NAMATAAN ni Kaykay si Zeus na pumasok sa gate ng eskuwelahan. Lunch break nila nang oras na iyon at nasa canteen siya. Mula sa kanyang puwesto ay nakikita niya ang taong pumapasok sa gate. At dahil gusto niyang malaman kung ano talaga ang nangyari at ipinagpalit siya nito kay Camille ay nagpasya siyang kausapin ito.
Pero nang makita siya ni Zeus ay lumihis ito ng daan. Nainis siya bigla. Nag-init ang sulok ng mga mata niya.
Umiiyak siyang bumalik sa canteen. Nagpasya siyang huwag nang mag-half day na lang. Wala ring matututunan ang mga estudyante niya sa kanya kung wala siya sa mood magturo. Bago pa siya makalabas sa campus ay nakita niya sina Zeus at Camille na magkasama. Masayang-masaya ang mga ito. Sa ika-isang daang pagkakataon, nakaramdam siya ng hunanakit sa kanyang puso.
Napaka-unfair ni Zeus. Napakasama ng ugali nito. Pareho ni Camille na walang pakundangan.
Bumuntong-hininga siya. Tumawid siya sa kalsada, sumakay sa tricycle at nagpahatid sa bahay nila.
Nang makarating siya sa kanilang bahay ay parang ayaw niyang pumasok doon. Ngumiti siya nang mapait. Wala nang Zeus na bubungad sa kanya. Bakit pa kasi siya umasa na tatagal sila? Alam naman niya na sa simula pa lang ay si Camille na ang gusto nito.
Sa isip ni Kaykay ay nakikita pa rin niya si Zeus na nakababad sa laptop nito; naglalaro ng online games. Pero sa isip niya na lang iyon. Kung may dapat man siyang paniwalaan ay ang katotohanang hanggang doon na lang sila ni Zeus. Hindi na niya kailangang makipag-break pa rito, dahil ipinagpalit na siya nito sa iba. Iyon ang ipinagkaiba ng noon at ngayon na hiwalayan. Kapag nakita mong may kasamang iba ang boyfriend mo, automatic nang hiwalayan iyon.
"Pupunta ka ba sa kaarawan ng Tita Rose mo bukas?" tanong sa kanya ng kanyang ina.
Hindi siya kaagad nakasagot. Dahil sa mga nangyari ay hindi niya namalayan na malapit na pala aang birthday ng tita niya. Marahas siyang bumuga sa hangin bago sumagot. "Opo, pupunta ako."
Sigurado siyang pupunta rin si Camille. Pero wala siyang pakialam. Hindi siya ang unang babaeng nasaktan dahil sa pag-ibig at hindi rin siya ang magiging huli.
ARAW NG kaarawan ng kanyang Tita Rose ay parang robot na bumangon si Kaykay at naligo. Alas-tres na ng hapon at kumakalam na ang kanyang tiyan.
Pagdating niya sa bahay ng kanyang tita ay marami nang tao. Balak lang niya sanang magpa-check ng attendance dahil sigurado siyang magtatampo ito kapag hindi siya pumunta. Pero nagbago ang isip niya nang makita si Zeus at Camille na sweet na sweet sa isa't isa.
"Si Camille, magiging ate ko?" dinig niyang wika ni Marie.
Nilapitan niya ito. "Bagay naman silang dalawa, ah," labas sa ilong niyang komento.
"Ayaw ko pa rin sa kanya," mariing sabi nito. "Hindi ko nga alam kung bakit ipinagpalit ka ni kuya sa babaeng 'yan. May pakiramdam akong ikaw ang mahal niya, kaso nagseselos siya kay Darwin noong makita niya ang picture na naghahalikan kayo."
Muntik nang mabitawan ni Kaykay ang pinggan na hawak. "Come again? Anong picture na naghahalikan?" usisa niya kay Marie.
"'Di ba kayo na ni Darwin? 'Yong lalaking nakasagasa sa 'yo noon? Mag picture si kuya ninyong dalawa. Nandoon sa kabinet niya."
"What? Hindi kami ni Darwin. Magkaibigan lang kami," paliwanag niya. "Patingin nga ng picture na 'yan?"
"Hindi kayo ni Darwin? Pero bakit may picture kayong nagki-kiss?" nagtatakang sabi nito. Hinila siya nito at nagtungo sila sa silid ni Zeus. Hinalughog ni Marie ang mga gamit doon hanggang sa makita nito ang picture. Ibinigay nito iyon sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. Siya nga ang nasa litrato, kasama si Darwin. At magkalapat nga ang mga labi nila. Nasa loob sila ng isang restaurant. Naalala niyang nagkita sila ni Darwin noong nag-seminar sila sa Cebu. Hinalikan nga siya nito pero sa pisngi iyon. Pero sa buwisit na picture ay sa labi talaga. Fuck!
"Hindi totoo 'to. Sino ba ang nagbigay nito sa kuya mo?" tanong niya kay Marie.
Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam. Basta umuwi na lang siya isang gabi na lasing na lasing 'tapos hawak-hawak niya 'yan."
Halos maiyak si Kaykay sa nalaman. Nanlalambot ang mga tuhod niya. Kung sinuman ang nagpadala ng litratong iyon, may plano talaga itong siraan siya kay Zeus. At ang sira-ulong lalaki, naniniwala naman kaagad. Hindi man lang siya nito tinanong at inalam ang side niya. Hindi ba nito alam na nasasaktan siya? O baka naman masaya ito kapag nakikita siyang nasasaktan?
Inayos niya ang sarili nang yayain siya ni Marie na bumalik sila sa sala. Pagdating nila doon ay ukupado na ni Camille ang upuan niya kanina. Inis siyang lumapit dito at sinipa ang silya na upuan nito. Natumba iyon at bumagsak ito sa sahig.
Nagulat ang lahat ng bisitang nandoon. Maging si Zeus ay ganoon rin. Binato siya nito ng masamang tingin bago tinulungan si Camille na bumangon. Mangiyak-ngiyak ang babae.
Galit siyang hinarap ni Zeus. "Bakit mo ginawa 'yon?"
Ngumisi siya rito. "Eh ikaw, bakit ka nandito? Hindi ka naman namin kaano-ano. At isa pa, huwag mong dalhin dito sa bahay ng tita ko ang girlfriend mo. Paiiyakin ko 'yan."
Hindi niya alam pero nakita niya ang kalungkutan sa ekspresiyon ng mukha ni Zeus.
BINABASA MO ANG
ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23
Romance"Naka-diaper pa lamang tayo, alam kong ikaw na ang nakatadhana para sa akin." Hiniling ng kanyang tiyahin kay Kaykay na baguhin ang ampon ng mga ito na si Zeus. Masyado kasing arogante ang lalaki. Hindi ito pumupunta sa simbahan. Dakila rin itong ta...