Chapter 33 ✔

3K 58 25
                                    

Clues

Danica

I witnessed that.

I can certainly hear my roaring heartbeat, my trembling hands roamed through my arms. I bit my lip to prevent it from quivering.

I hate this. I hate this feeling.

The feeling of being horrified...

I caught a glimpse of how her brown eyes altered color.

"Danica?"

Agad na napaangat ang ulo ko sa nagsalita. Kita ko ang pag-aalala sa mukha n'ya, dali-dali s'yang lumapit at lumuhod sa harapan ko. Hindi siya umimik ngunit hawak hawak n'ya lang ang kamay ko.

Isang butil ng luha ang lumabas hanggang sa nagtuloy tuloy na. Why am I even crying?

Nakita ko kung paano nag-igting ang kanyang panga. Parang hinaplos ang puso ko nang marahan niyang pinalis ang luha ko.

"You're trembling."

Humigpit ang hawak n'ya sa kamay ko. Biglang kumabog ang dibdib ko nang hilahin niya ako at niyakap. Langhap na langhap ko ang nakakalasing niyang amoy. Unti unting kumalma ang sistema ko at natagpuan ko na lang ang sarili ko na ngumingiti.

"I saw it too. Selena may have her reasons, okay? Don't you trust her? We may not know her well and her past but from what I can see, her intentions are pure towards us. Hush now."

Tama siya. Everytime I watch her smile, it's genuine. Hindi man namin siya lubos na kilala pero isa lang ang masisiguro ko, hindi n'ya kami papahamak.

"Tumahan ka na, ang panget mo umiyak e. Paano na lang kung makita ng mga babae dito na may kayakap akong panget? Yung uhog mo."

Mabilis ko siyang tinulak at tumayo sa bench. Pinalis ko ang aking luha at tinalikuran siya. Jerk.

Naikuyom ko ang kamao ko at mabigat na naglakad papaalis. Napako ako sa kinatatayuan ko nang dalawang kamay ang pumalupot sa maliit kong bewang. Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking tenga. Mariin kong pinikit ang mata ko.

"Sean, stop this bullshit already."

May diin sa bawat salitang binibitawan ko. I felt a chill run down to my spine when he chuckled. Humigpit ang pagkakayakap niya sakin. Pasalamat na lang talaga at walang mga estudyante dito.

"Not a chance, Danica."

Takot ako. Takot akong marinig n'ya ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Stop joking around, Sean. Now, let go of me!"

Hinapit n'ya pa ko papalapit. Siniksik n'ya ang mukha n'ya sa leeg ko. Fuck. Pakiramdam ko ay kamatis na ang mukha ko sa sobrang pula nito.

"Not everything is a joke, Danica. You're hurting me. Do you like that bestfriend of yours?"

Kumunot ang noo ko. Is he referring to Clyde? Hindi ako sumagot dahil malalim ang iniisip ko. Kumalas siya at may konting kirot akong naramdaman. Hindi ko naman itatangging gusto ko na s'ya. Sadyang manhid lang siya at hindi niya maramdaman ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Forget it. I don't wanna hear the answer."

Mapait s'yang natawa at nakita ko ang sakit sa mata n'ya. Sa inis ko ay binatukan ko s'ya.

Demon Academy: The Long Lost Of The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon