Bloody Chaos
Eins' POV
Nagising ako ng marinig ko ang tunog ng alarm clock ko. Kinusot kusot ko ang mata ko saka tumayo sa kinahihigaan at dumeretso sa banyo.
Pagkatapos kong gawin lahat lahat ay saka ako lumabas. Nakita ko si Selena na suot ang pj's n'ya. Hinagod ko s'ya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Damn! She's freaking hot!
Teka? Ano? Did I just say she's hot? Control, Eins. Control.
Bumalik ang tingin ko sa mukha n'ya. Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin ng makitang nakatitig na s'ya sakin. Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. Damn! Nakita n'ya ko!
Nakakahiya ka Eins!
"Are you done checking me out?"sabi n'ya ng nakangisi. Damn! That grin on her face makes her even hot! Fuck this!
"Excuse me? I'm not c-checking you out. Nakakita l-lang ako ng i-ipis sa may p-paanan mo." mautal utal ko pang saad. Napatango tango pa ko. Nang maisip kong para akong bata ay tinigil ko na ang pagtango. Tsk!
"Oh really? Mr.Reich there is no such cockroach in this room. Hindi ka magaling magpalusot."pagkasabi n'ya ay dumeretso s'ya sa kwarto n'ya at iniwan ako don. Nagulat ako sa pagtagalog n'ya. Hindi naman kasi s'ya mukhang pilipina.
Dumeretso ako sa kwarto ko ng makabawi sa gulat. Bakit ba ganon ang akto ko kanina? Hindi ako 'yon. Eh ano naman kung nagsalita s'ya ng tagalog?
Kulang yata ako sa tulog. Napailing na lang ako.
But I admit it. She's sexier than anyone.
Nakangising nagbihis ako ng uniform kong pang president. My uniform's a dark violet long sleeves, black pants and black polo and a dark violet necktie.
**
Selena's POV
Iritang irita ko habang sinusuot ang uniform ko. Bakit? Napakaiksi ng palda. Well, mas maiksi pa 'yung palda nung iba. Ayoko lang ng masyadong labas ang balat. Lapat na lapat naman ang blouse ko sa katawan ko kaya kitang kita ang hubog ko. Tch.
Nadagdagan ang pagkairita ko ng maalala ko ang paghagod ng tingin sakin ni Eins mula ulo hanggang paa. King ina! Mabuti at hindi n'ya nakitang nagulat ako. Nawala ang pagkainis ko nang maalala ko ang mukha n'yang pulang pula at nauutal pa habang hinuhuli ko. Wala sa sariling napatawa ako.
Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong suotin ang uniform ko. Nakita ko s'yang nakaupo sa upuan at nakatutok sa laptop n'ya. Nandoon na naman ang itim na aura na pumapalibot sa kanya. Kung isa siguro kong inosenteng estudyante, matatakot ako sa kanya.
Gusto ko sana s'yang kalabanin para malaman kung gaano s'ya kaliksi at kagaling sa pakikipaglaban. Titingnan ko kung kaya n'yang makipagsabayan sa isang demonyong tulad ko. Napangisi ako sa naisip.
Kinuha ko ang bag ko na nakalagay sa upuan. Sinukbit ko ito. Saglit ko s'yang tinapunan ng tingin at lumabas na ng dorm.
Narinig ko ang muling pagbukas ng pinto. Napakunot ang noo ko. Lumingon ako muli sa dorm namin. Nakita kong naglalakad na s'ya palapit sakin.
"I'll walk with you. We're in the same class. Baka maligaw ka pa."nakangisi n'yang saad na tila nang aasar. Inirapan ko s'ya at nagpatuloy sa paglalakad.
Huminto s'ya sa isang kahoy na pinto na kulay maroon. Napatingin ako sa nakasulat sa gilid nito. Elites, ang pangalan ng section namin.
Saglit kong tiningnan ang relo ko at nakita kong alas-nwebe na. Doon ko lang napagtanto na late na pala kami ng trenta minutos. 8:30 ang oras ng unang klase namin. Paniguradong nandito na ang prof namin.
BINABASA MO ANG
Demon Academy: The Long Lost Of The Heiress
Mystery / Thriller[Currently Revising] "Argh! Selena! kailan ka ba titino?!"sigaw ng isang matanda na nasa 40's na. Tinapunan lang s'ya ng malamig na tingin at binalik ang tingin sa binabasang libro. "That's It! This is the last school for you! I'm so sure that you c...