ARAW ng Lunes at bago pa magsimula ang klase ni Kaykay ay nadatnan niya si Zeus sa kanyang silid-aralan.
Nang makita siya ni Zeus ay kaagad itong tumayo na tila siya talaga ang sadya nito. Madilim ang ekspresiyon ng mukha nito. Umupo siya sa silya at ipinatong ang mga libro sa kanyang mesa.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ito ang silid ni Camille." Sa sobrang galit niya rito ay iyon ang lumabas sa bibig niya.
"Ikaw talaga ang sadya ko rito." Hindi man lang nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. "Limang araw ka lang doon sa Cebu, may kapalit na kaagad ako."
"Ah, talaga? Paano mo naman nasabi 'yan? Dahil doon sa litrato na ipinadala ng isang anonymous sender?" Kung mayroon mang dapat magalit sa kanila, siya iyon. Hindi niya ito ipinagpalit sa ibang lalaki. Hinding-hindi niya iyon magagawa.
"Huwag na huwag mo na ulit kakantihin kahit daliri ni Camille. Ako ang makakalaban mo," banta pa nito sa kanya.
Nanggigil si Kaykay. Kung makapagsalita ito ay parang wala itong kasalanan sa kanya. Gustong-gusto niya itong sakalin. "Eh di, magsama kayong dalawa ng girlfriend mo. Huwag na huwag ka nang magpakita sa akin!" Inis niya itong tinalikuran. Pero nahabol siya nito. Hinawakan nito ang braso niya.
"Ikaw rin ang nagtulak sa akin na gawin iyon, Kaykay. Akala ko iba ka, but you proved that I'm wrong," sabi nito.
"I hate you, Zeus!" She hissed. "Naniwala ka kaagad sa mga bagay na nakikita mo. Pero kung ganoon nga ang tingin mo sa akin, na isa akong two-timer, sige lang. Pero kapag nalaman mo kung ano ang totoo, huwag ka nang magtangkang humingi ng tawad o kausapin ako. Huwag ka nang magpapakita sa akin. Umalis ka na!"
Kumuyom nang mahigpit ang mga kamay nito. Makalipas ang ilang segundo ay tumalikod na ito.
Nanghihina si Kaykay na napakapit sa upuan. Parang bukal na bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata.
"Kaykay?"
Mabilis niyang pinahid ang mga luha nang marinig ang boses ni Darwin. Hindi niya alam kung kanina pa ba ito. Hindi niya ito napansin.
"K-kanina ka pa ba diyan?" tanong niya.
"M-medyo," alanganin nitong tugon. "Hindi ko sinasadya pero narinig ko ang pinag-usapan ninyo. Hindi ko alam kung ano ang puno niyon pero kung mayroon kayong 'di pagkakaunawaan, pag-usapan ninyo."
"Huwag na. Maliwanag namang ipinagpalit niya ako sa ibang babae." Masama pa rin ang loob niya.
"Bakit hindi ninyo pagbigyan ang isa't isa na magpaliwanag? Nang sa gayon ay maisalba pa ninyo ang inyong relasyon," mungkahi nito.
Umiling siya. "Hindi na kailangan." Wala na silang pag-asa ni Zeus. Wala na itong tiwala sa kanya at ganoon rin siya rito.
DAHIL SA nangyari ay nagdesisyon si Kaykay na lumipat ng matitirhan. Hindi lingid sa kanyang pamilya ang nangyari. At pansamantala lang naman ang kanyang gagawin. Gusto lang niyang maghilom ang sugat sa kanyang puso. At hindi niya iyon magagawa kung nasa bahay lang nila siya. Bawat sulok niyon ay may alaala sila ni Zeus.
Hopefully ay maka-move on na siya sa mapait na chapter ng kanyang buhay. She would start a new life with a new environment without Zeus. Marahil ay hindi sila para sa isa't isa. Pero hindi ibig sabihin na nabigo siya ay titigil na siya sa pakikipag-relasyon. May mga lalaki pa naman sigurong natitira sa mundo na kabaliktaran ni Zeus ang ugali. Iyong lalaking makikinig sa kanya at hindi basta-basta maniniwala sa nakikita lang.
Maybe there's still hope for her after all. Wala namang perpektong relasyon. Parents fought, best friends becomes enemies, lovers quarelled. Kaya kung nagtapos man sa ganoon ang relasyon nila ni Zeus, hindi na siya dapat magtaka. Hindi siya ang nag-iisang nakaranas niyon. Napanood na niya ang ganoong eksena sa telebisyon, nabasa na niya iyon sa mga Pocketbooks. Siguro naman ay may basehan ang mga drama at love stories.
Sa isang apartment lumipat si Kaykay. Hindi iyon gaanong malayo sa paaralan kung saan siya nagtuturo.
Ang buong akala niya ay makakapag-move on na siya at magkaroon ng katahimikan sa buhay nang lumipat siya roon, pero nagkamali siya.
Nakarinig siya ng mga yabag. Kasunod niyon ay ang pamilyar na boses. Humakbang siya palapit sa glass door at sumilip. Nanlaki ang mga mata niya. Nakita niya si Zeus na may kausap sa cell phone. Naka-side view ito. Nang bumaling ito sa direksiyon niya ay dali-dali siyang nagtago. Damn! Anong ginagawa niya rito? sigaw niya sa isipan.
Huminga siya nang malalim, saka bumalik sa kanyang silid. Baka napadaan lang ito doon o kaya ay may kaibigan itong sa apartment din nakatira. Pero ano ba ang pakialam pa niya rito? Wala na! Bahala ito sa buhay nito.
Dumungaw siya sa bintana at tumingin sa baba. Move on, Kaykay, dikta niya sa sarili. Pero blangko pa rin ang kanyang utak kung paano niya iyon sisimulan. Ano kaya ang magandang gawin? Hindi naman siya puwedeng pumunta sa Smallville at makipag-inuman dahil siguradong makikilala siya ng mga estudyanteng pumupunta roon.
Umalis siya sa bintana at nagtungo sa kama. Pabagsak siyang humiga roon. Tumunog ang kangyang cell phone. May mensahe siya mula kay Darwin. Niyayaya siya nito sa isang dinner.
Nagpasya siyang pagbigyan ito.
Pababa na siya nang mapansin niyang tila may taong nakasunod sa kanya. Nang lingunin niya iyon ay wala naman siyang nakita. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Pero pakiramdam niya ay tila may nakasunod talaga. Paglingon niya ay halos mapalundag siya sa gulat nang makita si Zeus. Nang makabawi ay napaismid siya. "Sinusundan mo ba ako?"
Hindi siya nito sinagot. "Saan ka pupunta?" sa halip ay tanong nito.
Tumaas ang isang kilay niya. "Wala ka nang pakialam doon. Hindi ko kailangang mag-report sa 'yo sa mga dapat kong puntahan."
"Hindi ka puwedeng umalis. Bumalik ka doon sa silid mo," utos nito.
Inis niya itong hinarap. "At sino ka para utos-utusan ako?"
"Huwag ka nang magtanong. Umakyat ka na doon."
Nagmatigas siya. Imbes na umakyat, nagpatuloy siya sa paglalakad.
"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Kaykay!" sigaw ni Zeus sa kanya. Hinabol siya nito at hinawakan sa braso.
"Ano ba, Zeus? Bitawan mo ako!" Pumalag siya pero mahigpit ang hawak nito sa kanya.
"Kung hindi ka makikinig sa mga sinasabi ko, paparusahan kita!" sabi nito.
"Ano'ng gagawin mo sa akin?" Kinabahan siya.
"Kung hindi kita mapapasunod sa santong dasalan, papasunurin kita sa santong paspasan."
"What? Ano'ng gagawin mo sa akin? Pagsasamantalahan mo ako?" gimbal na tanong ni Kaykay.
BINABASA MO ANG
ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23
Romantiek"Naka-diaper pa lamang tayo, alam kong ikaw na ang nakatadhana para sa akin." Hiniling ng kanyang tiyahin kay Kaykay na baguhin ang ampon ng mga ito na si Zeus. Masyado kasing arogante ang lalaki. Hindi ito pumupunta sa simbahan. Dakila rin itong ta...