SA KABILA ng pag-iwas ni Kaykay kay Zeus, sa mga hindi niya pagsagot sa text at tawag nito, sa pagtataboy niya rito kapag pumupunta ito sa apartment niya ay na-corner siya nito habang papalabas siya sa campus. Sumama na lang siya rito para hindi sila maka-agaw ng atensiyon ng mga estudyante.
Napansin niyang medyo pumayat ito. Medyo mahaba na rin ang buhok nito. Tingin niya ay hindi rin ito nag-aahit ng balbas. Gayunpaman, hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhan nito. Naging matured lang ito tingnan.
"Nasaan na tayo? Anong lugar 'to?" tanong niya nang tumigil ang sasakyan nito.
Hindi sumagot si Zeus. Umibis ito ng sasakyan, saka binuksan ang pinto sa gawi niya.
"Hindi ako bababa hanggang hindi mo sinasagot ang tanong ko," pagmamatigas niya, saka humalukipkip.
"Dito kita dinala para makapag-usap tayo nang mabuti. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa 'yo," tugon nito.
Padabog siyang umibis sa sasakyan. "Hindi ka naman siguro hihingi ng sorry sa mg kasalanan mo sa akin, 'di ba? Kasi hindi naman ikaw 'yong tipo ng tao na humihingi ng tawad. Walang salitang "sorry" sa bokabularyo mo," naiinis niyang wika.
Hindi siya nito pinansin. Binuksan nito ang glass door ng isang tatlong palapag na building.
Nang makapasok a inilibot niya ang paningin sa loob niyon.
"Ito na 'yong sinasabi ko sa 'yo na negosyo ko," sabi ni Zeus. May mga computer doon at mga mesa. Nakalagay pa ang mga iyon sa lalagyan. Hindi pa naman kasi tapos ang building. Under construction pa ang itaas na bahagi niyon. Maalikabok rin sa loob.
"Wow! Congratulations. Sigurado akong proud ang pamilya mo sa 'yo." Ngumiti siya rito. Mabuti naman at sineryoso nito ang plano nitong magtayo ng sarili nitong pagkakakitaan. Iyon lang yata ang magandang naidulot ng mga lesson niyang itinuro dito.
"Dahil sa 'yo kaya nagsumikap ako."
"Wow! Nakaka-flattered naman. Pero, 'di ba may sasabihin ka sa akin?"
Saglit na natahimik si Zeus. Lumunok muna ito bago nagsalita. "Alam ko na ang lahat. Inamin sa akin ni Camille na siya ang nagpadala ng litrato. G-gusto kong mag-sorry sa nagawa ko sa 'yo." Yumuko ito na parang humuhugot ng lakas para makapagpatuloy. "Alam kong galit ka sa akin. Gumawa ako ng hakbang na hindi man lang kita kinausap. Kasi... kapag nakatanggap ka ng litrato ng babaeng mahal na mahal mo na kasama ang ibang lalaki, ano ang gagawin mo? Wouldn't you done the same if you were in my position?"
Napataas ang isang kilay niya. "Hindi. Hindi iyon ang gagawin ko. Bago ako gumawa ng desisyon, pinag-iisipan ko muna iyon ng ilang libong beses." Masama pa rin ang loob niya rito. Hindi na siya nagulat na si Camille ang nagpadala ng litrato para siraan siya. Una pa lang ay malakas na ang kutob niyang si Camille ang gustong sumira sa relasyon nila. " Kahit hindi mo aminin ay wala ka talagang tiwala sa akin. Matagal ko nang inalagaan itong nararamdaman ko para sa 'yo, simula pa noong mga bata pa tayo. Kaya nga hindi ko masukat ang kaligayahan kong naramdaman noong nagparamdam kang may gusti sa akin. Ginawa ko ang lahat para matulungan ka, na pumasok ka sa simbahan at ang magmahal nang tapat, pero ano ang isinukli mo sa akin? Naniwala ka kaagad doon sa bwisit na picture na iyon." Naninikip ang dibdib ni Kaykay. Marami pa siyang nais isumbat pero baka mag-outburst siya nang husto. "Sa tingin mo ba, kapag nag-sorry ka ay magiging okay na ang lahat?" pagpapatuloy niya.
Hindi kaagad nakasagot si Zeus. Nakatingin lang ito sa kanya. "Maghihintay ako kung kailan mo ako mapapatawad. Kahit abutin iyon ng isang taon, limang taon o kahit ten years. Maghihintay ako."
"You don't have to. Hindi ko alam kung kailan maghihilom itong sugat sa puso ko." Malaki man ang kasalanan nito sa kanya, ayaw pa rin niya itong paasahin. Kailan ba nauso na kapag sinaktan ka ng isang tao ay mananakit ka rin? Sa iba marahil ay puwede iyon, pero sa kanya ay hindi. Pumasok sa isip niyang gumanti kay Zeus, pero kinalimutan na niya iyon. Magpapakalayo-layo na lang siya. Titigil na siya sa pagtuturo. Mahal niya ang kanyang propesiyon, but she was still too broken. Ayaw niyang madamay at maapektuhan ang kanyang mga estudyante sa kanyang kasawian.
"Kahit ano ang sabihin mo, maghihintay pa rin ako," diin nito.
Napabuga siya sa hangin. "It's your call. Pero huwag mo akong sisihin kapag tumandang-binata ka."
"Hindi ako tatandang binata," salungat nito sa kanya. "Balita ko balak mo raw tumigil sa pagtuturo," pag-iiba nito ng usapan.
Tumango siya.
"Hindi mo iyon kailangang gawin. Kung mayroon mang dapat lumayo ay ako iyon."
Maang siyang napatingin kay Zeus. "No. Paano na itong negosyo mo? Oo, inaamin kong dahil sa nagyari kaya nagdesisyon akong aalis, pero---"
"Kawawa naman ang mga estudyante mo kung aalis ka," putol nito sa kanya. "Aalis ako pero hindi ko naman pababayaan itong negosyo ko. Pero kung pipigilan mo ako...mas maganda iyon." Kinindatan siya nito.
"Ang landi-landi mo! Dukutin ko 'yang mata mo, eh." Napakaloko talaga nito. Kung umasta ito ay parang wala itong kasalanan sa kanya. "Huwag mo na akong hintayin dahil hindi na ako babalik sa 'yo."
"Huwag kang magsalita nang tapos," sabi ni Zeus. "Aalis ako dahil gusto kitang bigyan ng space. Mahal na mahal kita, Kaykay. This is the very first time in my life that I've ever felt this way." Tinitigan siya nito at nasa mga mata nito ang sinseridad. "Nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sa 'yo. Aalis ako para parusahan ang sarili ko."
Natahimik si Kaykay. Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi nito. Pero sinira na nito ang lahat sa kanila. "Ihatid mo na lang ako pauwi," malamig niyang wika.
MAHIRAP man at masakit ay pinanindigan ni Kaykay ang desisyon. Hindi niya pinigilan si Zeus na umalis ng bansa. Madalas niya itong iniisip. Madalas din siyang nakikipagtalo sa sarili kung tama ba ang kanyang naging pasya.
Mahal na mahal niya si Zeus. Natatakot lang siyang muli itong tanggapin. Paano kung mangyari ulit ang ganoon o kung hindi man ay ibang isyu na naman?
Pagkalipas ng halos dalawang taon ay napatunayan ni Kaykay na hindi niya basta-bastang makalimutan ang nararamdaman para kay Zeus. Updated naman siya sa mga nangyayari sa buhay nito. Ang alam niya ay nasa Australia ito. At ang negosyo nito sa Iloilo ay maganda ang takbo. Palagi rin itong bukam-bibig ng Tita Rose niya kapag nagkakausap sila na as if may pakialam siya sa mga achievements ng ampon nito. Pero acting niya lang iyon. Interesado talaga siya sa mga nangyayari sa buhay ni Zeus.
"Kailan ka uuwi, Kuya? Susunduin ka namin sa airport?"
Halos mabingi si Kaykay sa lakas ng boses ni Marie. Ang lakas rin ng kabog ng dibdib niya. Alam niyang si Zeus ang kausap nito. Pero tama ba ang narinig niya? Uuwi na ito?
"Magpapakasal ka na? Oh, sino ang lucky girl? Isang blue-eyed Australian?" bulaslas ni Marie.
Umarko ang isang kilay ni Kaykay sa narinig. Ang akala ba niya ay hihintayin siya ni Zeus lumipas man ang isang dekada? Bakit magpapakasal ito ngayon sa iba?
"Ate, uuwi na raw si kuya next week, kasama ang fiancée niya," sabi ni Marie, saka umupo sa tabi niya.
"Really?" Umakto siya na bale-wala sa kanya ang sinabi nito kahit na parang nadudurog ang kanyang puso.
BINABASA MO ANG
ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23
Romance"Naka-diaper pa lamang tayo, alam kong ikaw na ang nakatadhana para sa akin." Hiniling ng kanyang tiyahin kay Kaykay na baguhin ang ampon ng mga ito na si Zeus. Masyado kasing arogante ang lalaki. Hindi ito pumupunta sa simbahan. Dakila rin itong ta...