CHAPTER 13 - Sa Loob ng Kuweba

108 5 0
                                    

Unti-unti nang lumalapit ang mukha ni Leo kay Kaila, ngunit bahagyang gumalaw ang ulo ng dalaga, kaya't nahinto si Leo sa kanyang gagawin. Bagkus, pinagmasdan ng panandalian ang mukha ni Kaila.

"Simpli lang 'yong kagandahan niya, ngunit iwan ba't sa lahat ng babaeng pinaglaruan ko, siya lamang ang nakakalamang, gayong wala sa katangian niya ang babaeng nais kong iharap sa altar," anang isip ni Leo.

Maituturing na isang Prensipe ang katayuan sa buhay ni Leo. Dahil ang mga magulang niya ang top Billionaire sa kanilang bansa.

Tinitingala, at pinapangarap ng maraming kababaihan si Leo. Dahil bukod sa mayaman na, eh guwapo pa. 'Yon nga lang lumaking spoiled, 'di rin naman hadlang ang mga magulang niya kung sino ang pipiliin niyang babae sa buhay niya.

Ngunit Ang klase ng mga babaeng ginagawa lang niyang laruan ay ang mga babaeng may popularidad sa kanilang pamayanan o 'yong anak mayayaman din, kaya't lingguhan lang sa kanya ang mga babae.

Ngunit si Kaila lamang ang babaeng naging nobya niya na nagpababa ng kanyang dignidad.

Dahil nga sa naiiba si Kaila sa lahat ng babaeng nakalinya sa kanya.

Mahirap lamang si Kaila. Broken Family. Simpling dalaga, small pero cute naman, at ang kaaway ni Leo sa simula ng pagkakakilala nila. Para silang aso't pusa sa umpisa, at hindi tumalab si Leo kung ano man ang meroon sa kanya kay Kaila, 'di tulad ng lahat na nirerespeto si Leo.

Ngunit dahil sa tukso ni Bob at Patrick kay Leo at inaasar nila ito, kaya't niligawan niya si Kaila. 'Ayon din sa kanilang pustahan, na walang babaeng 'di niya mapapaibig, kahit si Kaila man ito, ang kauna-unahang babaeng nagpatikim sa kanya ng suntok sa mukha.

"Sana dumating ang araw, na maramdaman mo kung gaano kahalaga ang pagmamahal," 'yon ang isa sa mga huling sinabi ni Kaila kay Leo noong break up nila.

At tama nga naman. Dahil sa loob ng isang taon sa kanilang kalagayan bilang mga Leon ay walang araw na 'di sumagi sa isip niya, na sana may dumating man lang na babae sa gubat, na magpuputol ng sumpa... na mamahalin siya.

Pero lahat ng napapadpad doon ay puro natatakot sa kanila, na kaagad tumatakbo ng mabilis palayo sa mga Leon.

Inilapit ni Leo ang mukha sa jacket na nagsisilbing kumot ni Kaila. Jacket iyon ni Jaime na kanyang ibinalot sa dalaga habang ito'y tulog.

Hnila pataas ni Leo hanggang leeg, dahil bated niyang nakakaramdam ito ng ginaw.

At humakbang na papunta sa labas si Leo.

Saka naman iminulat ni Kaila ang mga mata.

Sinundan ng tingin si Leo, at labis ang pagtataka sa inasal ng Leon na iyon sa kanya.

Ngunit 'di niya maitatangging, malapit ang loob niya rito. Siguro nga, dahil nagsilbing tagapagligtas niya ito.

Patrick: "Alam mo Leo, pagkakataon muna ito, upang maputol ang sumpa," habang nangunguha silang dalawa ng prutas.

Leo: "Bakit mo naman nasabi?"

Patrick: "Dahil nandiyan na si Kaila, puwedi ka niyang halikan."

Leo: "Halik ng tunay na Pag-ibig ang kailangan."

Patrick: "Oo nga, eh diba minahal ka naman niya, at minahal mo din siya?"

Leo: "Hindi ah! Kahit kailan hindi ko siya minahal, at hindi siya ang klasing babaeng mamahalin ko habang buhay."

Patrick: "Ay soos Leo, ibaba mo na nga ang pride mo. Iba ka na ngayon, hindi na ikaw 'yong dating Leo na tinitilian ng mga kababaihan. Ikaw na ngayon ang nangangailangan ng pagmamahal, at saka, alam ko naman na kaya ka nagyaya na ipanguha sila ng prutas eh dahil kay Kaila, oh diba?"

HARING LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon