FINALE:

733 27 1
                                    

NAGLALAKAD si Kaykay pauwi sa kanilang bahay. Alas-singko na ng hapon, at masarap maglakad-lakad dahil papalubog na ang araw. Kagagaling lang niya sa bahay ng isang co-teacher niya para lang palipasin ang araw ng pagdating ni Zeus. Inaamin naman niyang nami-miss niya ito. Pero hindi magandang ideya na makikita nga niya ito, may kasama naman itong ibang babae.

Nang makarating siya sa kanilang bahay ay parang ayaw niyang pumasok doon. Wala roon ang kanyang mga magulang dahil nandoon ang mga ito sa bahay ng Tita Rose niya. Maaga ang mga itong umalis at sobrang excited ang mga ito.

Pabagsak siyang naupo sa sofa nang makapasok sa bahay nila.

"Kaykay."

Hindi nakagalaw si Kaykay sa kinauupuan nang marinig niya ang boses ni Zeus. Sigurado siyang si Zeus iyon. Nakompirma niya iyon nang makabawi siya sa pagkagulat at nilingon ito.

Ngumiti sa kanya si Zeus. Parang tambol naman ang naging pagtibok ng kanyang puso.

"What are you doing here?" usisa niya rito.

"I just arrived. Pumunta kaagad ako rito dahil sobra na kitang na-miss. How are you?" tanong ni Zeus na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Mabuti," maikli niyang tugon dito. Kaagad siyang tumayo nang makalapit ito sa kanya. Hindi niya alam kung paano kumilos sa harapan nito. Zeus looked more handsome. Mukhang hiyang na hiyang ito sa Australia. Pero nang maisip na ikakasal na ito ay parang bumabalik na naman ang sakit sa kanyang puso.

"Ah, maiwan na kita, ha? May gagawin pa kasi ako," sabi niya. Nabigla man siya sa pagpapakita nito pero wala siyang balak na makipagusap dito. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya ay hinagip nito ang braso niya para pigilan siyang umalis sa harap nito.

"Wait lang, Kaykay. Wala pa ngang isang minuto tayong nag-uusap, iiwanan mo na ako kaagad," parang nagtatampong sabi nito.

She forced herself to look at him. "Pagod ako, okay? At isa pa, ano ba ang kailangan mo?"

"Pagod rin naman ako. Pero pumunta ako rito para makita ka. Look, Kaykay, I'm sorry. Alam kong hindi maganda ang nakaraan natin. Pero nandito ako ngayon para itama iyon. Sapat na ang dalawang taon na nagtiis ako."

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Kung pagod ka, eh di, umuwi ka sa inyo at magpahinga," mataray niyang wika. Hindi niya pinansin ang huling sinabi nito.

"Puwede bang mag-usap tayo nang maayos? Marami tayong dapat pag-usapan tungkol sa atin. Gusto kong bago ako matulog ay okay na tayo," seryosong sabi nito. Tinitigan pa siya nito.

"Wala na tayong dapat pag-usapan, Zeus."

Sinalakay ng lungkot ang mukha nito. "May gusto lang akong malaman. Did you...really love me back then, Kaykay?"

Parang nalunok niya ang dila dahil sa tanong nito. Pagkatapos siya nitong saktan, paiyakin at ipagpalit sa iba ay may gana pa itong magtanong nang ganoon?

"Oo, minahal kita noon. Pero minsan, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kung wala naman siyang ginawa kundi ang saktan ka, wala ring saysay ang pagmamahal na iyon. Walang saysay ang magmahal ng isang lalaking hindi ka na nga pinapahalagahan, niloko ka na at ipinagpalit sa iba." Naramdaman niya ang pag-iinit sa sulok ng kanyang mga mata.

"I'm sorry kung nasaktan kita. Sorry din kung ipinaramdam ko sa 'yo na hindi ka mahalaga sa akin...." Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Nahigit niya ang kanyang hininga.

"Mahal na mahal kita Kaykay simula pa noon. Nagsisisi na akong naniwala ako sa lintik na picture na iyon. I was stupid. Nasaktan din ako noon kapag nakikita kitang umiiyak. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao." Naramadaman ni Kaykay ay pagsisisi sa boses ni Zeus. Nanatili siyang nakikinig dito habang nakayakap ito sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon