patrcik: "Ano pa nga ba dude," habang natatawa.

Leo: "Hindi ah!, Naawa lang ako sa kanya,"

Bob: "Naawa ka? Kailan ka pa natotong maawa sa babae," pambibiro pa din niya sa kaibigan.

Patrick: "Oo nga dude Leo, aba, delikado 'yan dude, nahulog na yata ang loob mo sa kanya noh?!"

Leo: "Hindi nga sabi eh!, at hindi sa katulad niya ako iibig, alam niyo ang taste ko pagdating sa babae, tepo ko lang eh 'yung ka-level ko, hindi 'yung katulad niya ka simpli."

Patrick: "Eh diba, karamihan sa pogi't anak mayaman na katulad natin, eh sa simpling babae lamang bumabagsak, diba Leo?"

Leo: "Iwan ko sa inyo!, sabi ko na ngang, 'wag pagpustahan eh, inosyente ang babaeng iyon, kaya't dinamdam niya masyado ang break up namin."

Bob: "tama na 'yan!, so Leo, Tuloy ba tayo tomorrow sa Mountain Climbing natin?"

Leo: "Kayo, kung ano gusto niyo, sunod-sunuran lang naman ako sa mga kalokohan niyo."

Patrick: "Dapat lang, mga dude, Gusto ko kayang marating ang tuktuk ng Mountain na iyon, at pagmasdan ang kabuoan ng siyudad."

Kinabukasanng hapon..

Magkakasama ang Tatlo sa paglalakbay sa kagubatan ng Hind at pag-akyat sa mga Bundok na iyon.

Hanggang sa Ginabi sila't doon na rin natulog, gamet ang kanilang mga Tent.

Pagsapit ng bukang Liwayway, ay nagpatuloy na naman sila sa paglalakbay.

Hindi nila alam na medyo napapalapit na sila sa Nayon ng Tribu Lakay ng umagang iyon, nang marinig nila, ang sunod-sunod na Putok.

Iba't ibang malalakas na armas ang pakiwari nila'y kinakalabit ng kung sino-sino.

Patrick: "Ano 'yun? Mga dude?"gulat at taka niyang tanong sa dalawa. habang nagkatititigan sila.

Bob: "Giyera! Mga NPA siguro?!" taka rin niyang wika.

Leo: " 'Buti pa, puntahan natin ng malaman naman natin!"

Patrick: "Hindi ba? Mapanganib jan mga dude?!" halata sa kanya ang takot.

Leo: "Duwag mo talaga patrick!" inis si Leo sa tinuran ng kaibigan.

Bob: "Oo nga Leo, sa tantiya ko'y Granada't Machine Gun pa ang karamihan sa ingay ng mga armas na iyan, baka mamaya matamaan pa tayo ng Ligaw na bala."

Leo: "Kung ayaw niyong sumama, eh ako lang," at tinalikuran ang dalawa't tinungo ang kinaroroonan ng putukang iyon.

Nagkatitigan na lang si Bob at Patrick at sinundan na lang nila si Leo.

Pagdating nila sa Nayon ng Tribu Lakay, ay 'sakto namang kaka-alis lang ng mga Sundalo't nakalayo na sa Lugar na iyon.

Nagulat ang Tatlo nang tumambad sa kanila ang nangyari sa Lugar na iyon.
Animoy dinaanan ng napakalaking Delubyo.
Halatang Pinasabug ang Lugar na iyon.

Nakakalat pa din sa bawat sulok ang mga katawan ng mga katutubong iyon habang nakahandusay.

karamihan ay putol-putol na may ilan namang sunog na, pero ang apoy sa Nayon na iyon dulot ng mga sundalo ay tila tumila na.

Bob: "Grabe 'yan! Nakakaawa naman sila?" habang nandidiri sa pagmamasid sa katawan ng mga taong iyon.

Leo: "Sa palagay ko.. mga sundalo ang may kagagawan nito sa kanila." mahinahon niyang wika.

Bob: "Pero bakit kaya? wala namang Puso ang gumawa sa mga katutubong ito!"

Patrick: "Baka, may kaaway na ibang katutubo, ta's sila ang gumyera sa mga ito," hula naman niya.

Leo: "Hali kayo!, Suyurin natin 'to," habang patuloy sila sa paglalakad.

Patrick: Dude! Dapat malaman agad ito ng mga awtoridad, para mahuli ang may kagagawan nito sa kanila.

Nagpatuloy sila sa Pag-ikot sa buong Nayon, habang hawak-hawak ni Bob ang Video Cam at nererecord ito upang ipakita sa mga Pulis sa kanilang pagbabalik...

ITUTULOY..

HARING LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon