13

44 1 5
                                    

Lei

Nagpunta ako sa isang malapit na club. Gusto ko na gawin yung number #8 Get drunk.

Nakasuot ako ng plain black V-neck shirt at maong pants at white shoes.

Di pa naman ako nakakatikim ng alak pero itatry ko at lulubus-lubusin ko na.

Umupo ako kung saan may bartender.
"A-uhm k-kuya? Ano penge ng pinakamatapang niyong alak." Sabi ko na nagaalinlangan.

"Ha? Teka mukhang menor ka pa eh." Oh no. Ano isip, Lei.
"Nakakaflatter ka naman kuya hahaha, baby face talaga ako." Maniwala ka please.

"Serving ma'am." At kinindatan ako. Well gwapo naman siya pero mas gusto ko yung smile ni-- argh ano ba?!

At binigay na sa akin nung bartender yung isang shot ng alak.

Inamoy ko muna ito, ang tapang naman.

Tas inunti ko at mskkdkdsksdm parang gumuguhit sa lalamunan.

"Wooh now or never" at ininom yun ng buo.

Humingi pa ako ng isa pa, dalawa pa, tatlo pa at

At

At

At

Bat dalawa na yung bartender? Isa lang yan kanina ah? May kambal pala siya.

Well nevermind.

Umiikot na yung paningin ko, pero keri pa rin.

Inom pa rin.

Seb

Kanina pa ako sa club na pinuntahan namin. Nabo-bored ako, kung niyaya ko na lang si Lei edi mas masaya pa.

"Hoy pre, inom inom naman." Sabi ni Paul na namumungay na ang mata dahil tinamaan na ng alak.

Mahilig naman ako uminom pero ewan ko ba, di ko na nahiligan ngayon simula nung nakasama ko si Lei.

"Ako na lang kukuha ng iinumin niyo." At tumayo ako papunta sa counter.

Napansin ko na may babaeng nakaupo sa may isa sa mga stool at nakayukod na ito.

"Kuya, 5 shots of vodka please." Tumango ang bartender bilang pagsangayon.

Napatingin ako dun sa babaeng nakayukod dahil biglang itong tumawa.

Napakunot ang noo dahil ka-pigura ito ni Lei.

Isasawalang bahala ko na ito nang biglan itong dumerechong upo pero yung buhok niya ay sabog sa mukha niya.

Bigla siyang umihip ng hangin at nabawasan ang buhok sa mukha niya.

Lei?

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang iba pang buhok na nakakalat sa mukha niya.

"Lei? Anong ginagawa mo dito?" Tumingin siya sa akin at nakita kong pulang-pula na siya at namumungay na ang mga mata.

"Seb? Uy hahahaha." Bati niya. Tinamaan na nga siya ng husto.

"Kasama ka ba niya?" Nilingon ko ang nagsalita at yun ang bartender.

Tinanguan ko ito.

"Nako iuwi mo na yan, marami na yang ininom." Sabi nito at umalis na para magentertain ng iba pang customers.

"Tara na, Lei uwi na tayo." Tinutulungan ko siyang tumayo. Inagaw niya ang braso niya.
"Ayoko sayo di tayo bati." Para na siyang batang umiiyak.

"D-di ka nagparamdam ng tatlong araw tas bigla kang magpapakita ha?! Daya mo, daya mo" sabi niya habang hinahampas ang dibdib ko.

"Shh uy sorry na." Pinapatahan ko na siya dahil pinagtitinginan na kami.
"Yoko sayo huhuhu" patuloy siya sa pag-ngawa.

Kaya no choice

Binuhat ko siya na parang bigas at dumerecho na kami sa exit para sumakay na kami ng kotse.

Sinakay na ko siya pero di pa rin siya tumitigil.

"Di tayo bati huhuhu" umiiyak pa rin siya. Dahil ba dun kaya siya uminom?

Di ko pa nalalagay ang seat belt kaya humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang braso.

"Lei, i'm sorry." This time hikbi na lang ang naririnig ko.
"Di pa rin tayo bati."
Humihikbi pa rin ito.

Lumapit pa ako lalo sa kanya at

Hinalikan ko siya.

Hinalikan ko sa l

Nang lumayo ako ay nakita kong nakatingin na siya sa mata ko at tumigil na sa pag-iyak.

"Wag ka na lalayo sa akin ha?" Sabi niya.
"Promise." At niyakap ko siya ng mahigpit bilang assurance na di ko na ipaparamdam na balewala lang siya sa akin.

Nang kumawala ako at tulog na pala siya.

"Tss. Sleepy head."

Sinuotan ko na siya ng seatbelt at ako din.

Sa condo ko na lang siya matutulog dahil hindi ko alam kung taga-saan siya.

And i respect her kaya wala akong balak sa kanyang masama.

Ng makarating na kami ay inilapag ko siya sa kama. I'll be sleeping in the couch then.

...

The bucket-listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon