Bloody Sports Fest
Selena's POV
"Good afternoon, students...."
I can sense the authority and coldness of his voice. It gave me the chills. Brr.
"Well, I summoned all of you because I have something important to tell you. This month, we'll be joining the Bloody Sports Fest—"
"What the?"
"It's the first time in the history!"
First time?
"Enough."
Tumahimik ang buong auditorium nang marinig nila ang malakas at makapangyarihang boses ni Eins. Really? They're scared?
Tumayo na ako dahil wala akong balak sumali sa mga ganyan. Napahinto ako nang marinig ko ang boses n'ya.
"Baby..."
Napalingon ako sa kanya ng may nanlalaki mata. Rinig ko ang singhapan ng mga tao sa loob. What the hell? Baby?
"Did I just heard it right?"
"He called her baby!"
"Shit! Are they in a relationship?!"
"Where do you think you're going?"
Narinig kong muli ang malambing n'yang boses na nakakapagpakabog ng dibdib ko.
Nasa harapan ko s'ya ngayon. At nakatitig sa akin. Ramdam ko ang mainit at mabango n'yang hininga.
"The hell, Eins? You're making a scene!"mahina ngunit madiin kong saad sa kanya. Ngumiti s'ya ng matamis.
Nagsinghapan muli ang mga tao sa paligid namin. Mukhang hindi nila inaasahan ang pagngiti ng kinakatakutan nilang presidente.
Tumalikod s'ya sa akin at nagsalita. Bumalik na naman sa walang emosyon ang mukha n'ya.
"Those who want to join, please go to my secretary and fill up the form. I have something to do."
Napamaang na lang ako sa kanya. Hinawakan n'ya ako sa kamay at hinila sa labas.
***
Nandito kami ngayon sa dorm. Hindi ko alam kung paano n'ya ako napapayag na sumali sa pesteng sports fest na 'yon.
Iyon rin ang dahilan kung bakit ako nakasimangot ngayon. Parehas kaming hindi umiimik at nanunuod lang ng palabas.
Dahil hindi ko na kinakaya at kating kati na ang bibig kong magtanong sa kanya ay nagsalita na ko.
"Why did you call me that?"
Kita ko sa gilid ng mata ko na napatingin s'ya sa akin. Nanatili ang mata ko na nakatingin sa tv at 'di s'ya nililingon.
"Call you what?"
Tsk. Inirapan ko s'ya dahil sa painosente n'yang tanong.
"Don't fool me. You know what I mean."
Napatingin ako sa kanya dahil sa mahina n'yang pagtawa. Damn! He looks sexy when he do that.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang nakita n'yang nakatitig ako sa kanya. Fuck!
"Baby..."
Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil sa pagtawag n'ya sakin noon. He grinned.
"What? What's wrong with calling you baby?"
Inirapan ko s'ya ulit at hindi na pinansin. Nagulat ako nang bigla na lang n'ya kong hatakin at kinandong sa hita n'ya. Natigilan ako nang maramdaman ko ang mainit n'yang hininga sa batok ko.
Mabilis akong nagpumiglas sa pagkakayakap n'ya sakin. Fuck! He's a freaking playboy!
"Baby, stop moving. Please?"
Tila nahiptonismo ako dahil sa sinabi n'ya. God. The famous Eins Reich is begging me!
"Just let go of me, Eins. What do you think you're doing? This is so not you. You're a heartless asshole."
Sa ilang buwan na nakasama ko s'ya ay napatunayan kong napakawalang puso n'ya. Naguguluhan ako dahil sa inaakto n'ya.
He did let go of me. I sat beside him. I heard him sigh.
"I-I don't know, Selena. I think I'm going crazy! What did you do?"
Naguguluhan akong napatingin sa kanya. Nakita kong nakatitig na s'ya sa phone n'ya.
Isang napakapamilyar na babaeng bata ang nasa lockscreen n'ya. Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot ito.
"You promised me! Sabi mo hindi mo ko iiwan! Then what are you doing? You're leaving me! Please stay..."
Nasa harap ko ang dalawang bata. Isang babae at lalaki na tantiya ko ay nasa pitong taong gulang.
Hindi ko makita ang mukha nila dahil malabo. Umiiyak ang batang babae kaya sinubukan kong lumapit ngunit hindi ako makagalaw sa pwesto ko.
"I'm sorry, Misty. I really need to go. Don't cry..."
Pinunasan ng batang lalaki ang luha ng batang babae na wala paring tigil sa paghagulgol. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.
"Don't worry, Misty. I'll find you, I promise you that. You'll always be my bride. You have the necklace that I gave you right?—"
Tumango ang batang babae habang sumisinghot. May nilabas sa damit ang batang lalaki na kwintas.
"See? I have yours. I'll always remember you. Goodbye, Misty. Smile okay?"
Nginitian s'ya ng batang lalaki na ginantihan rin n'ya ng ngiti. Hinalikan muna s'ya nito sa noo bago umalis at kumaway.
Napamulat ako ng mata. Ginala ko ang mata ko at nakita kong nasa kwarto pala ko. Nakita ko si Eins sa gilid ko na nakahawak sa kamay ko.
Sinubukan kong kunin ang kamay ko ng dahan dahan nang bigla itong humigpit at dumilat s'ya.
"Are you okay?"
"Uh..kinda? What happened?"
"You passed out."
I suddenly remembered what I dreamt of. Who are they? That necklace is so damn familiar.
"Can you cook? I'm hungry."
Tumango s'ya at hinalikan muna ko sa noo bago lumabas.
Damn, Eins! Why are you showing me that you care? It's fucking confusing!
BINABASA MO ANG
Demon Academy: The Long Lost Of The Heiress
Mystery / Thriller[Currently Revising] "Argh! Selena! kailan ka ba titino?!"sigaw ng isang matanda na nasa 40's na. Tinapunan lang s'ya ng malamig na tingin at binalik ang tingin sa binabasang libro. "That's It! This is the last school for you! I'm so sure that you c...