CHAPTER 7:

395 12 0
                                    

DALAWANG linggo pa ang matuling lumipas at tuluyan nang naging magaling ang paa ni Kaykay. Nakakalakad na siya nang maayos at nagagawa na rin niyang tumakbo. At dahil si Zeus ang palaging kasa-kasama niya ay sa binata niya unang ibinalita ang lubusang paggaling. Sa sobrang tuwa ay nahalikan pa siya nito sa pisngi. Masayang-masaya rin ang kanyang mga magulang at iba pang kapamilya dahil sa magandang balita. Nagkaroon sila ng salo-salo nang gabing iyon. Masaya niya rin iyong ibinalita kay Darwin---ang nakabangga sa kanya. Binisita siya nito at sumabay na rin itong maghapunan sa kanila.

May ini-abot pa itong bulaklak sa kanya. Hindi niya alam kung halusinasyon lang ba niya pero nakita niyang nagkasalubong ang mga kilay ni Zeus.

Gwapo rin naman si Darwin. Makisig ang lalaki at nakikita niya ang mga muscles sa braso at dibdib nito. Hindi ito nalalayo kay Zeus kung itsura ang pag-uusapan. Although hindi naman niya tipo ang kagaya nitong mestizo, pinag-iisipan na niyang magpalit ng preference.

"Nanliligaw ba si Darwin na 'yon sa 'yo?" tanong sa kanya ni Zeus habang papasok sila sa kanyang silid. Pagkatapos nilang kumain ay nagkuwentuhan sila ng kaunti. Nagpaalam rin kaagad si Darwin dahil may gagawin pa raw ito bukas.

Umiling si Kaykay. "Hindi, ah. Natutuwa lang siya dahil magaling na ako kaya binigyan niya ako ng bulaklak."

"Sigurado ka?" Mukhang hindi ito naniniwala sa kanya.

"Hindi nga. Ang kulit mo."

"Kasi, hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. Parang hindi siya mapagkakatiwalaan," komento pa nito.

"Alam mo, ikaw, napaka-judgemental mo talaga. Kung may balak nga si Darwin naligawan ako, walang masama roon."

"But it's not okay to me," mabilis na tugon ni Zeus.

Nakapameywang siyang humarap dito. "And why is that?"

"Siyempre... ano..." Napakamot ito ng ulo.

"Hindi ka makasagot, ano. Kasi, hindi naman si Darwin kagaya mo. At isa pa, huwag mo nga akong pakialaman. Hindi ko naman kayo pinakikialaman ni Camille."

"No. Hindi ako papayag na magpapaligaw ka sa Darwin na iyon."

Nagkibit-balikat lang si Kaykay. Ayaw na niyang makipagtalo pa rito.

"Kailan ka magsisimulang magturo?" mayamaya ay tanong ni Zeus. Lubusan na siyang magaling kaya maaari na siyang bumalik sa pagtuturo. Nami-miss na niya ang kanyang mga estudyante.

"Sa Lunes na. Okay lang naman kung hindi mo na ako ihatid."

"Ihahatid kita."

"Hindi na kailangan. Pagtuunan mo na lang ng pansin ang negosyo mong pinaplano." Ngumiti siya rito para ipaalam na bukal iyon sa kanyang kalooban.

"No. I insist. Magagawa ko ang pinaplano ko at puwede kitang ihatid at sunduin sa school. Mahusay ako sa time management." Kinindatan siya nito.

"I know right. Diyan ka nga talaga magaling."

"Hey, it's not like that." Naging malikot ang mga mata nito. "Basta ihahatid kita. End of discussion."

"Sige na nga. Lumabas ka na." Tinulak niya ito hanggang makalabas ito sa pintuan. Ang weird naman ng lalaking iyon, sa isip niya habang papunta sa kanyang kama.

LALONG NAGING weird si Zeus nang mga sumunod na araw. Nagulat pa siya nang sunduin siya nito sa eskwelahan. Sinabi na niyang huwag na siyang sunduin dahil hindi maganda ang tingin sa kanya ni Camille sa tuwing magkakasalubong sila. Tila galit ito sa kanya tapos parang maiiyak rin ito.

