"NAKU, umiral na naman 'yang pagka-playboy mo. Akala ko ba nagbago ka na?" Sinamaan ni Kaykay ng tingin si Zeus. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Seryoso ako," giit nito.
"Huwag mo akong paglalaruan, Zeus. Kabisado ko na ang mga karakas mo. At wala akong balak na patulan 'yang kalokohan mo."
"Kaykay, seryoso ako. Matagal ko na itong pinag-isipan at tinimbang kung ano ang nararamdaman ko. I think I am falling---"
"Hep! Hold it!" Itinaas ni Kaykay ang kamay niya. "Ayaw ko nang marinig ang karugtong niyan."
"Bakit?"
"Kilala na kita mula ulo hanggang paa. Ikaw ang klase ng lalaki na---"
"Will you please listen to me first?" Mukhang galit na ito. "Akala mo lang na kilala mo na ako. Iyong mga nakikita mo sa akin dati, paraan ko lang iyon para---"
Hindi na ni Kaykay pinatapos sa paliwanag nito. Kinuha niya ang kanyang bag at walang lingong lumabas sa restaurant. Nanginginig ang tuhod niya. Papatayin ba siya ng lalaking iyon? Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig nito. At ang siste ay parang gusto niya itong paniwalaan.
Kung makapagsalita kasi ito ay parang totoong-totoo. Aaminin niyang may nadama siyang kasiyahan pero pinilit niyang tigasan ang kanyang damdamin.
"SHIT!" Napahilamos si Zeus ng kanyang mga palad. It's embarrassing. Pinagtitinginan siya ng iilang costumer. For the first time in his life, he didn't know how to deal with the situation. Nagtatalo ang isip niya kung susundan ba si Kaykay o hindi.
Bakit ba ito kara-karang umalis? Ayaw ba nito sa kanya? O baka naman ay natakot niya ito. Bakit ba kasi pabigla-bigla niya iyong sinabi?
He wanted to take things nice and slow for her. But he changed his mind. Simula nang pumunta si Darwin sa bahay nina Kaykay---na may dalang bulaklak---hindi na siya natahimik. Natatakot siyang baka maunahan siya nito.
After some thought, nagdesisyon siyang sundan si Kaykay. Naisip niyang naumpisahan na rin lang niya, eh di, ipagpatuloy na. Pero paano kung hindi pa ito nahimasmasan at ipagtabuyan siya nito?"
"Think positive, dude," usal niya habang nagmamaneho. Huminto siya nang mapadaan sa isang flower shop. Alam niyang common na ang pagbibigay ng bouquet, pero gusto niyang bigyan ng ganoon si Kaykay.
"Bulaklak? Para saan 'yan?" bungad sa kanya ng ina ni Kaykay nang makarating siya sa bahay ng mga ito.
Nahihiya siyang napakamot sa ulo. Pakiramdam niya ring parang lalabas na ang puso niya sa kanyang dibdib dahil sa sobrang kaba. Kulang na lang ay matunaw siya sa harap ng ina nito. "Manliligaw sana ako, Auntie," nahihiya niyang tugon.
"Bakit ka manliligaw?" Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto.
"Para po magka-girlfriend."
"Naku, ikaw na bata ka. Bakit hindi ka na lang dumeretso sa bahay ng babaeng liligawan mo? Dumaan ka pa rito.
"Eh, nandiyan po ba si Kaykay?"
"Oo. Nandoon sa silid niya. Katukin mo na lang. May ginagawa ako sa kusina, eh." Iniwan na siya nito.
Atras-abante si Zeus sa harap ng pintuan ng silid ni Kaykay. Nakakaihi pala ang manligaw nang seryoso.
Imagine that. Sa dinami-rami niyang nakilalang babae, hindi niya akalain na kay Kaykay siya makakramdam nang ganoon. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang nito pabilisin ang tibok ng puso niya. He liked women who were beautiful and sexy. But he discovered, hindi pala ganoon ang tipo niya. Yes, he was guilty as charged, dahil noon ay ganoon nga ang preference niya.
Inaamin niyang attracted nga siya kay Camille noon. Sukat ba namang humingi pa siya ng tulong sa iba para magpapansin. Pero simula nang palagi silang magkasama ni Kaykay, may mga pagkakataong hindi na sumasagi sa isip niya si Camille.
Napansin niya ring tila may nag-iba sa kanya. He looked happier. Simula nang mamatay ang mga magulang niya, naging miserable na siya. Ngumingiti siya, yes, but he was a master of fake smiles. Nawalan na ng sigla at saya ang buhay niya simula noong mawala ang mga magulang niya. But everything has changed now. Hindi lang ang ugali niya ang binago ni Kaykay, pati na rin ang pananaw niya sa buhay in general. He knows now how to value things and life.
Nasa malalim siyang pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto. Nagkagulatan pa silang dalawa. Napatingin ito sa bulaklak niyang hawak.
"Para sa 'yo." Inabot niya ang bulaklak dito.
"Para saan 'to?"
"Para saan ba na nagbibigay ng bulaklak ang lalaki sa isang babae?"
"Zeus, huwag ako ang pagti-trip-an mo. Pagod ako. Pero salamat dito sa flowers. Ang ganda."
"Pinili ko 'yong may pinaka-magandang arrangement. Hindi mo ba ako patutuluyin?"
"Hindi. Magpapahinga na ako, eh," tugon nito.
Para siyang binagsakan ng bubong ng bahay dahil sa lamig ng tono ng pananalita ni Kaykay.
"Look, Kaykay. Nagpaalam na ako sa Mama mo na manliligaw ako. Pumayag naman siya."
Marahas itong bumaling sa kanya. "Manliligaw ka? Dito sa loob ng silid ko? Nagbibiro ka ba?"
"Seryoso ako. Hindi ko alam kung paano ka liligawan. Kinakabahan ako. Baka kasi i-basted mo ako, eh. Teka, naiihi ako." Mabilis siyang pumasok sa banyo nito.
"Para ka namang hindi tunay na lalaki." Narinig niya abg sinabi nito.
Mabilis niyang tinapos ang pagbabanyo. "Tunay akong lalaki. Kinakabahan lang talaga ako pagdating sa 'yo. Kasi naman, kakaiba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko."
"Sus! You says that to all women." Parang hindi ito naniniwala sa kanya.
"Hindi iyon ganoon. It's like, there's something different in you na hindi ko nakikita sa iba. Alam mo naman kung ano ang nakaraan ko. It was ugly and dark. I lost everything when they died. Pero ngayon, naisip ko na hindi ko kailangang ikulong ang sarili ko sa nakaraan. And you made me realized that. Ikaw ang dahilan nang lahat kung bakit ako ngayon ganito. Iyong ngingiti ako nang walang dahilan."
"Hindi puwede," sabi nito. Iminuwestra pa nito ang pintuan. Pinapalabas siya nito.
"Bakit? Wala ka namang boyfriend, single rin ako. Ano'ng problema?"
"Basta. Tigilan mo ako. Maghanap ka ng ibang mapag-trip-an mo."
"Ang hirap mo namang kausap. Hindi nga kita pinagti-trip-an. Kung ayaw mo sa akin, sabihin mo lang. Hindi 'yong ang dami mo pang satsat," medyo may kalakasan niyang sabi. Hindi na niya mapigilang mainis. Nakakasama sa loob na iniisip nitong nagbibiro lang siya.
"Manliligaw ka tapos sisigawan mo ako?"
"I'm sorry. Kasi naman, bakit ayaw mong maniwala sa akin?" medyo malumanay niyang sabi.
"Gusto kong maniwala pero---"
"Pero ano? Kasi dati akong playboy, laman ng bar gabi-gabi? Sinabi ko naman sa 'yo na nagbago na ako. 'Yan ang mahirap sa inyong mga babae eh, wala pa nga, na-stereotype n'yo na kaming mga lalaki."
"Gusto kong maniwala na hindi rin. Ah, basta. You won't understand. Sa akin na lang iyon."
"Paano ko maiintindihan kung ayaw mong sabihin?" pangungulit niya.
"Akala mo ba madali lang 'yon para sa akin? Kasi nagugustuhan na rin kita---" Natutop nito ang bibig.
He smiled. Naglakad siya palapit dito. "Come again?"
Naging malikot ang mga mata ni Kaykay. "A-ayaw ko nga."
Mas lalong lumapad ang mga ngiti niya. Tumigil siya sa harap nito. "It's okay. Marami ka namang oras para sa sabihin ulit iyon. So, everything's okay now? Puwede na siguro kitang halikan at yakapin."
Dahan-dahang umangat ang sulok ng mga labi nito. She smiled back at him. At sa mga sandaling iyon, siya na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo.
BINABASA MO ANG
ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23
Romance"Naka-diaper pa lamang tayo, alam kong ikaw na ang nakatadhana para sa akin." Hiniling ng kanyang tiyahin kay Kaykay na baguhin ang ampon ng mga ito na si Zeus. Masyado kasing arogante ang lalaki. Hindi ito pumupunta sa simbahan. Dakila rin itong ta...