WALANG kangiti-ngiting inilatag ni Kaykay sa mesa ang mga dapat nilang gawin. Hindi pa rin siya makatingin nang deretso kay Zeus mula nang mangyari ang insidente sa loob ng sasakyan nito. Pero ang mokong, nag-e-enjoy yata na pag-trip-an siya.
"May specific size ba sa mga lalaki para makagawa ng baby?" tanong nito sa kanya.
"Specific what?"
"Specific size. Kasi 'di ba, you studied Biology so I think may alam ka sa mga ganoon," wika nito.
Kinalma niya muna ang sarili bago ito sinagot. "Alam mo, 'yan ang isa pang dapat mong baguhin sa 'yong sarili. Bawas pogi points ang ganyang ugali."
"Nagtatanong lang naman ako. Ano'ng masama doon? At isa pa, kailangan kong maging familiar sa field ninyo. Para hindi ako magmukhang tanga kapag kami na ni Camille."
Pumikit siya at hinarap ito. "Talaga bang seryoso ka sa Camille na iyon?"
"Ano ka ba Kaykay? I thought you were smart. You disappoint me."
"Naniniguro lang ako. Ayaw kong maging kasangkapan sa mga kalokohan mo. Mahirap labanan ang guilt," aniya.
"Don't worry. Seryoso ako. She's the one I would want to take to the altar. Alam kong hindi kapani-paniwala, but there's something different in her."
Itinirik ni Kaykay ang mga mata. Nakangiti kasi si Zeus at parang nananaginip nang gising.
"Different kasi hindi ka niya pinapansin. Naiiba nga siya sa lahat ng babae mo na isang kalabit lang hihiga kaagad."
"You hit the nail straight on the head. But I don't see her as a challenge. I think...I've fallen in love with her."
Parang tinusok ng kutsilyo ang dibdib ni Kaykay dahil sa sinabi ni Zeus. Mukhang in love nga talaga ito kay Camille. Hindi pa niya nakikita si Zeus na umaakto ng ganito noon. Sumama ang loob niya sa naisip.
"'Nga pala, aalis muna ako ngayon. Mamaya pagbalik ko, saka mo na i-discuss sa akin ang gagawin natin." Tumayo ito, saka nilaro-laro sa kamay ang susi ng sasakyan nito.
"Saan ka pupunta?" usisa niya.
"May date ako."
Date? Ang akala ba niya ay seryoso ito kay Camille? Pero bakit makikipag-date na naman ito?
"Sige, makipag-date ka hanggang sa gusto mo. Sa akin ka rin naman babagsak sa huli," usal niya habang pinagmamasdan ang sasakyan nitong papalayo. Yayayain niya sana itong samahan siya sa salon pero nagbago na ang isip niya. She wants to surprise him with her new look later. Titingnan niya kung ano ang magiging reaksiyon nito.
MAG-ISA lang si Kaykay na pumunta sa salon para sa kanyang make over. Dapat ay magandang-maganda siya mula ulo hanggang paa. Titiyakin niyang makukuha niya ang atensiyon ni Zeus mula kay Camille.
Pina-rebond niya ang kanyag buhok at pinakulayan iyon ng light brown. Pina-ayos niya rin aang gupit niyon at isinunod niya iyon sa uso---ang layered hairstyle. At ang resulta, girly and sophisticated. Nagpa-linis rin siya ng kuko sa kamay at paa. At dahil hindi magandang tingnan sa isang guro na may kulay ang kuko sa kamay, colorless lang ng inilagay niya roon.
Pagkatapos, nag-shopping siya ng mg damit at sapatos. Bumili rin siya ng damit na isusuot niya bukas para magsimba. Medyo gumastos siya ng malaki pero sulit naman iyon dahil nagustuhan niya ang kanyang transformation.
She went up to the second floor of the shopping mall. Papaliko na siya sa pasilyo nang biglang siyang may nakasalubong na babae at nabangga siya nito. Mabuti na lang at nabalanse niya ang kanyang katawan.
"I'm sorry, Miss," paumanhin nito.
Nagulat pa siya nang makilala ito, lalo na ang kasama nitong lalaki. "Camille? Zeus?" Magkasama pala ang mga ito.
"Do I know you?" tanong ni Zeus. Sinuri pa siya nito mula ulo hanggang paa.
Taas-noo siyang tumingin sa mga ito. Sinuyod naman siya ng mapanlait na tingin ni Camille. Even though Camille was beautiful, smart and petite, alam niyang may hindi maganda sa pag-uugali nito. Maldita ito at mapanlait. She was also possessive. Nakita niyang mahigpit ang kapit nito sa braso ni Zeus. 'Tapos halos lumabas ang pangil nito habang nakatingin sa kanya---na tila nagbabanta na kakagatin siya nito kapag inagawa niya mula rito si Zeus.
She eyed up at Zeus. Gwapong-gwapo ito sa porma nito.
"Excuse me, Miss. May pupuntahan pa kami ng kasama ko," sabi ni Zeus, saka maingat na inakay si Camille papalayo.
Nanlalambot na napasandal si Kaykay sa sementadong dingding ng mall. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o magagalit. Wala na siyang pag-asa kay Zeus. Lalo na't si Camille lang yata ang babaeng nakikita ng mga mata nito.
Bahala ka kung gusto mong makipaglandian, sira-ulo ka, sa isip niya. Kahit naman harangan niya ng espada at sibat si Zeus, kung gusto nitong makipagkita kay Camille ay wala siyang magagawa. Alam niyang hahanap ito ng paraan para sa gusto nitong gawin.
Nagtutubig ang mga mata siyang bumaba sa shopping mall. Naglakad siya at tatawid na sana ng kalsada nang bigla na lang siyang nakarinig ng malakas na busina ng sasakyan. Huli na para iwasan niya iyon. Nakaramdam siya ng malakas na impact sa kanyang tagiliran.
BINABASA MO ANG
ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23
Romance"Naka-diaper pa lamang tayo, alam kong ikaw na ang nakatadhana para sa akin." Hiniling ng kanyang tiyahin kay Kaykay na baguhin ang ampon ng mga ito na si Zeus. Masyado kasing arogante ang lalaki. Hindi ito pumupunta sa simbahan. Dakila rin itong ta...