SUMIMANGOT si Kaykay, pinatirik ang mga mata, saka bumaling sa tiyahin. "Wala nang pag-asa 'yang ampon ninyo, Tita."
"Mayroon pa. Kailangan niya lang ng kaunting tulong galing sa 'yo," sabi ng kanyang tiyahin.
"Kaykay was right, Ma. Wala na akong pag-asa because nothing's wrong with me. Well, maliban sa gwapo ako at macho...habulin ng chicks at masyadong matalino, okay naman ako. I assure you, Ma, I am hundred percent normal," wika ni Zeus.
"Wow! Ang lakas ng hangin, ha. Baka naman mamaya magka-thunderstorms dito," sarkastiko niyang wika.
"Paano magkaka-thunderstorms? Ang ganda kaya ng panahon ngayon," katwiran ni Zeus.
"Tumigil na nga kayong dalawa," saway ng kanyang tiyahin sa kanila. Awtomatikong pininid niya ang mga labi at si Zeus naman ay hindi na kumontra pa.
Nang tumahimik sila ay sinabi na ng kanyang tita ang kanyang gagawin. Kapalit ng tulong niya ay ihahatid siya ni Zeus araw-araw kapag may pasok siya sa eskwelahan. Ito rin ang magdadala ng lunch niya at susunduin siya nito pagsapit ng hapon. Kapag Linggo ay kailangan niya rin itong isama para magsimba. At ngayon pa lang ay halos mawindang na ang utak niya kung paano kukumbinsihin si Zeus sa lahat ng kanilang gagawin.
Pero kahit alam niyang mahihirapan siya ay pumayag siya sa plano ng kanyang tita. Sa kondisyong dalawang buwan lang nila iyong gagawin. Pagkatapos niyon---kung may natutunan o wala man si Zeus---bahala na ito sa buhay nito.
Bago sila umalis at tuwang-tuwa pa siyang niyakap ng tiyahin niya. Maluha-luha pa ito.
"Sa tingin ko, Kay, tama lang na pumayag ka sa plano ni Mama. Siguradong lalo kang papangit," pang-aasar sa kanya ni Zeus habang pauwi na sila.
Sinimangutan lang niya ito bilang tugon. Iniisip niya kasi na may magadang benefits rin para sa kanya ang plano ng kanyang tiyahin. Magkasama sila araw-araw ni Zeus at malaki ang tendency na mahulog ang loob nito sa kanya. Well, her theory was already proven by science. Ayon sa research, kapag madalas magkasama ang dalawang opposite sex ay may malaking porsyento na magkagustuhan ang mga ito.
At ang unang-una niyang gagawin para magustuhan siya ni Zeus ay ang magpaganda. Sabado bukas at walang pasok. Magpapasama siya kay Zeus sa salon para sa kanyang make-over. Na-i-imagine na niya ang magiging itsura niya sa bago niyang hairstyle. Pangalawa: Kailangan niyang magbaba ng IQ kahit kaunti. Hindi magandang tingnan na mas matalino pa siya kaysa kay Zeus. Well, hindi naman niya sinasabing bobo ito, may ibubuga rin ang binata pero hindi nito iyon ina-apply sa buhay nito. English speaking itong tambay at mas fluent pa nga itong magsalita kaysa sa co-teachers niyang english ang major. Pangatlo: Kailangang madispatsa niya si Camille sa puso at isip nito. Hindi mahirap gawin iyon dahil sa araw-araw nga silang magkasama ni Zeus.
"Bakit ang tahimik mo diyan?" untag sa kanya ni Zeus. "Don't worry, I'll be nice...for one day." Tumawa pa ito nang malakas.
"Are you mocking me?"
Tumigil ito sa pagtawa. "Napaka-seryosomo naman kasi. You know what, why don't you try dating one of your colleagues? For all you know, it might make you happy. I mean, kapag nakakita ka na ng taong talagang makapag-pasaya sa 'yo, it will be easier for you to smile without a great effort from me. Kasi naman, napaka-high price ng ngiti mo."
"I'd rather date you than any other man." Kinindatan niya ito. Naisip niyang masayang makipagtalo kay Zeus at the same time, makipag-flirt dito. Who knows, magiging epektibo ang style niya.
"Are you flirting with me?" he asked with a boyish grin.
Bigla naman siyang kinabahan nang mapadako ang mga mata niya sa mapupula at maninipis nitong labi. Mula sa labi ay dumako ang tingin niya sa matangos na ilong nito. Ang gwapo niya talaga, sigaw niya sa isipan. Nakakadagdag sa manly face nito ang maiitim na mata at medyo may-kakapalan nitong kilay. Pero bago pa siya ma-overwhelmed sa itsura nito ay ibinaling na lang niya ang tingin sa labas ng bintana.
"What do you think?" balik-tanong niya rito.
"Hindi mo na kailangang gawin iyon, mahihirapan ka lang," sabi nito.
"Ang kapal ng apog mo. Asa ka namang magugustuhan kita. I don't like men na mas matalino pa ako at mas malaki pa ang income ko kaysa sa kanya."
"Are you saying na bobo ako?" Bumaling ito sa kanya at binagalan ang takbo ng sasakyan.
"Ikaw ang may-sabi niyan."
"Hindi ako bobo. Papatunayan ko 'yan sa 'yo kapag sinagot na ako ni Camille."
She suddenly felt a fang in her chest. Kung kanina ay iniisip niyang magiging madali ang lahat, nagkakamali pala siya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling mapaiyak. Hindi siya iiyak sa harap ng kahit sino, lalong-lalo na sa harap ni Zeus. At isa pa, hindi naman siya ang tipo ng isang tao na madaling panghinaan ng loob. Hindi pa sinasagot ni Camille si Zeus kaya may pag-asa pa siya.
"Kay, puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo? Kasi palagi kayong magkasama ni Camille at sa isang paaralan lang kayo nagtuturo. Puwede bang ilakad mo ako sa kanya?"
"Ano?" hindi makapaniwala niyang bulaslas. At siya pa talaga ang gagawin nitong tulay? Pambihira.
"Please," pagpapa-cute pa nito.
"Ewan ko sa 'yo. Mag-drive ka na nga lang diyan."
"So, is that a yes?" tanong nito.
"Huwag mo akong isali diyan sa kalokohan mo, Zeus. Tutulungan lang kitang magbago at hindi kasama roon ang panliligaw mo kay Camille. Pero kung makisama ka sa akin at sisikapin mong magbago, baka makatulong nga ako sa problema mo. Makikita ni Camille na mabait ka na at pumapasok ka na sa simbahan...baka sagutin ka na no'n."
"Talaga?" nagagalak na sabi nito.
"Maybe. Pero bago ng lahat, kailangang ako muna ang sundin mo. Makipag-break ka na sa lahat ng girl friend mo dahil umpisa ngayon ay ituturo ko sa 'yo ang tamang asal ng isang gwapong lalaki na kagaya mo. At una na roon ay kailangang stick to one ka lang."
"Ang hirap naman yata ng pinapagawa mo sa akin," reklamo nito.
"Kung talagang gusto mo si Camille, gagawin mo iyon. Paano siya maniniwala sa 'yo kung nakikita niyang kaliwa't kanan ang syota mo?"
"Sige na nga," nakanguso nitong wika. "Kunin mo ang cell phone ko.
"Saan?"
"Sa bulsa ko."
"Hah!"
"Bilisan mo na. I-delete mo lahat ng number ng mga babae diyan. Pero huwag mong i-delete ang sa 'yo at kay Mama."
"Ayaw ko nga. Ikaw na kasi kumuha sa bulsa mo."
"Ang arte mo naman. Sige na, kunin mo na." Umangat ito ng kaunti sa upuan. Nanginginig naman niyang isinilid ang kamay sa bulsa nito.
"Dahan-dahan. Baka iba ang makapa mo diyan."
"Ay!" Napasigaw siya sa gulat nang bigla itong nag-preno. Mabilis niya ring kinuha ang kamay sa bulsa nito. May nakapa siyang kakaiba roon at sigurado siyang hindi iyon cell phone.

BINABASA MO ANG
ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23
Romansa"Naka-diaper pa lamang tayo, alam kong ikaw na ang nakatadhana para sa akin." Hiniling ng kanyang tiyahin kay Kaykay na baguhin ang ampon ng mga ito na si Zeus. Masyado kasing arogante ang lalaki. Hindi ito pumupunta sa simbahan. Dakila rin itong ta...