Chapter 19✔

5.3K 129 4
                                    

Eins POV

"Here's the change, sir."

Kinuha ko ang sukli at hindi nakaligtas sa akin ang pasimple nitong paghimas sa kamay ko. Mabilis kong iniwas ang kamay ko.

"I believe that flirting with your customers is against this hospital's rules and regulations, am I right?"

Isang malamig na boses ang narinig namin sa likuran ko kaya't napalingon ako doon. Nakita ko ang blangkong ekspresyon na mukha ni Selena.

Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa itsura n'ya.

She's wearing black shorts and black and white stripes shirt and some flipflops. So simple yet it made her so stunningly gorgeous!

"I-I'm sorry, ma'am."

Napabalik ako sa katinuan nang magsalita ang nars sa reception area. Napangisi ako habang nakatitig sa kanya. Lumingon naman s'ya sa akin at walang bakas ng emosyon sa mukha.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan s'ya. Pilit naman n'yang tinatanggal 'yon ngunit hinigpitin ko ang pagkaka-akbay ko sa kanya. Bumulong ako sa tenga n'ya na kinapula n'ya.

"Why so jealous, baby?"

Tinulak n'ya ko kaya't nakawala s'ya sa akin. Tumawa ako nang magsimula na s'yang maglakad.

"Selena, wait!"

Humabol ako sa kanya at pinantayan s'ya sa paglalakad. Nadischarge na ngayong araw si Selena kaya't dederetso na kami sa airport para habulin ang flight namin.

Napahawak ako sa bulsa ko nang may nag-vibrate doon. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang caller.

Sean calling....

Sinagot ko 'yon at tinapat sa tenga ko.

"Hello?"

"Dude!"

Muntik ko nang ilayo sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa lakas nang sigaw ni Sean.

"Quit shouting, will you? Anyways, why did you call?"

"Sorry, I have good news!"

Kumunot naman ang noo ko. Sinulyapan ko si Selena sa gilid ko na wala paring emosyon na naglalakad.

"What?"

"Chase won in the gun shooting and man, you don't wanna see his mad face!"

Lalong napakunot ang noo ko. Bihira lang magalit si Chase.

"Why? Did something happened?"

Rinig ko ang tawa ni Sean sa kabilang linya.

"He got mad at Chade, his opponent. I don't know the reasons tho. He turned into a monster when this Chade guy said something!"

Muntik na kong mapatawa kaya't napalingon sa akin si Selena. Umiling ako sa kanya kaya't binalik n'ya ang tingin sa harap.

"Is Tania involve?"

Rinig ko natahimik ito at maya-maya ay bumulanghit ng tawa. Napangisi ako.

"Maybe, Tania is the only reason why he would react like that. That lover boy! I would not act like that if I were him."

"Someday, you will eat all you said."

Tama naman ako. Baka kainin n'ya ng wala sa oras lahat ng sinabi n'ya kapag nainlove na s'ya at sa tingin ko ay malapit na mangyari 'yon.

Demon Academy: The Long Lost Of The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon