"IN YOUR dreams!"
Naningkit ang mga mata ni Kaykay sa sinabi ni Zeus. "Bitawan mo ako. Wala kang pakialam kung saan ko man gustong pumunta. At wala kang karapatan na pigilan ako. If may I remind you, break na tayo, Zeus Madrigal," madiin niyang paalala rito.
"But I won't let you meet that stupid guy!" sigaw nito sa kanya.
Halos maiyak na si Kaykay. Umaasa si Darwin na darating siya at hindi niya ito hahayaang maghintay sa wala. "Zeus, just let me see Darwin," pakiusap niya rito.
"I said, I won't let you. Kaya umakyat ka na at matulog na lang. Ako na ang bahala sa ka-date mo." He was looking at her, na parang nagwa-warning.
Padabog na umakyat si Kaykay pabalik sa kanyang silid. Nakasunod naman sa kanya si Zeus.
Naghanda si Kaykay ng maiinom. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng hayop, lason ang ibibigay niya kay Zeus.
Liliko na sana siya patungo sa sala nang makita niya si Zeus na may hawak-hawak na kahita. Hindi siya maaaring magkamali, singsing ang laman niyon. Kapag may singsing ang isang lalaki, ibig sabihin lang niyon ay magpapakasal na ito. At hindi naman puwedeng siya ang pakasalan nito, may iba itong nobya. Parang tinurukan ng isang libong karayon ang puso niya sa reyalisasyong iyon. Umakto lang siyang normal at inilapag sa harapan nito ang juice kahit parang nagkabitak-bitak yata ang puso niya.
Nagulat pa si Zeus nang makita siya kaya mabilis nitong inilagay sa bulsa ang kahita. May pagkalito rin sa itsura nito---na parang gusto nitong magpaliwanag---pero wala namang lumabas na salita mula sa bibig nito.
"Siguraduhin mo lang na maganda ang idadahilan mo kay Darwin kung bakit hindi ako nakarating ngayong gabi. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin," bilin niya kay Zeus bago tumayo.
Hindi ito sumagot. Nakatingin lang ito sa kanya.
"Matutulog na ako. Kapag umalis ka na, paki-lock na lang pinto." Mabilis niya itong tinalikuran. Kanina pa niya kasi pinipigil ang kanyang mga luha. Nang makarating siya sa kanyang silid ay matagumpay ang mga iyong pumatak.
NANG SUMUNOD na araw ay natuloy na rin ang date ni Kaykay at Darwin. Hindi naman ito nag-usisa pa kung bakit hindi siya nakarating noong nakaraan. Mataman lang itong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito.
Nagkuwento na lang siya rito sa balak ni Zeus na pagpapakasal.
"Ang akala ko nga noong una ay kayo ang magkakatuluyan. Sobrang sweet ninyo sa isa't isa," sabi ni Darwin.
"Hindi. Noong una pa lang talaga ay si Camille na aang gusto niya. Humingi pa nga siya sa akin ng advice kung paano manligaw," malungkot niyang wika. Mahirap man pero kailangan na niyang umpisahang tanggapin ang kanyang pagkatalo. Mas magiging mahirap lang iyon kapag iniwasan niya.
"Okay lang sa 'yo na pakasalan ni Zeus si Camille? Pero bakit? Akala ko ay mahal mo siya," usisa ni Darwin sa kanya.
"Gusto kong patunayan na...kaya ko kahit wala na si Zeus. Kung gusto ko siyang ipaglaban, magagawa ko iyon. Kaya kong patunayan sa kanya na hindi totoo iyong litrato na pinaniniwalaan niya. Na hindi totoo na nagtaksil ako sa kanya."
"What?! Anong litrato?" gulat na bulaslas ni Darwin.
"Naalala mo noong may seminar kami sa Cebu? Hindi ba, nagkita tayo noon? May nagpadala ng litrato kay Zeus na naghahalikan tayo, which is sa pisngi lang naman iyon. May palagay akong photoshop iyong litrato. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala niyon sa kanya," paliwanag niya. "I'm sorry, Darwin. Hindi ko naman akalain na madadamay ka sa issue namin ni Zeus. Wala akong ideya kung sino ang gumawa no'n, at wala na akong balak na alamin pa."
