CHAPTER 9:

389 13 0
                                    

IT WAS a very exciting day for Kaykay. Pakanta-kanta pa siya ng paborito niyang awitin ni Yeng Constantino habang nasa banyo siya. She was incridibly happy. Never in her dreams na maging sila ni Zeus. Pero ang lalong nagpa-excite sa kanya ay ang pagyaya sa kanya ni Zeus na lalabas sila pagkatapos ng klase niya. Celebration nila
kumbaga.

Eksaktong alas-sais ng hapon ay dumating na si Zeus sa bahay nila. Maaga niyang idi-nismiss ang mga estudyante niya para naman makapag-ayos pa siya. She wore what she thought the best dress for her. Siyempre para rin kay Zeus kaya nagpaganda siya.

She was wearing a red and black dress na lalong nagpatingkad ng kaputian niya.

Nang makababa siya sa hagdanan ay nakita niyang napanganga si Zeus sa kanya. Pagkatapos ay ngumiti ito. He held her hand.

"You're so beautiful," pahayag ni Zeus na ikinapula ng mga pisngi niya.

Naiilang siya sa mga papuri nito. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Hindi naman niya first time makipag-date. She dated boys and men when she was in college.

"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong niya rito.

"Excited ka talagang ma-solo ako, ano?" Hinawakan nito ang siko niya, saka sabay silang lumabas.

Napailing siya. Umandar na naman ang pagka-bolero nito. Pero mas okay na rin iyon. Hindi kasi siya sanay na seryoso ito.

Sa isang seafood restaurant sa Villa sila humantong. Nipa hut ang bubong niyon pero napakaganda ng design sa loob. Maraming beses na siyang nakakain doon. Medyo mahal ang mga pagkain doon, pero masarap naman kaya sulit. Nadaanan nila ang iba't ibang halaman at bulaklak na may napakagandang landscape. Mayroon ding pool sa gilid niyon.

Dinala siya ni Zeus sa isang mesa na nasasapinan ng kulay puting table cloth. Ipinaghila siya nito ng upuan bago ito umupo sa tapat niya. He smiled at her. Nalaglag yata ang puso niya sa sobrang kilig. Noon ay may lumapit na waiter sa kanila at binigyan sila ng menu.

"Alam mo bang sa lahat ng costumer dito ngayon, ikaw ang pinakamaganda?" Hindi pa rin naglalaho ang mga ngiti ni Zeus.

"Tumigil ka nga. Linya mo na iyan sa mga kababaihan dati pa."

"You're right, linya ko na nga iyan. But you can't see? Seryoso na ako ngayon, Kaykay. Bolero at babaero ako dati, but I swear, I never felt for any of my women before what I feel for you now," seryosong pahayag ni Zeus.

"Oo na. Kumain na lang tayo," sabi niya. Noon ay inilapag ng waiter ang in-order nilang pagkain.

Si Zeus ang kusang naglagay ng pagkain sa plato niya. Nakamata lang siya rito. He's so sweet. Marami naman pala itong magandang katangian at nagsisimula na siyang i-appreciate ang mga iyon.

"Huwag kang kumain ng maraming rice, hindi iyon healthy," sabi pa nito. Kaunting kanin nga lang ang nilagay nito sa plato niya. Tantiya niya ay half-cup lang iyon.

"Dagdagan mo naman ang kanin ko," reklamo niya.

"Hindi puwede. Enough na 'yan. Now, eat."

"Naku, concerned na concerned ka yata sa akin." Nanukis ang nguso niya. Hindi lang ito sweet, maalaga rin pala ito. Pero napaisip siya, ganito rin kaya nito alagaan si Camille noong nagdi-date pa ang mga ito? May nakapa siyang kalungkutan sa puso niya.

"Hey! What's wrong?" Nag-aalalang nilapitan siya ni Zeus. "Ayaw mo ba ng food? Gusto mo ng maraming kanin?"

"Ha?" Noon lang niya napansin na nakatitig pala ito sa kanya. Marahil ay nakita nito ang ekspresiyon niya kanina kaya nag-alala ito.

"Puwede tayong lumipat sa ibang restaurant kung ayaw mo rito."

"No need. May iniisip lang ako." She smiled.

"Saka mo na isipin ang mga anak natin. Kumain ka na."

Nahampas niya ito sa braso. Biglang naglaho ang lahat ng iniisip niya dahil sinabi nito. Maloko talaga ito.

NAKANGITING nakikinig si Kaykay sa iPod niya habang nanonood ng mga alon sa dagat. Pagkatapos nilang kumain ay nagpasya silang maglakad-lakad. Malapit lang sa dagat ang restaurant na pinag-kainan nila. Doon idinadaos ang Paraw Regatta na isang sailing competition tuwing buwan ng Pebrero. Paligsahan iyon ng mga motor boat na nagkakarera mula sa Villa beach papunta sa Guimaras, pabalik. Ang bawat barko ay may napaka-colorful na designs ng sail. Napakasaya ng okasyong iyon tuwing summer. Dinadayo iyon ng mga sailer at mga turista.

Bitbit ang kanyang sandals ay pakanta-kanta pa siya. Nagulat siya nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran. Hinalikan din siya nito sa pisngi. Hindi na niya kailangang lingunin kung sino iyon. Amoy pa lang, alam na niyang si Zeus iyon.

"Ang bango naman ng baby ko," malambing na sabi nito. Idinikit pa nito ang ilong sa leeg niya.

"Hoy, ano ka ba? Nakakahiya ka," saway niya rito.

Tumawa lang ito. His laughter sounds like a music to her. "Ano'ng pinapakinggan mo?" usisa nito sa kanya. Kinuha nito ang isang earphone at inilagaya iyon sa tainga nito.

Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Narinig din niya ang mahinang pagkanta nito ng lyrics ng kantang pinapakinggan nila. She chuckled as she realized their position.

Nang matapos ang kanta ay saka na ito kumalas sa kanya. "Anyway, I brought something for you," sabi nito. Tatlong long-stemmed red roses ang tumambad sa kanya.

Nakangiting tinanggap niya iyon. "Wow! Thank you!"

"You like it?"

"So much!" tugon niya.

"I love you, Kaykay." Hinawakan nito ang mga kamay niya. He looked at her intently like he was memorizing her face. He took her in his arms and kissed her passionately. She didn't expect Zeus could be so passionate. She closes her eyes. She didn't find it hard to follow his lead. His kisses are mind-blowing, like he was taking her to a far kingdom where happy endings happened everyday. 

ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon