We are on our way home, biglang tumahimik ang lahat sa pagitan namin ni Apollo. Magmula nung umalis kami mula sa 'surpresa' na inihanda nya hindi na nya ako kinibo.Hindi ko naman sya masisisi kung galit sya. Paano ba naman kasi hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko, mahal ko na ba sya o ano? Hindi ko kayang i-classify itong feelings ko sa kanya.
Napasigaw at muntik nang mauntog yung ulo ko nang bigla nyang tapakan yung preno.
Ganyan na ba sya kagalit sa akin?
Tinignan ko sya na parang nababaliw na, nakita kong seryoso ang kanyang mukha at tila nagiisip ng malalim.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya, muntik nang mabagok ang ulo ko ng wala sa oras dahil sa ginawa nya.
His once serious face turned into sadness and grief.
"She's dead." He barely whispered.
Huh? Patay? Sinong patay? I looked at him, confused.
"My sister is gone." Nagulat ako ng husto dahil sa sinabi nya, hindi ma-process ng utak ko ang narinig ko.
"A-ano?"
Itinabi nya ang sasakyan sa gilid ng highway.
Kung totoo man na patay na si Eunice, that explains everything... yung mga weird na ikinilos nya sa akin sigurado ako ay may kinalaman iyon. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa narinig... itinuring ko na bilang kaibigan si Eunice... hindi ko napiligan ang sarili kong maiyak.
Lumabas sya mula sa sasakyan atsaka tumingala sa kalangitan.
He howled in despair.
Alam ko kung gaano kasakit para kay Apollo ang nangyari sa kapatid nya... kaya dinamayan ko sya sa abot ng aking makakaya para kahit paano maibsan ko ang sakit.
"B-bakit?" Ang tanging nasabi nya habang umiiyak.
Sa loob ng ilang buwan na naming magka-sama hindi ko pa sya nakitang umiyak, at first I thought na hindi sya yung tipo ng tao na umiiyak but I guess lahat ng tao ay may limitasyon.
Kapag kasi isa kang Alpha, mararamdaman mo kapag may namatay sa isa sa mga pack mates mo. It's like something will be ripped out from you. Unti-unti mong mararamdaman ang pagkakatanggal ng mga ties nila sayo, for example mind links and pack bond etc.
Noong medyo kumalma sya ng konti agad kaming nagpatuloy sa paglalakbay pauwi.
Kung pwede nga lang siguro nyang paliparin ang kotse kanina nya pa ginawa, halos kasi paliparin na nya ito sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Halos magkulay puti ang kanyang mga kamay na nakahawak sa manibela dahil sa higpit ng pagkakahawak nya dito.
Diretso lang ang tingin nya sa daan at hindi nagsasalita...
***
In no time, agad rin kaming nakarating sa pack house. Sa bilis ba naman nyang magpatakbo ng sasakyan, hindi na ako magtatakha.
Wala syang sinayang na oras, pagka-hintong pagka-hinto ng sasakyan ay agad syang lumabas, hindi na nya ako napagbuksan ng pintuan pero ayos lang, Naiintindihan ko naman sya.
At ako naman ay ganoon din ang ginawa ko.
Sinundad ko sya kaagad. Pagkapasok ko nadatnan ko si Sir Nicolas na nakaupo sa sofa habang nakahawak ang kanyang mga kamay sa kanyang ulo. He looked up to us.
"It's all my fault." He barely whispered. I saw his eyes, they were full of pain and regret.
"What do you mean dad?" Apollo asked, his voice trembled.
YOU ARE READING
Apollo's Moon
Hombres LoboTahimik akong namumuhay mag-isa...kuntento ako sa lahat ng meron ako. I'm not a human...I'm a werewolf. I'm peacefully living my life...until he came. He came to my life like a strong storm,ruining everything that is good. But after a storm a rainb...