Kahit ayaw niyang lumabas sa campus ay napilitan siyang mag-ayos ng mga gamit dahil alas-sais na. Siya na lang ang naiwan sa faculty. Ang akala niya kasi ay aalis si Zeus kapag nagtagal siya sa loob, hindi pala. Naabutan niya itong nakasandal sa hood ng kotse nito sa labas ng gate.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Sinabi ko nang huwag mo akong sunduin, 'di ba?" tanong niya nang makalapit sa binata.

"Is that how a teacher greet a friend?" Binuksan nito ang pinto ng kotse.

"Hoy, Zeus Madrigal, huwag ka ngang pumupunta rito madalas at baka ma-tsismis tayo." Paminsan-minsan kasi ay tinutukso siya ng mga estudyante niya na malapit na raw siyang magiging misis. Mga kabataan talaga ngayon.

"What's wrong with that?"

"Aba! Inaalagaan ko itong image na 'to. Hindi katulad mo na---"

"Naks! Maka-image ka, wagas ah. Kung ma-tsismis man tayo, eh di panindigan natin."

Lalong uminit ang ulo ni Kaykay. Mukhang nasa kondisyon ito para asarin siya. Ayaw niya itong patulan pa. Pumasok siya sa loob ng sasakyan at pabagsak na isinara ang pinto. Muntikan pang mahagip ang daliri ni Zeus nang isara niya iyon.

"Ano ang gusto mong kainin sa dinner?" tanong nito habang nasa biyahe sila.

"Sa bahay na ako kakain."

"Hindi puwede. Iti-treat kita ngayon," nakangiting sabi ni Zeus. Pero nasi-sense niyang seryoso ito sa sinasabi nito.

Hay, naku naman. Nakakatakot ang lalaking ito kapag seryoso. Kinakabahan siya. Sana hindi na lang siya pumayag na baguhin ang mga nakasanayan nito. Parang gusto niya kasing ibalik ang dating personalidad nito--- iyong palagi silang nag-aasaran at nagtatalo. Iyong palagi siya nitong binabara.

Sinabi na lang ni Kaykay na kahit saan ay puwede siyang kumain. Para matapos na ang lahat at hindi na siya nito kukulitin.

"Alam mo, papasa ka na sa special subject na itinuturo ko sa 'yo," kausap niya rito habang kumakain sila. "Medyo okay na ang behaviour mo at may mga plano ka na rin sa buhay. I am sure you'll make a good boyfriend or husband to Camille. I think, it's about time for you to return to Tita Rose' house. Naging successful naman ang assignment ko at naging well-adjusted ka na. Wala nang reason para ipagpatuloy pa natin ito."

Nakita niyang nagpakawala ng malalim na hininga si Zeus, pero hindi ito nagkomento. Ipinagpatuloy lang nito ang pagkain. Mayamaya pa ay huminto rin ito.

"I'm sorry. Kasi, 'di ba, two months lang naman ang usapan natin? At isa pa, hindi rin kita maaasikaso dahil kailangan kong ihabol ang mga lessons ng estudyante ko," paliwabag niya. She hates it that he still disn't give a damn reaction. Lumagok siya ng tubig bago nagpatuloy. "At isa pa, paano mo liligawan nang mabuti si Camille kung palagi tayong magkasama? At paano rin ako liligawan ng mga lalaking may gusto sa akin kung ikaw palagi ang kasama ko? That would be too unfair. Baka isipin nilang boyfriend kita which is hindi naman totoo."

At last, may nakita na siyang reaksiyon mula kay Zeus. Nakita niyang kinuyom nito ang kamao na nakapatong sa mesa.

"Bakit ka ba Camille nang Camille? In case you didn't know, itinigil ko na ang panliligaw sa kanya. She doesn't like me and I discovered I didn't like her that much, either."

Nanlaki ang mga mata ni Kaykay. Say what?

"Kasi may iba na akong gusto," pagpapatuloy ni Zeus.

Say what again? Sino na namang babae ang gusto nito?

"At sino na naman ang malas na babaeng 'yan?" tanong niya.

Ngumiti si Zeus. "Paano mo naatim na tawagin ang sarili mong malas?"

Huh?! Ano raw?  

ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon