Bloody Sports Fest III: Tag Of War
Danica's Point Of View
Sinara ko ang maleta ko kung saan nakalagay ang ilang damit na gagamitin ko sa pananatili namin sa hotel na malapit sa lugar kung saan gaganapin ang laro namin ni Sean. Sinulyapan ko si Tania na nahihirapan sa pagsara ng maleta n'ya. Nakita ko ang kapatid ko na mabilis na napatayo sa kinauupuan n'ya at binitawan ang Iphone n'ya, mabilis n'yang nilapitan si Tania at tinulungan ito sa pagsara ng maleta. Nagngitian silang dalawa at hindi nakaligtas sa akin ang pagkindat ni Chase kay Tania. Napangiti ako sa nakita ko. Chase is such a gentleman.
Binuhat ko ang maleta ko at saktong paglabas ko ng kwarto ay ang paglabas ni Sean. Parehas kaming nagkatinginan at bumaba ang tingin n'ya sa maleta ko. Umirap ako nang umalis na lang s'ya bigla at iniwan ako do'n. Hindi man lang ako tinulungan ng gago.
"Danica, give me your suitcase. I'll carry it for you."
Napatingin ako sa kapatid ko, bumaba ang tingin ko at nakita kong mabigat ang dala n'yang maleta ni Tania. Umiling na lang ako at ngumiti. Kahit naman mabigat ang dala ko ay hindi ko ipapadala sa kapatid ko, baka makaistorbo pa ko sa kanila at ayaw ko 'yon. Kumunot ang noo ng kapatid ko.
"Why? That suitcase is heavy, let me carry it. I don't want you to get tired."
Umiling parin ako sa kanya.
"I admire your sweetness, Chase but I can carry it."
Umalis ako at iniwan sila do'n na walang imik. Binuksan ko ang pinto para lumabas at nakita ko si Sean na nag-iintay do'n na may kausap na babae. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong iyon ang babae sa kabilang unit. Mahaba ang buhok nito na hanggang beywang. Makurba ang katawan ngunit patapon ang ulo. Tch.
"Your place or mine?"
Napahigpit ang hawak ko sa suitcase na hawak ko nang marinig ang sinabi ni Sean. Napanting ang tenga ko nang marinig ang malanding tawa ng babae na humawak pa sa dibdib ni Sean at hinimas himas 'yon.
"How about mine?"
Malanding ngumiti ang babae at kumindat pa. Napatingin ako sa brasong pumulupot sa beywang ng babae. Umiwas ako ng tingin at hindi sila pinansin. Nang lumabas sila Chase at Tania ay nauna na kong naglakad papalayo. Nadaanan ko pa sila Sean na tumingin sa akin. Malamig ko s'yang tiningnan at halatang nagulat s'ya. Umiwas ako ng tingin at naglakad na. Napakuyom ako ng kamao at may parte sa aking naiinis. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit at hindi ko 'yon gusto.
"Sean! Let's go!"
"Coming!—I'll text you."
"Okay, haha."
Mabilis akong naglakad palayo at pinindot ang pindutan ng elevator. Alam kong ramdam nila Chase ang panlalamig ko kaya nanatili silang walang imik sa likuran ko. Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong pumasok at sunod na pumasok sina Chase at Tania. Magsasara na ang elevator nang may sumulpot na kamay at hininto ang pagsara no'n.
"Whew! I'm glad I made it in time! So, what's up guys? What's with the mood?"
Mabilis na pumasok si Sean dala ang maleta n'ya. Deretso lang ang tingin ko at hindi s'ya tinitingnan. Naiinis ako sa pagmumukha n'ya.
"Nothing. Danica's just not in the mood."
Si Tania ang sumagot kay Sean na nakita ko namang tumingin sa akin. Lumapit ito sa akin at inakbayan ako.
"Why is my Danica babe not in the mood?"
Inis kong inalis ang pagkakaakbay n'ya sa akin at bahagyang lumayo. Baka magkamikrobyo ako galing sa babaeng 'yon na napunta sa kanya. Kadiri.
BINABASA MO ANG
Demon Academy: The Long Lost Of The Heiress
Mystery / Thriller[Currently Revising] "Argh! Selena! kailan ka ba titino?!"sigaw ng isang matanda na nasa 40's na. Tinapunan lang s'ya ng malamig na tingin at binalik ang tingin sa binabasang libro. "That's It! This is the last school for you! I'm so sure that you c...