DAHIL SA kaunting pag-asa na nakikita ay lalong lumakas ang determinasyon ni Kaykay na makalakad. Tinupad nga ni Zeus ang sinabi nito na aalagaan siya nito bilang bayad sa mga tips na itinuro niya rito kung paano mapapansin ni Camille.
Palagi itong present sa tuwing may therapy session siya. Ito palagi ang nasa tabi niya sa tuwing nagsasanay siyang maglakad. Sa tulong nito ay unti-unti na niyang naihahakbang ang mga paa. Kaunting panahon na lang at tuluyan na siyang makakalakad.
"Paano ba 'to? Wala sina Mama. Paano ako makakapagsimba?"
Namomroblema si Kaykay kung sino ang kanyang kakaladkarin para samahan siya. Hindi naman puwede si Zues. Hanggang ngayon ay allergy pa rin ito sa simbahan. Kahit ano'ng pilit niya rito, hindi niya ito napapasok sa simbahan.
"Sasamahan kita."
Muntikan nang malaglag ang panga ni Kaykay nang makita si Zeus na nakatayo sa pintuan ng kanyang silid. Totoo ba ang narinig niya?
"Uy, ikaw ba 'yan?" tukso niya rito. Isang malaking himala kung sasamahan siya nito.
"Bakit?" takang tanong ni Zeus. Pumasok ito sa silid niya at naupo sa kama.
"Sasamahan mo ba talaga ako?"
"Bakit, ayaw mo ba?"
"Eh, medyo naninibago lang ako sa 'yo. Akala ko kasi... alam mo na."
Natigilan ito. Napakamot pa ito sa ulo. Mukhang hindi nito alam kung ano ang isasagot sa kanya.
"Alam mo kasi, kapag pupunta ka sa simbahan, dapat iyong bukal sa kalooban mo. Hindi ka puwedeng pumasok doon dahil kailangan at may iba kang dahilan."
"I don't know. Basta... gusto lang kitang samahan. Hindi ko alam kung bakit. I think, there is something different about you. " Tumingin si Zeus sa kanya na parang may hinahanap. Pakiramdam ni Kaykay ay matutunaw siya sa titig nito.
"Anong different ang pinagsasabi mo diyan?" Iniwas niya ang tingin sa binata. Parang tumatagos sa puso niya ang mga titig nito.
"Basta. Hindi ko pa alam sa ngayon pero sasabihin ko kapag alam ko na," seryosong tugon nito.
"Siguro dahil kay Camille kaya pursigido kang matuto. Ipagpatuloy mo lang 'yan." aniya, saka ngumiti.
"I don't think it's just that. Hindi si Camille ang dahilan," salungat sa kanya ni Zeus.
Napatingin siya rito. Parang hindi ito ang Zeus na matagal na niyang kilala. Hindi na niya naririnig ang mga gasgas nitong pick-up lines. He is not the carefree jackass Zeus who slept up with women he barely knew at bars. Kung noon ay nababanas siya dahil kung hindi sa bahay ng kanyang tita iti nakikipag-inuman, madalas ay inuumaga ito kung umuwi. Hindi na nito iyon nagagawa dahil palagi itong nasa tabi niya. It was strange. Ang buong akala niya ay mahihirapan siyang baguhin ito.
"Naisip ko nga na magtrabaho na rin. Kasi nakakainggit iyong mga kaibigan at ka-batch ko dati noong college. Some of them are already achievers. 'Tapos ako, ganito lang, tambay." Tumahimik ito sandali. "Seryoso ako. Alam mo naman ang hilig ko. Gusto kong magpatayo ng kompanya. Okay lang kahit maliit muna, at least masasabi kong akin iyon."
"Bakit hindi mo na lang tulungan ang Tito Bernard mo sa naiwang kompanya ng mga parents mo?" tanong niya rito.
"Sinabi ko na, Kaykay, I wanted to make it on my own."
"Alright! Kung ano man ang gusto mo, maasahan mo ang suporta ko." Ngumiti siya rito.
"Thank you, Ma'am. Let's go." Inabot nito ang kamay niya. Sabay silang lumabas sa silid at nagtungo sa sasakyan nito.
Pagkatapos nilang magsimba ay nagyaya pa si Zeus na kumain. Hindi na siya makatanggi dahil gusto niya rin itong makasama.
"Kainin mo lahat ng 'yan. Nangangayat ka na kasi," wika sa kanya ni Zeus nang mailapag nito ang pagkain.
Naroon sila sa isang fast food chain sa coastal road. Malapit lang iyon sa simbahan at maraming tao dahil araw ng Linggo.
"Hindi kaya sumakit ang tiyan ko nito mamaya?" Nang bumaling siya sa kanan ay nakita niya si Camille. May bitbit itong tray. Kumaway siya rito.
"Hi! Puwedeng maki-share sa table?" tanong nito nang makalapit.
"Sure!" nakangiti niyang tugon.
Napansin niyang tila bantulot si Zeus sa kinauupuan nito.
"Nagsimba rin kayo?" tanong ni Camille sa kanya.
"Oo. Sinamahan ako ni Zeus."
"Really? Ang akala ko ay ayaw niyang makakita ng pari."
"Nagpipilit raw siyang magbago dahil tumitibok na ang kanyang puso."
Tumawa nang malakas si Camille. Pero hindi iyon masakit sa pandinig. May poise pa rin iyon "As if he could."
"Nagawa na nga niya ngayon-ngayon lang. Hindi ko siya pinilit," depensa niya kay Zeus.
"Is that so?" Umarko ang isang kilay ni
Camille na tila hindi pa rin bilib."Yeah. Alam mo namang ikaw ang palaging bukam-bibig ng lalaking iyan.
"Stop it, Kaykay!" sita ni Zeus sa kanya.
Nahalata yata ni Camille na kinakampihan niya si Zeus kaya iniba nito ang usapan. Tinanong siya nito kung kamusta na ang kalagayan niya. Hindi niya alam pero parang nag-iba na rin ang ugali nito. Friendly na ito at hindi na mukhang maldita.
Nang matapos nila ang pagkain ay binulungan niya si Zeus na magta-taxi na lang siya pauwi. Kaya na naman niyang maglakad gamit ang saklay niya.
"No. I'm the one who took you here so I'm also the one should take you home," sabi nito.
"Pero chance mo na ito na makasama si Camille."
"Binubugaw mo ba ako?" masungit na sabi nito.
"Hindi, ah," depensa niya.
"Eh di umuwi na tayo."
Sinamaan niya ito ng tingin. Bakit ang sungit-sungit nito? Alanganin siyang ngumiti at nagpaalam kay Camille bago pumasok sa loob.
NAKATINGIN lang si Zeus kay Kaykay na nagbabasa ng libro. Nakauwi na sila sa bahay at doon sila tumambay sa maliit na terrace. Nakaka-relax kasi ang bahaging iyon ng bahay. Mukhang engrossed na engrossed ito kaya hindi siya nito napapansin.
Sa ilang linggo na kasama niya ito, hindi na pumapasok sa isip niya si Camille. Kaya nga naiinis siya kanina nang ipaglutakan siya nito sa babae.
Kung noon ay hindi niya ito napapansin, ngayon naman ay hindi na niya mapigilan ang pagsibol ng kakaibang atraksiyon para dito. He liked her being simpe and down-to-earth. He never had a dull moment when he's with her. Siguro ay may mga tao lang talaga na katulad ni Kaykay. Iyong tipong madaling makagaanan ng loob. Pero ang kaso, pleasing personality ito kaya hindi maiiwasan na magkaroon ng pagtingin ang sinumang lalaki rito.
Sa ganda nito, hindi bagay rito ang pagiging guro. Puwede itong maging modelo. She looked so... dear. Kamukha ito ng ina nito. Dumako ang tingin niya sa mga mata nito. Such a lovely eyes. Hindi maglayo ang ganda nito sa mga babaeng dini-date niya. Hindi nakakasawa ang mukha nito. And yet at that moment, all he wanted to do is to stare at her face. Not just to stare, but also to pull her close and... kiss her. No! He had to stop his imagination at that point.
Ano'ng nangyayari sa 'yo, dude?" kastigo niya sa sarili.
Kapag hinalikan niya ito, siguradong palo ng libro ang aabutin niya mula rito. At tiyak niyang magagalit ito sa kanya. Ayaw niya nang ganoon. Tinapos niya na lang ang pagtitig sa mukha nito, tumayo na siya at pumasok sa kanyang silid.
Hindi pa malinaw sa kanya kung ano ang kanyang nararamdaman kaya hindi siya puwedeng gumawa ng kung ano-ano na foolish moves. Dahil baka mailang ito sa kanya. Kung mayroon man na ayaw niyang mangyari, iyon ay ang magalit ito sa kanya, tumanggi itong makasama siya at ang iwasan siya nito. And if she could walk already, and when he approach her, she'd run away.
BINABASA MO ANG
ZEUS: THE ATHEIST GAMER ( CLASH OF CRUSHES: TRILOGY 1) BY: SHINDER23
Romance"Naka-diaper pa lamang tayo, alam kong ikaw na ang nakatadhana para sa akin." Hiniling ng kanyang tiyahin kay Kaykay na baguhin ang ampon ng mga ito na si Zeus. Masyado kasing arogante ang lalaki. Hindi ito pumupunta sa simbahan. Dakila rin itong ta...