Parang natilihan si Darwin dahil sa isiniwalat ni Kaykay. "Paano nangyari iyon? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Sana...sana natulungan kita sa pagsalba ng relasyon ninyo."
"Hindi na kailangan. Dahil kung mahal talaga ako ni Zeus, hindi siya papayag na mapunta ako sa ibang lalaki. Hindi siya maniniwala basta-basta sa kahit anong nakikita niya. Was it too much to ask for simple things like trust and loyalty? Hindi ba dapat ay kasama ang mga iyon sa isang relasyon? Pero wala iyon sa amin ni Zeus. Kaya mas mabuti na ring naghiwalay kami." Huminga muna nang malalim si Kaykay bago nagpatuloy. "Kasi kapag kami pa rin tapos wala naman siyang tiwala sa akin, maya't maya ay mag-aaway lang kami aat magiging mitsa rin iyon ng hiwalayan namin," pagpapatuloy niya.
NATIGILAN si Zeus habang nakatayo sa bahagyang nakabukas na pinto ng restaurant. Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Kaykay at para siyang binabangungot nang gising. Akmang babatiin na siya ng security guard pero umiling siya rito. Umatras siya at bumalik sa kanyang sasakyan.
Hindi niya lang basta nalaman ang lahat, natauhan din siya sa mga ginawa niya. Pero bakit hindi ito nagpaliwanag sa kanya noon? Mas pinili nitong manahimik at hayaan siyang paniwalaan ang hindi naman dapat.
Sumandal siya sa upuan ng kanyang sasakyan at ipinikit ang mga mata. Kung tutuusin ay kasalanan din naman niya ang lahat. Sino ba ang nagsabi sa kanya na dapat niyang maniwala sa picture na iyon? Pero nasaktan siya nang makita iyon. Kung sinuman ang nasa sitwasyon niya, hindi malayong ganoon rin ang gagawin.
Nag-drive siya papunta sa bahay ng Uncle Bernard niya. Medyo matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapunta roon. Bukod sa Mama Rose niya, ang uncle rin niya ang tinatakbuhan niya kapag may trouble siya.
"O, mukhang malungkot ka. May problema ba?" tanong sa kanya ni Uncle Bernard .
Wala siyang maisagot. Maraming pumapasok sa isip niya tungkol kay Kaykay pero hindi bumuka ang kanyang mga bibig.
"Sinabi ni Kaykay na balak mo na raw pakasalan si Camille. Totoo ba 'yon?" tanong ulit ng kanyang tiyuhin.
Hindi pa rin siya kumibo. Usap-usapan na ng kanilang kakilala na balak na raw niyang magpakasal kaya hindi na siya nagtaka nang iyon ang itinanong nito sa kanya.
"Bakit hindi ka makasagot?" Hinawakan siya nito sa balikat. "Son, do you love Kaykay? I want an honest answer."
"Hindi ko naman po iyon idini-deny," pag-aamin niya. Napilitan lang siyang makipagrelasyon kay Camille dahil nasaktan siya nang sobra.
"Then, bakit magpapakasal ka pa sa iba? Kung mahal mo si Kaykay, ipaglaban mo ang iyong nararamdaman. Mag-sorry ka sa kanya. Kung buhay lang ang mga magulang mo at nandidito sila ngayon, sigurado akong iyan din ang gusto nilang gawin mo. Stop running away from your feelings, son. Hindi ka ba napapagod?" sermon nito sa kanya.
"Galit sa akin si Kaykay."
"Hindi mo siya masisisi. Walang mangyayari sa 'yo kapag nagmukmok ka lang at patuloy na sisihin ang sarili mo. Be man enough, son. Kailan ka pa kikilos, kung tuluyan nang nawala si Kaykay sa 'yo? Nabalitaan kong plano niyang tumigil sa pagtuturo at mag-abroad na lang."
Napatayo siya bigla dahil sa sinabing iyon ni Uncle Bernard. "What?!"

BINABASA MO ANG
ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23
Romance"Naka-diaper pa lamang tayo, alam kong ikaw na ang nakatadhana para sa akin." Hiniling ng kanyang tiyahin kay Kaykay na baguhin ang ampon ng mga ito na si Zeus. Masyado kasing arogante ang lalaki. Hindi ito pumupunta sa simbahan. Dakila rin itong ta...