C H A P T E R 1

336 15 5
                                    

Maymay's POV

Hi! Ako si Mary Dale Entrata, soon to be Barber! Chaaaarrr! So, 21 na po ako ngayon, nakatira sa Cagayan de Oro pero lumipat ako dito sa Manila for modelling. Mahirap mang paniwalaan ngunit model po talaga ako ng Penshoppe. Si Mama Lorna, she's in Japan, inaasikaso kasi yung kompanya namin. While ang father ko? I never met him. Even if given the chance, I'd choose not to. Para san pa? Iniwan niya kami since we were little kids. Pero okay lang. Anjan naman si Mama. Giving us everything. Yeah, we're rich. And I forgot to tell you pala, I have a step-dad, Daddy Leo. Siya ang tumatayong tatay ko.

May twinnie po ako slash boyfriend, si Edward John Barber. Half german, half Filipino. He's from Germany. Oh! English yun bai! 21 years old na siya. Marunong siya ng tagalog kasi tinuruan ko siya. At buti naman, fast learner siya. As a boyfriend, napakagentleman, sweet, caring, seloso, at mabait yan! Kaya nga mahal na mahal ko yan eh.

Andito ako ngayon sa park kung saan kami unang nagkita. I'm wearing a pink dress, white heels, and light make up. Dala dala ko yung regalo ko kay Edward, kasi grabeee!!!

1st Anniversary namin ng baboy ko! Hahaha.

Naaalala ko pa nung una kaming nagkita, grabe bai! Nakakainis siya nun! Pano ba naman, natapunan niya ako ng kape sa starbucks! Halos idemanda ko siya nun sa pulis. Haha.

Di ko talaga aakalaing mamahalin ko at mamahalin din ako nung englisherong baboy na yun.

Pagdating ko sa park, nakita ko siya sa  may swing, nakaupo.

"Babe!" Sigaw ko.

Lumingon naman siya at tumayo. Ang gwapo niya ngayon kahit naka pants lang siya at grey t-shirt. Lumapit siya sakin. Napansin kong maga ang mata niya. Umiyak ba siya?

"Oh. Babe" sabi niya ng nakayuko.

"Umiyak ka ba Edong at maga yang mga mata mo?" Sabi ko at itinaas yung ulo niya.

"H-hindi." Sabi niya sabay iwas ng tigin sa'kin.

"Oy... May nangyari ba?" Sabi ko.

"W-wala" sabi niya.

"Wala naman pala eh. Ay! Oo nga pala! Happy Anniversary Babe!" Sabi ko ng masigla.

"May... I-I'm sorry.." sabi niya ng naluluha.

"Sorry? Sorry saan?"

"I-I c-can't do this... A-ayoko na." Sabi niya at may tumulong luha sa mata niya.

"E-Ed... A-Anong ibig mong sabihin?" Sabi ko.

"L-let's Break U-Up"

My whole world fell.

"H-haha. Nakakatawa k-ka talaga E-edward. N-naprank mo nanaman a-ako" sabi ko at may mga tumulong luha na galing sa mata ko.

"I-I'm serious May." Sabi niya sakin.

Umiiyak na kami parehas.

"W-why Edward?! K-kulang pa ba yung binigay kong pagmamahal sayo?! M-May nagawa ba akong mali ha?! S-sabihin mo! A-am I not enough?! Kapalit-palit ba ako?!" Sigaw ko.

"N-no" sabi niya.

"Then why?!"

Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak. Ginamit ko lahat ng makakaya ko para suntukin ang dibdib niya. Humahagulgol na ako. Ang sakit! Ang sakit sakit lang! Yung feeling na ginawa mo na ang lahat pero nagawa niya paring iwan ka!

"Mahal ko si Heaven, May" mahina niyang sabi 

"N-No..." sabi ko.

Kumawala na siya sa pagkakayakap niya sakin. He wiped out gis tears at gamit nung thumb niya, pinunasan niya rin yung mga luha ko. Then he held my hand

I'm His Lois LaneWhere stories live. Discover now