AlrishThis is it. My first day with the devs. Echos.
Lokong mokang. Kakaisip ko ng mga moves kong gagawin para ngayon eh napuyat ako kagabi. Laki tuloy ng eyebags ko at antok na antok ako. Kainis.
"Akala ko galit ka pa kay Sam?. Bakit pumayag kang magkasama kayo sa trabaho?". Tanung ni mama habang nagluluto ng almusal. Kinuwento ko kasi sa kanya yung tungkol doon. Mas ok pa kase tong kausap kesa sa mga lukaret. Pero for sure magagalit ang mga yon pag nalaman ang lahat ng ito.
"Eh kase. . . . . Ganito yon."
#flashbackfromyesterday
"Al. May favor ako sayo. Please?". Hinawakan ako ni ate Lindsay sa kanang kamay at may katamtamang idiniin ang pisil dito habang nakapuppy eyes pa sya.
"Anu yon? Chaka bakit mo naman sinama si Sam dito ate?". Irita kong tanong.
"Yun na nga. . . ". Di maipinta ang muka nya.
"Anu ba yun ate? Pinapatagal mo pa".
"Magtatayo sya ng sarili nyang business soon. Hindi pa sya knowledgeable enough for that. Gusto ko sanang palibutin sya sa mga shops ko. Dito , sa coffee shop sa cellshop at sa bakery shop sa ibat ibang branch." Paliwanag nya.
"Sooo?".
"She'll start here. Tomorrow." Lumuwag ang ngiti nya pagkasabi nun.
"What? E-eh ako? Saan ako? Should i file an indefinite leave?". Nalilito ko sa mga pinagsasabi nya. Pero pabor naman sakin magleave nalang kung papalit si Sam sa pwesto ko.
"No. No way Al. Ikaw ang magtuturo sa kanya." She shooked her head.
"W-what? A-ayoko ate. Please not me". Ako naman ang umiling this time.
"Al listen to me." Hinawakan nya magkabilang muka ko "This is also for your own good. Alam natin na no matter how hard you put some fences between you and Sam eh may oras pading magkikita kayo. In this case unti unti kayong masasanay na magkasama o magkita kahit di kayo ok. Truce relationship ika nga". Pangungumbinsi nito. Magaling talagang magsalestalk neh?
"Okay. Ano pa nga bang magagawa ko? Magresign?". Sabi ko.
"Subukan mu pa uli magresign magkalimutan na tayo." Seryoso sya.
"J-joke lang. Oo na nga. But i have some conditions regarding this".
"Pftt. Ano?". Mejo nadismaya pa ang bruha.
*EndofFlashback
"Inshort. Nakakatakot manindak ni ate." Pinatirik ko ang mata ko saka ininom ang gatas sa mug ko. "Ma. Walang asukal yung gatas ko. Lagi nalang ba?".
"Bitter ka naman diba? Hahaha". Tinignan ko ng masama si mama. "Joke lang mahal. Nilagyan ko yan pero konti lang para iwas diabetes."
"Tagal pa ba yan ma?. Gutom na ko." Napahimas ako sa tyan kong mejo may katabaan ng maamoy ang nilulutong sinangag ni mama ala chowking daw haha.
"Konti nalang." At pumito pito pa ng pakanta si mama. Ano pa bang magagawa ko? Maghintay malamang.
Habang nakakatitig ako kay mama na nakatalikod na nagluluto at pakendeng kendeng na pumipito bigla namang may kumatok sa pinto.
"Buksan mo. Baka kapitbahay at nakaamoy sa hmmmmmm". Inamoy pa nya yung niluluto nyang umuusok. "Napakasarap kong recipe". Then wink.
"My ghaaaad. Sinangag? Common recipe lang yan mudrakels". In.oa.yan ko ang pagsasabi.
BINABASA MO ANG
Still Into You (ON HOLD)
Teen FictionGirlsxGirls .. kung hindi bet ok lang 😁 a story about two girls who want to get over with their past relationship. A good closure is what they intend to have in able for them to move forward. While in the process of it something confused them. Kun...